ESTÉE POINT OF VIEW Pagkagising ko kinabukasan sa maliit naming kwarto sa inn, akala ko nananaginip lang ako. Maliit pa rin ang kama. Pareho pa rin ang amoy ng lumang aircon at shampoo na pang-masa. Pero may isang bagay na hindi ko pa rin mahawakan nang buo. Kasado na ako. Asawa na ako ni Alec Monteverde. Pinilit kong hindi isipin. Ayokong magpaka-drama. Pero habang nakaupo ako sa gilid ng kama at tinatapik ang pisngi ko, unti-unting pumasok ang realidad. Hindi na ako si Estée Laxamana, public school teacher na masaya na sa GCash load at masarap na pancit canton tuwing sahod. Ngayon, asawa na ako ng isang Monteverde. At ang Monteverde ay hindi basta apelido. Isa itong dambuhalang pader na kailangang akyatin—mataas, makinis, at punung-puno ng mga matang mapanghusga. Pagbalik namin s

