ESTÉE POINT OF VIEW Ang lakas ng ulan sa labas, parang galit na galit ang langit. Tuloy-tuloy ang buhos na halos hindi mo na marinig ang sarili mong iniisip. Nakaupo ako sa sofa habang nilalaro ang maliit kong plushie na binili ni Alec para kay baby. Ang laki na ng tiyan ko—halatang-halata na ang bilog at ang bawat galaw ni baby sa loob ay ramdam na ramdam ko na. Supposedly bukas pa ang schedule ko para sa panganganak. Kaya ngayong gabi, chill lang dapat ako, nagrerelax habang nagpapamasahe kay Yaya Maring ng mainit na langis sa paa ko. "Estee, iangat mo nang konti yang paa mo, hija. Baka mamaga na naman yan. Di mo na halos maihakbang, eh," sabi ni Yaya Maring habang dahan-dahang minamasahe ang paa ko. "Yaya, huwag masyado madiin... nakakakiliti," tumatawa kong sagot, pilit pinipigil a

