ALEC POINT OF VIEW "Mr. Monteverde, the numbers from Q4 show a slight dip in market engagement sa Southeast sector. We might need to recalibrate the launch of our new product line..." Nakatitig lang ako sa monitor, pilit na pinakikinggan ang sinasabi ni Mr. del Rosario, isa sa pinaka-veteran naming board member. Ilang ulit ko na siyang naririnig magsalita ngayong gabi, pero kahit isang salita ay parang wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung dahil ba sa gutom, sa pagod, o dahil sa kaba na matagal ko nang nararamdaman mula pa lang kaninang umaga. Hindi ako mapakali. Pangalawang araw ko nang uuwi ng late. Hindi ko na naman naabutan si Estée na gising. Kahit gusto ko nang magsabi na ayoko nang ituloy ang meeting na ito, hindi ko puwedeng basta-basta iwan. Hindi lang ito ordinaryong m

