Against the Odds

1011 Words
ESTEE POINT OF VIEW Akala ko, kapag sinabing dinner kasama ang pamilya, ibig sabihin noon ay masaya, maingay, at puno ng kwento. Pero habang nakaupo ako ngayon sa isang napakalaking dining table, na parang higit pa sa laki ng buong apartment namin, pakiramdam ko para akong maliit na langgam sa gitna ng mga leon. Nasa kanan ko si Alec, palaging nakangiti sa akin, parang sinasabing “Okay lang 'yan.” Sa kaliwa naman ay si Mrs. Monteverde — prim and proper na babae, naka-diamonds ang tenga, naka-balat ang bag, at nakataas ang isang kilay mula pa nang pumasok ako. Across the table, si Mr. Monteverde, na mas seryoso pa kaysa sa principal namin, nakatitig lang sa akin, para bang ini-scan bawat galaw ko. Hindi ko mapigilang pisilin ang palad ko sa ilalim ng mesa para hindi mahalata ang kaba ko. "P–pork chop po?" alok ko kay Mrs. Monteverde, sabay abot ng serving spoon. Tiningnan niya lang ang kamay ko, tapos ang pork chop, tapos ang mukha ko, bago siya ngumisi ng manipis. "No, thanks. I don't eat that much fat," sabay tingin kay Alec na para bang sinasabing, Bakit ito ang dinala mo rito? Napayuko ako. Hindi pa doon nagtapos. "So, Estee," bungad ni Mr. Monteverde, habang maayos na inilalapag ang kutsilyo’t tinidor. "Teacher ka raw?" Tumango ako. "Opo. Grade school teacher po sa—" "Public school, right?" singit ni Mrs. Monteverde, na may tono ng panghuhusga. Napalunok ako. "Opo." "How... noble," sabi niya, pero halata sa tono niya na hindi iyon puri. Para bang awa ang naririnig ko sa boses niya, hindi admiration. Pakiramdam ko biglang lumiliit ako sa kinauupuan ko. "So tell me," dagdag ni Mr. Monteverde, habang sinusuri ako. "What can a public school teacher offer to a Monteverde?" Doon ko na naramdaman ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Wala akong nasagot. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Hindi ko pwedeng sabihin, "Love." Hindi ko pwedeng sabihin, "Kindness." Dahil sa mundo nila, hindi iyon sapat. Tumingin ako kay Alec, at nakita ko ang pagkuyom ng panga niya. Kita ko sa mga mata niya ang galit na pilit niyang pinipigil. Hindi pa tapos si Mrs. Monteverde. "Look, dear," sabi niya habang nakangiti ng pilit. "We're not saying you're a bad person. It's just... people have to know their place. We worked hard to build our name. Alec deserves someone who can stand beside him in his world. You understand, right?" Bawat salita niya, parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas pero nagawang ngumiti ko ng kaunti. "Opo," mahina kong sagot. Pero sa loob-loob ko, durog na durog na ako. Sino ba naman ako? Isang simpleng teacher. Nakasuot ng best dress ko pero obvious pa rin na hindi ito designer brand. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng pagkain. Hindi ako lumaki sa ganitong mundo. Pilit kong nilunok ang lump sa lalamunan ko. Hindi ako umiyak. Hindi ako nagalit. Tinanggap ko lang. Kasi ano pa ba ang laban ko? Pero si Alec, hindi nagtimpi. Bigla siyang tumayo, ang lakas ng tunog ng pagtulak niya ng upuan niya sa sahig. "Enough," mariin niyang sabi, malamig ang boses. Nagulat pati ang mga magulang niya. "Estee doesn’t have to prove anything to anyone," diretsong sabi niya, titig na titig sa mga magulang niya. "And if you can't see her worth beyond her bank account, then maybe it's not her who's not good enough — maybe it's you." Napalingon ako sa kanya, gulat na gulat. Alec clenched his fists, trying to calm himself, pero halata pa rin ang panginginig ng katawan niya sa galit. "I invited her here because I wanted you to meet the woman I care about," tuloy niya, mas mababa na ang boses pero mas mabigat. "But instead, you humiliated her." Tumahimik ang buong mesa. Si Mrs. Monteverde, parang hindi makapaniwala na pinagsabihan siya ng anak niya. Si Mr. Monteverde naman, hindi nagsalita pero halatang hindi natuwa. "You always said you wanted what's best for me," dagdag ni Alec, nanginginig ang boses. "Well, this is what's best for me." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, inilagay ang isang kamay niya sa balikat ko. "Come on, Estee. We're leaving." Hindi na ako nagdalawang-isip. Tumayo ako, kahit nanginginig ang tuhod ko. Habang naglalakad kami palabas ng malaking mansyon na 'yon, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Hindi ko kayang tingnan kahit sino sa kanila sa mata. Pagkarating namin sa labas, hinawakan ako ni Alec sa magkabilang balikat. "I'm sorry," bulong niya. "I'm so, so sorry, Estee." Ngumiti ako, pilit. "Okay lang ako." Pero hindi 'yon totoo. Hindi ako okay. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na ikinahihiya ako ng ibang tao dahil sa kung sino ako — dahil sa simpleng pangarap ko, sa simpleng buhay ko. "Estee..." bulong niya ulit, hinahaplos ang pisngi ko. "You’re more than enough. Don't you ever think otherwise." At sa mga salitang 'yon, doon na tuluyang bumigay ang mga luha ko. Hindi dahil sa kahinaan, kundi dahil sa sakit — at sa isang parte ng puso kong natatouch, kasi may isang tao na pinili pa rin ako kahit gaano ako kaliit sa paningin ng iba. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak, habang yakap niya ako sa malamig na gabi. At sa gitna ng katahimikan ng gabi, isang pangako ang nabuo sa puso ko: Hindi ko alam kung saan patutungo 'to, pero isang bagay ang sigurado — lalaban ako para sa kanya. Kahit pa gaano kahirap. Kahit pa laban sa lahat. I did give him a chance kahit maliit na panahon lang ang pagkakakilala namin sa isat isa. I'm not an easy girl but there's a part of me that saying he'll be the father of my kids in the future. And believe me that's what I'm feeling right now. Giving him a chance to enter my world is not a mistake. Even his world is different from mine. I still wanted to make this work out. I calm my self and smile at him. His not bad, I can see it in his eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD