Selene Nagising ako mula sa pagkakaidlip dito sa kuwarto ni Alana. Marahan akong bumangon sa kama at kinusut-kusot ko pa ang mga mata ko. Nakita ko na wala si Alana sa playpen niya at wala rin siya sa crib niya kaya kahit antok pa ako at ang bigat bigat ng pakiramdam ko eh pilit akong tumayo para hanapin siya. Pagbaba ko mula sa second floor ay nakita ko si Alana at Louis na masayang naglalaro at tinuturuan ni Louis si Alana na maglakad at magsalita. Napahinto ako at hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa pinagmamasdan ko. Maya maya pa ay napalingon sa gawi ko si Louis. “Mama is there oh, go to mama..” Baling niyang muli kay Alana tapos ay nakangusong turo niya sa akin. Ang anak ko naman eh agad na tumakbo papalapit sa akin at nagkandadapa-dapa pa siya kaya tumakbo ak

