Selene Inaantok ako habang naghihintay para kay Katty. Nag rest room kasi siya pero nagpaiwam na ako dito sa lobby at waiting area ng hospital dahil hinihingal na ako at madali na akong mapahapo. Kakatpos lang ng check up ko sa ob-gyn ko at nakahinga ako ng maluwag nung sabihin ng doctor na malakas naman ang kapit ng bata, unlike my first pregnancy na medyo maselan. “Selene, OMG! Pasensya na at pinaghintay kita!” Hinihingal na salubong sa akin ni Katty matapos niyang tumakbo papalapit sa akin. “Ayos lang, tara na! At bibilin pa natin ‘yung reseta ni dok.” Sambit ko sa kaniya pero napailing ako ng makita ko ang kumpulan ng mga tao sa labas ng hospital. “Anong meron dito ngayon, Katty?” Takang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway palabas ng hospital. “Hindi ka ba u

