Elias Kanina pa ako nakatulala dito sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Selene. Halos nakatulog na siya kakaiyak dahil gusto niyang kunin ang anak niya mula kay Louis. Naaawa nga ako sa kaniya eh at ramdam ko kung gaano siya nag aalala para sa anak niya pero wala siyang magawa. “Elias, Hijo?” Napalingon ako nung marinig ko ang boses ni Mamita. “Mamita, may kailangan po kayo?” Kunot noong tanong ko. “Kamusta na si Selene?” Mausisa niyang tanong kaya napailing ako at napahingang malalim. “Nakatulog na ho kakaiyak.” Sambit ko pa tapos ay dahan dahan kong sinara ang pintuan ng kuwarto ni Selene para hayaan siyang makapagpahinga at makatulog ng maayos. “Mamita, I’m really confused.” “Why Louis can do such thing to his wife? I mean gano’n ba kalala ang away nila para umabot sa ganito

