PARIS/CHASE You are mine napabalikwas ako sa kama habol hininga ang pawis ko tumutulo sa aking mukha pangalawang araw ko ng napapanaginipan ang babaeng yun. Mangkukulam ba yun? Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko para pumunta ng kusina pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. Alas dos na ng madaling araw tulog na silang lahat maliban nalang sa mga guwardiya na nakapaligid sa mansion masyadong mahigpit ang security dito hindi sila basta bastang nagpapapasok. "Oh hijo, ang aga mo naman magising" ang mayordoma pala na may pagka strikta dahil lahat ng katulong dito ay takot sa kanya. "Nagising lang ako dahil nauuhaw ako manang" inaantok kong sabi at umupo sinalinan naman niya ako ng gatas masasabi kong maalaga ang mayordoma lalo na sa pamilyang alaniz. "Yun lang ba o may bumabag

