PARIS/ CHASE
"What?" napasigaw ako at napatayo dahil sa narinig ko natawa naman si Ti-- Daddy Ramiro dahil sa expression nang mukha ko ngayon "Paris, kailangan mong magpagupit dahil hindi ka pwedeng magpakilala bilang anak kong si chase kung mahaba ang buhok mo baka isipin pa nilang bakla ang anak ko o di kaya babae talaga.. basta ayoko lang na magduda sila"
Magapagupit pa nga lang nanghihinayang na nga ako ito pa kayang gupit lalaki pero para kay daddy gagawin ko ito kahit pa kalbuhin ang buhok ko "Pumapayag na po ako" pang ilang beses kong na ba itong sinabi.
"Umupo kana diyan" sabay turo niya sa swivel chair may tinawag siyang lalaki - beki pala na may hawak ng gunting "Kristy ikaw na ang bahala dito sa anak ko" sabi nito nandito pa kami sa hospital na pagmamay ari nila kaya naman nagagawa nito ang kaniyang naisin napapapikit na lang ako sa tuwing tumutunog ang gunting naiiyak ako sa loob loob ko dahil wala na ang inaalagaan kong buhok.
Hahaba pa yan paris, Pag natapos na ang problema mo pwede ka ng bumalik sa dati "Charaaaann" natutuwang sigaw ng bakla kaya napadilat ako ng mata "Oh diba! Ang gwapo na ng anak niyo Sir Ramiro kamukhang kamukha niyo"
Weird pero kamukhang kamukha ko nga siya magkaiba lang kami ng kulay ng mata dahil kung green sa kanya hazel eyes naman ang sa akin. "Good job Kristy maasahan ka talaga" sabay tapik niya sa bakla at binigyan ng pera tuwang tuwa naman ito dahil malaki ang tip na binigay sa kanya.
Nakatingin pa din ako sa salamin naiilang ako dahil panglalaki na ang buhok ko narinig ko na lang na nagpaalam na Kristy at tangin dalawa lang kami ni Daddy Ramiro ang naiwan wala kasi si Tita Amelia may dinaanan lang pero papunta na siya dito "Isuot mo nato chase" nilapag niya ang damit na pangpalalake tumango naman ako at tumayo para kunin yon.
Papunta na sana ako sa cr nang pigilan niya ako naguguluhang tumingin naman ako sa kanya "Sigurado ka bang anak ka ni martin?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya "hundred percent sure na anak ako ni daddy dahil wala naman silang nabanggit na ampon ako" sagot ko sa kanya dahil may mga baby pictures pa ako sa bahay kaya naniniwala akong tunay ko silang magulang.
Binitawan naman niya ako at itinuro na pumunta ako sa banyo para magpalit hinubad ko na ang kasuotan ko at tumingin sa salamin napabuntong hininga na lang ako kailangan kong tanggapin ang ganitong sitwasyon lalo na wala akong ibang maasahan at maganda na rin siguro ito para hindi ako mahanap ng tauhan ng step mom ko.
Nakita ko ang isang binder doon, kahit nama flat chested ako kailangan ko pa din yun dahil may umbok din naman. Pinulupot ko na sa dibdib ko yun at inumpisahan isuot ang damit na binigay sa akin ni Daddy Ramiro medyo naiilang pa din akong tawagin siyang daddy.
"Nasaan na si chase?" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni mommy amelia nandito na pala siya nagmadali na akong isuot ang pants ko at lumabas na.
Parehas natigilan ang mag asawa nang masilayan ako nanginginig pa na lumapit sa akin si Mommy Amelia "Kamukhang kamukha mo siya Ramiro" buong paghanga na sabi nito "Ganito din ang itsura mo noong pagka binata mo" dagdag pa niya.
"Kahit ako hindi makapaniwala dahil parang pinagbiyak na bunga kaming dalawa" nangi-ngiting saad nito habang nakatitig sa akin.
Lumabas na kami ng hospital at nagyaya si Mommy Amelia na kumain sa mall bago umuwi nang bahay at ipakilala ako bilang anak nilang si CHASE. Sayang nga lang dahil hindi man sila nagkapiling nang anak nila ramdam ko ang pangungulila nila kay chase dahil ten years old nang mawala ito sa kanila.
"Mommy, bakit tayo pinagtitinginan ng mga tao? Artista ka ba?" tanong ko sa kanya napapayuko na lang ako dahil hindi ko kaya ang atensyon na binibigay nila narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito kaya inangat ko ang ulo ko napapailing naman siya.
"Anak hindi ako artista sadyang gwapo ka lang kaya pinagtitinginan ka nila lalo na ang mga babae" nakangiting sagot nito.
Dahil sa sinabi niya tinignan ko naman ang kapaligiran totoo nga na puro mga babae ang tumitingin sa akin meron pang kumikindat eww! Kung alam niyo lang na babae ako at parehas tayong dinadatnan t'wing buwan "Oh wag kang magpakita ng ganyan expression baka isipin nilang bakla ka" paalala niya tumango naman ako at nag poker face na lang.
"Masanay kana ganyan talaga pag mga gwapo" sabat ni Daddy Ramiro kinurot naman siya ni mommy amelia "Yang pagka mahangin mo dinala mo na naman hanggang dito sa mall"
Pumasok na kami sa restaurant halatang VIP silang mag asawa dahil aligaga ang mga crew sa pagsisilbi sa aming tatlo panay sulyap naman nila sa akin mababanaag mo ang paghanga sa mga mata nila.
As soon as we were seated, the waiter handed us worn out menus narinig kong pina order nila mommy ang best seller nila tumango naman ang waiter.
"Ikaw anak anong gusto mong idagdag?" tanong ni Daddy Ramiro sa totoo lang medyo gutom na nga din ako at nag c-crave ako sa pasta "Carbonara mommy" natutuwang sabi ko.
Pagkatapos naming kumain nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago lumabas sa restaurant naalala ko nga palang bibili ako ng headphone hindi kasi ako nakakatulog ng maayos pag hindi ako nakikinig ng music.
"Mommy wait lang may bibilhin lang ako sa kabilang store" paalam ko sa kanila tumango naman ito "Okay, hintayin kana lang namin sa Starbucks gusto munang mag coffee ng daddy mo" sabi nito napansin ko ng mga nakalipas na araw mahilig nga si daddy uminom ng coffee at ganoon din si mommy ako lang ang hindi mahilig sa coffee.
Nakangiting lumabas ako sa store habang hawak ang paperbag na may laman na headphone.
Napahinto ako ng may liwanag na nakakasilaw sa mukha ko nang mawala yun isang babae ang nasa harapan ko ngayon na may hawak na phone.
Kinuhaan ba niya ako ng picture? "What are you doing?" tanong ko sa kanya tinignan muna niya ang phone niya at saka lang bumaling sa akin.
"I'm taking a picture of you" walang gatol na sagot nito seryoso din ang kaniyang mukha "W-why?" napakunot na ang noo ko.
"Trip ko lang, Ciao" sabi niya at tumalikod na napanganga lang ako dahil sa inakto niya ang gandang babae weirdo naman "Oh, Mr." sabi nito nang huminto siya sa paglalakad.
"What?" pasigaw kong sabi sa kanya.
Ngumisi siya bago nagsalita "You are mine" at nag flying kiss pa ito