Chapter 1: June 4

4033 Words
Hi! I'm Mark and today is my first day of Senior High and to be honest, 'di ako excited. "Sir, dito na po tayo," sabi ni Kuya Jess, my driver. "Oh. Okay, kuya. Salamat. Pasundo na lang ako ng 3pm mamaya. Wala kasi akong load tapos 'di ko rin alam if pwede gamitin phone namin." "Copy po, Sir." "Thanks, Kuya! Bye!" Pagkababa ko pa lang ng kotse, naalala ko na naman lahat ng bad memories ko sa school na 'to. I can't believe na kailangan ko ulit tiisin 'to ng dalawang taon. Oh well, wala naman akong magagawa. "Uy, Mark, dito ka pa rin pala? Akala ko sa La Salle ka na? 'Di ba nakapasa ka dun?" bati sakin ni Allen, former classmate ko noong Junior High School. Ito na nga ba ang sinasabi ko, sigurado puro ito ang itatanong sa akin ng mga dati kong kaklase. Noong mga huling araw kasi bago mag-graduation ay pinagkalat ko nang lilipat na ako ng school. Ang yabang-yabang ko pa na sa Manila na ako mag-aaral tapos makikita pa rin pala nila ako dito. Sobrang nakakahiya. "Ah, Oo. Ayaw kasi ako payagan pa ni Daddy mag-aral sa Manila," sabi ko na lang. "Ohhh, anong strand ka?" tanong niya habang naglalakad kami paloob.  "STEM," sagot ko.  "Ay sayang, ABM ako. 'Di na tuloy kita makokopyahan," patawa niyang sinabi.  "Uy ito na room ko, mamaya na lang," sabi ko sabay pasok ng room. 'Di na bago sa akin yung pang-aasar ni Allen. Aminado naman kasi ako na ang number one priority ko kahit anong mangyari ay pag-aaral. Only child kasi ako at consistent honor student mula elementary kaya ang laki ng expectations sa akin ng daddy ko. Competitive kasi siya kaya bawat achievement ko asahan mong nasa f*******: niya para daw makita ng mga kumpare niya. Siguro, nahawa na rin ako sa kanya kaya pati sa school ayokong natataasan ako ng iba. Pero, 'di naman ako yung tipong nerd. 'Yung tamang grade conscious at responsable sa acads lang. Kaya pag may assignment or group project, asahan mo nang nakalibot sa desk ko 'yung mga katulad ni Allen. Mahirap man magbuhat ng mga kaklase, nagugustuhan ko naman kasi pakiramdam ko ang importante ko. Handa na ako sa ingay ng mga former classmates ko pero mas nagulat ako sa mga bago naming kaklase. "Hala, bakit may mga babae?" sabi ko sa sarili ko.  All boys kasi yung highschool ko at dahil sister school lang din naman nila itong pinasukan ko, akala ko puro pa rin kami lalaki. May tsismis na noon na baka nga raw mag-coed na pero dahil akala ko nga sa ibang school na ako mag-aaral, 'di na ako masyadong nakibalita. Last minute lang din kasi 'yung desisyon ni daddy na 'wag muna ako sa Manila. Medyo tulala pa ako nang biglang pumasok si Ma'am Santos sa room. Sa taranta, umupo na lang agad ako sa pinakahuling upuan ng classroom. "Shocks, wala pa ata ako ni isang kilala sa section na 'to," bulong ko habang tinitignan ko lahat ng estudyante sa kwarto.  Late ko na kasi nalaman 'yung section ko kaya 'di na rin ako nakapagtanong sa mga kaibigan ko. Pero, buti na lang kay Ma'am Santos ako napunta. Kung bakit, sa sususnod ko na lang kwekwento. "Hi guys! I'm Ms. Santos and I'll be your class adviser. Welcome to STEM and to SHS. You are the pioneer batch kaya lahat kami nangangapa pa kaya please cooperate with us. Let's arrange the class first. Guys at the back, may seats pa dito sa harap. Let's occupy these first at para marinig niyo rin ako. Mark? Bakit nandyan ka sa likod? There's still a seat in front. Himala, ayaw mo ata tabihan best friend mo ngayon," sabi ni Ms. Santos. Napatayo agad ako para tignan yung sinasabi na Ma'am na bestfriend ko. Umabot ata sa tenga yung ngiti ko nang makita ko sa Chin na nakaupo sa pinakaharap. Halos patakbo akong lumipat nang upuan. Pagkaupo, binulungan ko agad si Chin. "G*ga! Bakit 'di mo ko tinawag." "Mare, mamaya na lang. Nagsisimula na si Ma'am sa orientation," sabi sa akin ni Chin. Halos maputol na yung mga daliri ko sa kamay kakasulat ng mga bagong rules, schedule, grading, at subjects namin. 'Di pa nakatulong 'yung ingay ng mga kaklase namin mas lalo na nang inannounce na pwede na talaga magdala ng cellphone at magdala ng sariling sasakyan papasok ng school. Halos dalawang oras rin na hindi tumigil si Ma'am sa kakasalita. "Class, that's the school bell. I'll see you after lunch," sabi ni Ma'am sa klase. 'Di pa man din nakakalabas si Ma'am ng classroom ay nagkwentuhan na agad kami ni Chin. "Uy, mare! Akala ko ako lang mag-isa sa section na 'to. Sobrang stressed na ako dun sa likod kanina," sabi ko sa kanya. "G*ga ka talaga. 'Di mo ba chineck yung sinend ko sayong class list kaninang umaga? Nag-save pa nga ako sayo ng seat. Akala ko tuloy absent ka," sagot naman niya. "Ay, hindi. Wala naman kasi akong data. 'Di na rin ako nagpa-load wala namang ka-chat. Anyways, buti na lang talaga magkaklase tayo. Infairness ha, halos 2 buwan lang tayong 'di nagkita parang ang laki ng pinayat mo," kwento ko. "Salamat! 'Nagbawas na kasi ako ng kanin," nakangiti niyang sagot "Wow, diet? Ilang bandehadong kanin na lang ngayon?" asar ko naman sa kanya. "Grabe sa bandehado. Sako kasi," sagot niya sabay tawa. "Seriously. Ang laki ng pinayat mo. I mean, mataba ka pa rin pero bagay na sa tangkad mo ‘yung laki. Gets ba?" Malaking tao kasi talaga si Chin noong high school pa man kami. Sa tangkad at laki niya noon, matatakot kang lumapit sa kanya. Noong una nga kaming nagkita, hindi ko agad siya kinausap. Nakadagdag pa 'yung pormahan niya noon na parang nerd na masungit. Ang kapal na nga ng salamin, lagi pang may hawak na libro. Pero, 'pag nakausap mo na siya, doon mo malalaman na sobrang bait at nakakatawa talaga niya. 'Di rin siya nerd pero sadyang pinanganak lang siya na matalino. Mabilis rin kami nagkasundo kasi parehas kaming sheltered ng mga magulang namin. Noong mga unang taon nga namin sa highschool, magulang pa rin namin bumibili ng damit at naghahatid sa amin sa school. Buti na lang, noong huling year namin, naintindihan na namin parehas ang salitang fashion at independence. Ang hindi lang talaga namin maisip ay kung paano sasabihin sa mga magulang namin na bakla kami. "Ikaw rin naman, ang daming nagbago sa'yo," sagot naman niya sabay tingin sa ulo hanggang paa ko. "Ganyan talaga kapag nasaktan," sagot ko agad. "I mean, tumaba ka mare? In fairness din ha, 'di ko alam na may iitim ka pa pala? Saan ka ba nag sunbathing? Sa sun? Charot!" asar niya. "Grabe. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina. Walangya ka!" Pero, tama naman talaga siya. Ang laki naman talaga ng tinaba ko noong summer. Wala na nga atang magkasya lumang t-shirt at pantalon ko eh. 'Di ko pa rin naman kasing laki si Chin, pero palapit na doon. 'Di rin nakatulong na pandak ako, 5'5 lang ako salamat sa genes ng tatay kong 5'4 lang. Kumbaga, sa flag ceremony ako yung laging nasa harap ng pila. Tama rin si Chin na mas umitim ako kaysa dati. Halos nasa beach lang talaga kasi ako buong summer dahil may bahay kami na malapit sa dagat. Wala naman akong pake kung umitim pa ako mas lalo. Buong pagkabata ko, lagi akong inaasar ng mga kalaro ko na "aeta" dahil sa kulay ng balat ko at kulot na buhok. 'Di ko maalalang naasar ako kasi 'di naman panget ang mga "aeta". Kaya habang lumalaki, nawalan na ako ng pake sa itsura ko. Minsan nga pumapasok ako ng school na 'di nagsusuklay eh. Tsaka, nakakatamad na rin mag-ayos ng buhok kasi mas malaki na ata noo ko kesa sa buhok. 'Di pa rin nakontento si Lord kaya pinalabo pa nang sobra ang mata ko noong last year ng highschool kaya may suot na rin akong salamin ngayon. Basta, isipin niyo na lang yung famous line na "Tall, dark, and handsome", ako ang perfect example ng kabaliktaran 'nun. Ang pinanghahawakan ko na lang talaga ay yung sinabi sa akin ng nanay ko na cute naman daw ako. "Kumain na lang tayo sa baba baka kasi maasar mo pa buong pagkatao ko. Tara, Libre ko!" aya ko kay Chin. "Ay, G ako dyan," mabilis niyang sagot. Sa lahat ng nabago sa aming dalawa sa ilang taon na pagkakaibigan namin, katakawan lang talaga namin ang 'di nawawala. Basta pagkain, 'di kami makatatanggi. Tuwing uwian, laman kami ng mga kainan sa palibot ng school. Palabas na sana kami ng room kaso may lalaking nakaharang sa may pintuan. "Excuse me! Pintuan po 'to. Labasan ng tao. 'Wag kayo dito magkwentuhan at tumambay," mataray kong sabi. "Ay sorry," sabi niya sabay talikod patingin sa amin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko yung mukha niya. Ramdam na ramdam kong biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Pakiramdam ko nang mga oras na 'yun ay kahit anong oras pwede ako himatayin. "Uyyy Mark!!! What the f*ck. Ikaw nga! Dito ka pa rin pala? Akala ko nagbibiro lang si Allen," sabi sa akin ni Vince. Buti na lang at siniko ako ni Chin sa tagiliran kaya medyo nahimasmasan ako sa mga nangyayari. "Mare, una na ako sa baba ha. Ibibili na kita," sabay bitaw at lakad nang mabilis ni Chin. "G*ga, 'wag mo kong iwan," pabulong kong sabi habang sinusundan ko ng tingin si Chin pababa ng hagdan. 'Yun na ata ang pinakamabilis ko siyang nakita maglakad. "Uyyy!!! Bakit dito ka pa rin?" sabay hawak sa balikat ko ni Vince. F*ck, kung minamalas ka nga naman. Unang araw pa lang, siya agad makakausap ko. Kaklase ko si Vince simula Grade 7 hanggang Grade 10. Sa buong apat na taon na 'yun, sa kanya lang talaga ako nagkagusto. Grade 7 pa lang kami, part at active na si Vince sa school basketball varsity team namin. Nung una, 'di ko siya masyadong napapansin kasi madalas wala naman siya sa klase. 'Di rin naman ako mahilig sa sports kaya wala akong pake kung sino ba yung mga varsity na 'yan. Naging close lang talaga kami nang i-assign siya sa akin ng adviser namin para maging study buddy. Uso kasi sa school namin yung collaborative learning kaya lahat ng nasa top ng rankings binibigyan ng mga medyo nasa baba. 'Di naman talaga bob* si Vince, wala lang talaga siyang time para mag-aral kaya medyo mababa 'yung grades niya kaya 'di rin ako nahihirapan turuan siya. Noong una lang talaga, medyo natatakot ako tuwing kasama ko siya kasi kilala silang mga varsity members na bully at mayayabang. Pero, kahit isang beses naman, 'di niya ako niyabangan o inaway. Madalas pa nga, mas maaga siyang dumadating sa library kesa sa akin kasi nahihiya siyang paghintayin ako. Minsan, nililibre niya rin ako ng pagkain mas lalo na kung sobrang late na kami natapos. "Uy! Okay ka lang ba?" tanong ni Vince sabay alog sa akin. Doon ko na lang ulit naalala na nasa harap ko nga pala yung lalaking iniisip ko. "Uy! Sorry. Sorry. Puyat kasi ako kagabi kaya lutang pa. Ano nga ulit yung tanong mo?" "Sabi ko, dito ka pa rin pala? Huli nating usap diba La Salle ka na sabi mo?" "Ah, ayaw pa kasi ni Daddy," sagot ko naman. "Una na ako ha, baka hinihintay na ako ni Chin. Mamaya na lang!" nagmamadali kong sabi sabay hawi ng kamay niya sa balikat ko. Hindi pa man din ako nakakahakbang ay binalik na niya yung mga kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Binaba niya yung ulo niya para tignan ako sa mata. Grabe, titig pa lang niya para na akong matutunaw. Amoy na amoy ko na naman yung pabango niyang pasikreto kong inaamoy tuwing tinuturuan ko siya noon. 'Di man ganun katangos ang ilong niya pero bagay na bagay naman sa mga mataba niyang pisngi na mahirap hindi mapansin mas lalo na kapag nakangiti siya. Hay, tangin* talaga ng ngiti na yan, yung ngiting halos nawawala na yung mata? Yung ngiting kahit malungkot ka kaya ka pasayahin? Sobrang delikado ng ngiti ni Vince - sobrang delikado sa puso. "Gusto mo bang pag-usapan natin yung sinend mo?" halos pabulong niya tanong sa akin. Ramdam kong nag-init yung buong mukha ko sa hiya. Hindi ko na siya matignan sa mata kaya bahagya ko na siyang tinulak. "Kahit 'wag na! Okay na 'yun! Gets ko naman na! Sige na, bababa na talaga ako. Gutom na talaga kasi ako," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Habang naglalakad palayo, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Takot ba dapat na baka layuan na niya ako pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yun? O takot na baka ipagkalat niya sa lahat? Hiya ba dapat? O, lungkot kasi wala akong natanggap na kahit anong reaksyon sa kanya ng ilang linggo? Noong mga oras na 'yun, gusto ko nang umiyak, sumigaw, at magmura nang sabay-sabay at walang tigil. "Lord, ano bang ginawa kong masama para ilagay mo ko sa sitwasyon na 'to?" bulong ko.  Buti na lang at kumulo 'yung tiyan ko kaya naalala ko na kung sino ba ang dapat kong sisihin sa nangyari sa akin ngayong first day na first day. "Aray!" sabi ni Chin pagkatapos ko siyang batukan. "Talagang iniwan mo 'ko dun sa taas mag-isa? What a friend," sabi ko sa kanya. "Eh, g*ga, ayaw ko maipit sa issues mo. Sabi ko naman sa'yo, landi at your own risk at landi nang nababatay sa itsura. Isa pa, talagang kaklase pa natin 'yung napili mong landiin. Out ka na teh?" hirit niya. "Shhhh. Sige lakasan mo pa para marinig ng lahat," sabi ko. "Ay, mare, ayos nandyan si Father," dagdag ko noong makita ko si Father na naglalakad papunta sa amin. Oo, hindi pa ako out pero sigurado naman akong alam na ng lahat, mas lalo na ng mga dati kong teachers at kaklase, na bakla kami ni Chin. Tanggap naman kami ng karamihan sa kanila kaya hindi na rin kami lumipat ng school kahit anong strikto ng administration mas lalo noong high school. Mga Pari kasi ng kalapit na simbahan ang namumuno sa school namin kaya mula sa gupit na dapat Barber's Cut at Rosary na nasa Bulsa ay halos araw-araw chinecheck. 'Di man nila mapaliwanag nang mabuti kung paaano makakatulong sa amin 'yung ibang batas ng school, unti-unti na lang din kaming nasanay na sumunod. Ang hindi lang talaga namin kayang sundin ni Chin ay ang rule nila kontra sa aming mga bakla. Gusto man naming ipaglaban na hindi dapat grounds for expulsion ang homosexuality, ano namang laban namin sa mga bible verses na halos araw-araw ay sinasama sa mga lecture. Aaminin ko, hindi talaga ako relihiyosong tao. Kung 'di siguro ako sa Catholic School nag-aral ay baka 'yung Holy Communion ko na ang huli kong tapak sa loob ng simbahan. Wala naman akong problema sa simbahan o sa paniniwala sa relihiyon, pero para sa akin kasi, sapat na 'yung gumagawa ka ng mabuti at 'di ka nananakit ng kapwa. Minsan kasi, mas nabibigyan na ng atensyon 'yung pagsisimba at pagbabasa ng bibliya kesa sa pamumuhay ng mabuti. Kaya hanggang ngayon, pigil at kontrolado pa rin ang mga galaw namin ni Chin mas lalo na sa loob ng school. "So, anong sabi sayo ni Vince?" pabulong na tanong sakin ni Chin pagkalagpas ni Father. "Wala naman. Nagulat lang siya na dito pa rin ako nag-aaral." "Talaga lang ha. Hindi ba niya nabanggit yung letter na sinend mo sa kanya?" "Tinanong niya ako kung gusto ko raw ba pag-usapan namin," sagot ko sabay takip ng mukha. "'Yun naman pala eh! Bakit ba hiyang-hiya ka? Pabasa na nga!" sabi niya sabay hablot ng phone ko. Sinubukan ko siyang pigilan pero nahanap na niya agad 'yung conversation namin ni Vince. "Gurl, na-seen ka nga lang. Ano ba kasi talaga 'tong sinabi mo," sabi ni Chin bago buksan yung PDF file na sinend ko kay Vince. April 4, 2018 (2 weeks pagkatapos ng high school graduation) Hi Vince! Congratulations ulit! Akalain mo 'yun? Grumaduate ka? Tapos may medal pa? Haha joke. Pero seryoso, sobrang proud ako sa'yo kasi 'di mo pinabayaan studies mo kahit sobrang hectic ng schedule mo parati. Gulat ka siguro na may pa letter akong ganito. Baka 'di na kasi tayo magkita ulit kasi lilipat na ako ng school diba? Kaya sasabihin ko na sa'yo lahat. Una, gusto ko lang talaga mag thank you sa'yo. Hindi man halata, pero isa ka na sa tinuturing kong tunay na kaibigan sa school. Alam mo namang wala akong masyadong kaibigan bukod kay Chin. Salamat sa pakikinig sa mga kwento at reklamo ko tuwing nasa library tayo kahit alam ko minsan sobrang walang kwenta na ng sinasabi ko. Salamat din kasi kahit bakla ako, 'di mo ko tinuring na iba. Kahit hanggang ngayon 'di ako makapaniwala na may kaibigan akong varsity player. Grabe lang. Sino ba naman kasing magaakala na kaya mong tiisiin 'yung kaingayan at katarayan ko 'diba? Minsan nga nahihiya na rin ako sa'yo kasi alam ko namang inaasar ka ng mga kaklase natin sa tuwing nakikita tayong magkasama. Tapos pinagtatanggol mo pa ako sa kanila mas lalo na kapag inaasar na nila ako. Pangalawa, salamat sa pagtitiwala sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari nung mga huling weeks natin sa school, 'di ka pa rin nagbago. Maiinitindihan rin naman kita kung lalayo ka na nun pero kahit isang beses 'di mo ko tinanong. Naalala ko pa na hinayaan mo lang akong umiyak sa library nung araw na 'yun. Siguro dahil sa lahat ng 'yan kaya mas lalo pa kitang nagustuhan. Crush kita Vince, Grade 7 pa lang. Siguro nahahalata mo naman na sa kung paano ako gumalaw kapag nandyan ka. Ikaw kasi eh, bakit sobrang pa-fall ng mga ngiti mo? Bakit kasi sobrang bait mo sa akin? Naalala mo pa ba nung sinama mo ko sa bahay niyo para magdinner kasi sobrang gabi na tayo natapos sa isang performance task? 'Di mo lang alam kung gaano ako kinikilig nung pinapakilala mo ako sa family mo. 'Di ko rin makakalimutan nung bigla mo na lang ako sinundo sa bahay para kumain sa gas station sa expressway. Kahit napagalitan ako ng tatay ko pag-uwi, 'yun pa rin ang pinakamasayang gabi ko. Simula noon, halos madaling araw na ako natutulog kahihintay kung mag-aaya ka ba ulit. Pangalan mo na nga lang ata sa messenger 'yung binabasa ko eh. Hanggang sa panaginip ko ikaw pa rin ang bida. Gets mo naman na siguro. Baka kasi umabot na ng 100 pages 'to kung isusulat ko lahat ng oras na napasaya mo ako. Kung sasabihin ko lahat ng rason kung bakit kahit alam kong wala akong pag-asa, pinili ko pa ring umasa at mahalin ka. Alam ko naman na walang ibig sabihin sa'yo lahat ng 'to. Gusto ko lang malaman mo na isa ka sa naging inspirasyon ko sa loob ng apat na taon. Salamat kasi hinayaan mo kong mahalin ka kahit pasikreto lang. Sobrang mamimiss kita, at kahit 'di man tayo ulit magkita, lagi ka pa rin nasa puso ko. I love you. Mark "Tangin*. Sinabi mo na nga lahat sa kanya," sabi ni Chin sabay balik ng phone sa akin. "Tapos hindi niya 'to nireplyan?" Kitang-kita sa mukha ni Chin 'yung awa niya para sa akin. "Hindi. Nung na-seen na niya yan tsaka ko lang naisip na baka 'di na nga niya ako kausapin. O, baka pagtawanan niya lang ako. Ang tanga ko diba?" sabi ko sabay untog ng ulo sa lamesa. "Oo. Sobra. Sige, lakasan mo pa, para magising 'yang utak mo. Nakakaloka ka. Alam mo namang straight si Vince diba?" sermon ni Chin. "Gusto ko lang naman kasi sabihin sa kanya lahat bago kami 'di na talaga magkita. Malay ko ba na dito pa rin pala ako mag-aaral? 'Di naman talaga ako umaasa. Medyo lang?" mahina kong sabi. "Eh, panindigan mo yang ginawa mo. Alam mo naman pala na 'di magkakagusto sa'yo umamin ka pa. Medyo tanga ka talaga sa part na 'yan," sagot naman niya. "Sige, ipagdiinan mo pa. Salamat sa support, napagaan mo talaga loob ko. 'Di ko na nga alam kung paano gagawin ko ngayong dito pa rin pala siya mag-aaral. Akala ko pa naman na-recruit na siya somewhere na malayo. Buti na lang ibang section siya," sunod-sunod kong sabi. "Nako! Tumayo ka na dyan at five minutes na lang tapos na ang break. Makakalimutan din niya yung letter na 'yan. 'Wag ka na lang masyadong pahalata na apektado ka para 'di na rin niya banggitin. Basta act normal." "Sige, susubukan ko. Sobrang nakakahiya talaga. Pilitin ko kaya tatay ko na ilipat ako? Teka, 'di pa ako nakakakain ha? Asan na yung binigay ko sayong pera?" "Ha? Bakit mo hinahanap? Sabi mo libre mo ko kaya akala ko akin lahat. Tsaka 'di masarap 'yung hotdog nila today tapos maliit pa," hirit na naman ni Chin. "Paanong maliit?" "Basta, hindi ka mabibilaukan," sagot niya sabay tawa. "Jusko! Paano ka ba kumain ng hotdog? Isang buo? Ang bastos mo. Kadiri!" sabi ko sabay tulak. "Wow? Ako lang ba talaga? And, 'di ka pa ba busog? Parang ang dami mo nang siopao na nakain eh." "Siopao?" "Asado? Asadong-asado ka kay Vince eh," sagot niya sabay lakad palayo sa akin. Buong araw akong 'di umalis sa upuan ko. Kahit umihi ay 'di ko magawa. Kinakabahan kasi ako na baka makasalubong ko siya sa hallway o baka magkita pa kami sa banyo. Buti na lang at maaga ang uwian dahil orientation pa lang. "Hoy, g*ga. Tumayo ka na. Wala naman naghahanap sayo, feeling mo. Samahan mo na ako sa CR," aya sa akin ni Chin. "Eh, ikaw na lang. Mamaya nasa labas lang si Vince." "Ang arte! Tingin mo ba aabangan ka niya sa labas? 'Di nga siya nagreply dun sa message mong parang script ng K-drama eh," asar niya. "Basta!" "Nako! Tumayo ka na dali. Kakadaan ko lang sa section nila kanina at busy po yung crush niyo sa cellphone niya. For sure, may bago na naman siyang nilalandi," sabi ni Chin habang pinipilit akong tumayo. "Okay. Wala akong pake," irita kong sabi. "Mare, 'di mo naman pwedeng iwasan si Vince buong taon kasi ang liit lang po kaya ng campus. Pangalawa, mas lalo kang iiwas, mas lalong magmumukhang affected ka diba? Ikaw naman kasi eh, saan ka ba kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya lahat ng 'yun. Kilala mo naman si Vince diba? Magaling lang talaga 'yun magpakilig pero 'di talaga siya nagseseryoso. Alam mo rin naman 'yung mga type niya sa babae. Sa babae part pa lang wala ka na," sermon sa akin ni Chin. "Kapag ba ganito lang itsura, 'di na pwedeng magmahal? 'Di ko naman pinipilit na gustuhin niya rin ako eh. Ayoko lang na parang wala lang sa kanya lahat ng sinabi ko. Kaibigan niya naman ako eh. Mas maiintindihan ko pa sana kung sinabi niya agad na 'di niya ako gusto. Gag* eh," sagot ko sabay iyak. "'Yun na nga mare, kaibigan mo na kasi si Vince kaya mahirap rin sa kanya na sabihin na 'di ka niya gusto o wala kang pag-asa talaga sa kanya. Isipin mo, kung ibang tao yan baka iniwasan ka na talaga tapos matagal nang kalat lahat ng sinabi mo." "'Di mo kasi maintindihan mare. Gusto kong sabihin niya na 'di talaga niya ako magugustuhan para 'di na ako umasa. Tangin*, umaasa pa rin kasi ako!" "Tigil na sa iyak mare. 'Di mo kamukha si Kathryn, 'di bagay sayo," patawang sabi ni Chin. "Epal naman nito. OA na yung drama ko oh!"  "Naiintidihan naman kita. Pero, wala na tayong magagawa eh. Tapos na 'yun. Subukan mo na lang talaga mag move-on. Kumilala ng ibang tao na may chance ka kahit 0.0001% man lang." "Wow! Salamat ha." "Syempre, as a friend, ang trabaho ko ay gisingin ka sa katotohanan." "'Di ko alam kung friend ba talaga o kontrabida sa kwento ng buhay ko." Saktong nag-ring 'yung bell at nagpaalam na si Chin sa akin. Kailangan daw niya umuwi nang maaga para iligpit 'yung kwarto at bahay nila dahil ngayon ang uwi ng tatay niya galing abroad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD