Chapter 3: June 18

4005 Words
"Mark, I'll eat with Fonso and Aaron today. See you later sa lib?" sabi sa akin ni Vin noong recess time na. "Oh sure sure! See you," sabi ko. Magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong di ako nalungkot ako na hindi na namin siya kasabay kumain ngayon. Nasanay na rin kasi ako sa mga kwento niyang pang mayaman. Pero syempre, nakakatuwa rin na may mga bago na siyang kaibigan. 'Di naman kasi pwedeng kaming dalawa lang ni chin ang lagi niyang kasama. Tsaka, mabuti na rin yun para mahanap na talaga niya yung grupong kaparehas niyang ugali at gusto. "Uy! Bakit parang tulala ka dyan?" biglang asar sa'kin ni Chin. "Baliw! May iniisip lang," sagot ko. "Tara na! Kain na tayo. Saan na si Vin?" tanong niya sa akin. "Sumabay na kina Fonso at Aaron. Baka 'di na rin muna ako kakain. Wala akong gana," sagot ko. "Ay grabe. Porke't 'di na kasama si Vin 'di ka na kakain? Nasa kanya ba ang plato? Ikaw ha! Napaghahalataan ka," asar sa akin ni Chin. "Issue ka talaga. Tara na nga! 'Pag 'di kita sinamahan aasarin mo lang ako eh," sabi ko sabay tayo. Maaga ako natapos sa last class namin. Dederetso na sana kami ni Vin sa library nang biglang tumawag yung coach niya kaya nauna na muna ako. Habang binabasa ko 'yung itututro ko kay Vin, may biglang kumalabit nang malakas sa balikat ko. . "Uy, ikaw ha. Hanggang ngayon pala hinihintay mo pa rin ako sa library. Miss mo na siguro ako. Sana sinabi mo na lang para maaga akong nagpunta dito. Ayaw pa naman kita pinaghihintay," asar sa'kin nitong si Vince. "Gag*. Kaya pala biglang lumakas yung hangin? May dumating na sobrang yabang at feeling. . Excuse me, nag-aaral ako dito. 'Di kasi katulad mo, priority ko po ang studies," pagdadahilan ko. "Sige na nga. Upo na lang ako dito para mas ma-inspire kang mag-aral," sabi niya sabay kuha ng upuan sa tabi ko. "Kadiri ang feeling! Alis ka na nga!" sabi ko habang tinutulak siya palayo. "Feeling ka dyan! Gusto mo basahin ko yung letter na sinend mo sa akin? Para malaman talaga natin kung feeling ako?" bigla niyang sinabi. Parehas kaming natahimik pagkasabi niya noon. Tinigilan ko na rin siya itulak. Ramdam kong medyo naging awkward na 'yung sitwasyon kaya naisip kong umalis. Pero, bago pa man din ako makapagligpit nang gamit ay bigla na akong kinilit ni Vince sa tagiliran. "P*ta, tama na," sabi ko habang tumatawa. Syempre, kahit sinabi ko 'yun ay mas nilakasan pa ni Vince ang pangingiliti sa akin. "Hey, Mark! Looks like you're busy today. Let's resched na lang tomorrow?" biglang singit ni Vin sa pangungulit ni Vince. 'Di ko na siya halos napansin pumasok dahil sa ginagawa ni Vince sa akin. Sasagot pa lang sana ako nang biglang umepal si Vince. "Uy pre, sorry, kinukulit ko lang 'tong si Mark. Vince pala, pare. Bago ka rito?" tanong niya kay Vin. "Yeah dude, I just moved here a few weeks ago. Vin pare," pagpapakilala naman ni Vin. "Tangkad mo ah. Do you play ball? Try-out ka sa basketball varsity next week, kulang kami ng center eh," pag-i-invite ni Vince. "Swimming sport ko pre, eh. Pero G ako sa mga exhibition games," sagot naman ni Vin. Mga 5 minutes din silang nagkwentuhan tungkol sa basketball at swimming. Infairness, 'di dumugo ang ilong ni Vince sa english ni Vin. "Uhm, excuse me... Tapos na ba kayong mag-getting to know each other? Dito pa ako oh... Pasali naman," sabi ko sabay tawa. Umupo na silang dalawa habang nagbukas na lang ako ng panibagong libro nang bigla nilang tinuloy ang kanilang kwentuhan. "Paano mo pala nakilala si Mark? At bakit sa lahat ng pwedeng maging kaibigan, siya pa? Daming ibang mas matitino dyan. 'Di pa mataray," biro ni Vince. Sabay pa silang tumawa. "Wow, ang kakapal ng mukha. Dito pa ako oh," sabi ko. Nagkunwari akong nag-aayos na nang gamit para pansinin na rin nila ako. 'Di sa pabida ako, gusto ko na lang din kasi matapos namin ni Vin yung lesson today. "'To namang baby ko masyadong matampuhin," banat na naman ni Vince sabay kurot sa pisngi ko. 'Di agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Kita ko rin sa mukha ni vin na pati siya ay nabigla. Noong medyo nahimasmasan na ako sa nangyayari ay nasampal ko ng mahina si Vince. "Luh! Bakit nananampal," sabi niya sabay hawak sa pisngi niya. "Eh bakit ka nangungurot? Ganti-ganti lang," sabi ko. "Kiss mo na 'to para 'di na masakit," sabi niya sabay lapit ng pisngi niya sa akin. "Gusto mo isa pang sampal?," sagot ko sabay taas ng kamay. "Damn. You guys are together? Man, I kinda got a strong feeling about Mark na pero I didn't know may boyfriend siya. I mean, you guys look cute but I just didn't know na pwede pala kasi diba this is a Catholic School," sabi ni Vin bigla. "Hindi, baliw. Kadiri naman. 'Di ako magkakagusto dyan kahit end of the world na. Never," sabi ko sabay layo ng upuan kay Vince. "Talaga lang? Parang ilang weeks ago lang iba yung sinasabi mo. Pakitaan ng ebidensya?," asar pa niya. Tinignan ko siya bigla nang masama at sabay kurot sa hita niya. "Joke lang 'yun pre, masarap lang asarin 'to si Mark kasi pikon parati. Gusto mo pakita ko sayo paano paiyakin to?" dagdag pa ni Vince sabay tawa nilang dalawa. "Oo paturo ka dyan. First day pa lang, halos napaiyak na ako nyan.," sabi ko bigla. Nakita ko sa mukha ni Vince na parang nagulat siya. Naramdaman rin siguro ni Vin na medyo tumahimik kaming dalawa kaya nagkwento na lang siya. "Anyways, Mark and I were classmates back in elementary. Kaso madali atang makalimot 'tong si Mark so he doesn't really remember me. These past few weeks, siya ang tumutulong sa'kin to get used to things around here. And I get why you like to tease him, he's fun to be with," pagkukwento ni Vin. Medyo napangiti ako sa sinabi ni Vin. Pakiramdam ko kasi, naenjoy niya yung mga oras na magkasama kami. "Uy, bakit parang kinikilig ka naman dyan Mark? Awit! 1 week move on na?" sabi ni Vince. "What do you mean?" tanong ni Vin. "Shhhh. Alam niyo, kung magkwekwentuhan lang pala tayo dito, uuwi na lang ako. Ang dami ko pang kailangan tapusin sa bahay. Let's resched na lang Vin. Bye," nagmamadali kong sabi sabay alis. "Sungit naman," sabay nilang sabi noong nasa pinto na ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakangiti lang ako buong byahe pauwi. Sobrang saya pala sa feeling na kahit alam nilang bakla ako at kahit magkaibang-magkaiba ang mga ugali namin, nagagawa pa rin nila akong kaibiganin. Sana lahat ng tao kagaya nila. Sa totoo lang, isa rin sa kinatatakot ko noon sa pag-send ng letter kay Vince ay 'yung mawala 'yung friendship namin. Pero, nakita kong sinusubukan pa rin talaga ni Vince na maging katulad pa rin kami dati. Patulog na sana ako nang biglang may nag-send ng message sa akin. Pag-check ko ng notifications, pangalan agad ni Vince ang lumabas. Hindi ko alam kung bakit pero kaba agad ang una kong naramdaman. Ito kasi yung unang beses na mag-uusap ulit kami sa Messenger pagkatapos kong i-send yung confession letter ko sa kanya. Vince: Uy!!! Ikaw ha, may Vin ka na pala. Mark: Gagi. Issue ka talaga               Binilin kasi sa'kin ni Ma'am 'yun.               At in fairness, mabait siya, 'di katulad ng iba dyan.               Haha joke lang Vince: Ang bait bait ko kaya sayo               Sayo nga lang eh... Mark: Ul*l.             Oh, bakit ka napa-chat?              Anong kailangan mo? Vince: 'Pag nag-chat may kailangan agad?               Hindi ba pwedeng na-miss lang kita?               Oh, kilig ka na naman dyan Mark: 'Di rin baliw.               Sige na. Tutulog na ako.                Gusto ko na mapanaginipan si Vin.                Haha jk Vince: Kulang ata ng "ce" yung pangalan?               Haha joke lang. Sige goodnight na               See you tom! :) Mark: Goodnight, Vince...                 :)  Sobrang traffic papuntang school kinabukasan kaya halos late na ako dumating sa school. Habang palapit ng gate, nakita ko si kuya guard na may binibilang na mga box. "Kuya anong meron dito? May event ba sa school? Bakit parang ang daming delivery?" tanong ko kay Kuya Guard. "May magulang kasi na nag-iwan nito dito. Kukunin din daw agad ng anak niya. Sinabi ko na nga na bawal, iniwan pa rin. Kapag nakita na naman 'to ng Principal ako pa ang lagot," sagot agad ni kuya. "Aga-aga stressed ka na kuya. Sino ba 'yung estudyante baka kilala ko," sabi ko naman agad. "Vin daw. Bago lang siguro. 'Di ko kilala eh.Kilala mo ba?" sabi ni kuya. "Ah, oo kuya kaklase ko po. Transferee. Pababain ko po ba?" tanong ko. "Oo, sige. Sabihin mo pakibilisan kasi mamaya darating na si Ma'am," pagpapaliwanag ni Kuya. Pagkapasok ko ng room, hinanap ko agad si Vin. "Uy Vin! May gamit ka sa baba. Padala ata ng parents mo. Pinapakuha na ni kuya guard kasi bawal daw mag-iwan ng gamit dun," sabi ko sa kanya. "Sh*t. I can't believe Mom really pushed through with it," sabi niya agad. "Ano ba 'yun? Tsaka bakit ang dami?" tanong ko. "They're cupcakes... with my initials on top. Mom wants me to give it to everyone," sagot niya. "Ano ka mayor?" asar ko agad sa kanya. Pigil na pigil na ako sa pagtawa noong mga oras na 'yun. Iniisip ko kasi yung itsura ni Vin habang nagpapamigay ng cupcake sa buong campus. Napansin 'yun ni Vin kaya parang mas lalo pa siyang nahiya. "Can't Kuya just keep it there? I promise I'll get it by dismissal time," sabi niya na halos nagmamakaawa na. "Ako na nga bahala," sagot ko. Naawa naman kasi ako sa kanya. Halatang 'di siya kumportable na makita ng mga tao na dala-dala niya 'yun. "You sure?" tanong niya. Halata sa mukha niya na para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Oo nga," sabi ko sabay labas na ulit ng classroom. Pagkababa ko ulit sa guardhouse, inabot agad sa akin ni Kuya lahat ng box. "Kunin mo na dali. Parating na si Ma'am," sabi niya agad. "Ha, Kuya? Lahat yan? 'Di ba pwedeng balikan ko yung iba?" tanong ko habang nakatulala sa sobrang dami ng kailangan ko buhatin. "Bakit kasi 'di mo sinama yung Vin? Sa kanya naman 'yan, eh. Basta pag naabutan yan ni Ma'am Principal, patay tayo pare-parehas." "Sige na nga, Kuya. Ako nang bahala," sabi ko. Habang paakyat ako ng hagdanan, may isang box na malapit nang malaglag. Naalala kong cupcakes 'yun kaya tumigil muna ako para sana ayusin. Pero, bago ko pa man din maibaba lahat ng hawak ko, may bigla nang nag-ayos ng box na malapit nang malaglag. "Uy thank you! Buti 'di mo hinayaang ma-fall yung box," sabi ko agad sabay tawa. "Ikaw kasi gusto ko ma ma-fall," sagot naman agad nung tumulong sa akin. Kahit siguro tulog kilala ko 'yung boses na 'yun. 'Di ko alam kung bakit halos araw-araw na kami nagkikita. "Nagpasalamat pa ako. Ikaw lang pala," sabi ko kay Vince. "Grabe, 'di man lang pinansin yung banat ko?" sagot naman niya. "Ay banat ba 'yun? Parang 'di naman. Na-fall na ako sa'yo diba? 'Di mo nga lang sinalo,"sagot ko sa kanya. Hinintay ko kung may sasabihin siya pero parang nabigla rin siya na ang dali kong nasabi 'yun. Sa totoo lang, gusto ko na lang kasi isipin na isang malaking "joke" yung nangyari sa amin ni Vince. Kaya hanggang kaya ko, gagawin ko na lang katawa-tawa yung nararamdaman ko sa kanya hanggang maging joke na lang talaga 'yun. "Charot!" sabi ko na lang. Tumawa lang siya nang mahina at ngumiti. Palakad na ulit sana ako nang bigla niyang kinuha yung ilan sa mga dala-dala ko. "Tulungan na kita. 'Di dapat pinagbubuhat ang mga magaganda," biro niya. "Ay weh? Eh dapat pala ikaw na magbuhat ng lahat ng 'to," sagot ko naman sa kanya. "Ay. Babalik ko nga sana ulit sayo tong kinuha ko eh. Parang nanlabo lang ata mata ko kanina," asar niya pabalik. "G*go. Ngayon ka lang ba dumating? Late ka nanaman," sabi ko sa kanya. Di ako late, lumabas lang ako kasi may pinabili sa'kin si Jasmine. Alam mo na, it's that time of the month na naman. Ikaw ba? Baka kailangan mo rin?" pang-aasar sa'kin ni Vince. "Suot ko na. Prepared kaya ako parati," pagsakay ko sa biro niya. "Teka, ano ba 'tong dala-dala mo? Tsaka bakit ang dami?" tanong niya. "'Wag ka na magtanong. Tsaka kay Vin 'yan, tinutulungan ko lang siya iakyat," sagot ko. "Puro Vin ka na talaga ngayon ha," asar niya sa akin. Pagkababa ko ng mga box sa classroom, nagsilapitan agad yung mga kaklase ko. "Ano 'yan Mark?" tanong nila sa akin. Tinignan ko agad si Vin. Kahit 'di niya sabihin, halata naman sa mukha niya na ayaw niyang malaman ng mga tao kung ano talaga 'yung laman ng mga box na 'yun. "Ahh. Bigay lang sa akin," sabi ko sabay ngiti. "Ng boyfriend mo?" sigaw ng isa kong kaklase. Nagsihiyawan at tawanan lahat ng tao sa classroom. "Ang ganda ganda naman ni Mark," sigaw nung isa. "Malay natin," sagot ko naman sa kanila. "Wehhhh. Baka ikaw magbibigay sa mga crush mo," hiyaw naman ng iba kong kaklase. "Tinalo mo pa kami ni Vince ha, grabe ka," sabi rin ni Jasmine habang inaabot ni Vince 'yung binili niya. Nakita kong tumatawa at umiiling si Vince habang sinasabi ko lahat ng 'yun. "Ako pa ba? Sa ganda kong 'to?" sabi ko pa sa mga classmates ko. Naghintay ulit ako ng sigawan pero lahat sila biglang nagpipigil ng tawa. Pagkatalikod ko, nakita ko si Ma'am Santos na nakatayo sa may pintuan. "Ano ulit 'yun Mr. Sarmiento?" sabay tawa naming lahat. Buti na lang si Ms. Santos ang adviser namin dahil kung hindi, baka wala na akong school kinabukasan. Si Ms. Santos lang talaga kasi ang nakakaintindi sa sitwasyon namin sa school. Everytime na naiipit ako sa gulo sa school, sa kanya ako parati humihingi ng tulong. "Oh, itabi mo na muna mga 'yan. Mamaya ka na kiligin dyan," asar niya sakin. Pagkaupo ko, pakiramdam ko nasa isang talk show ako sa sunod-sunod na tanong sa'kin ni Chin. "G*ga ano 'yun? Alam kong walang nanliligaw sa'yo. So, ano 'yun. Don't tell me may reregaluhan ka? G*ga ka talaga," sunod-sunod niyang sabi. "Grabe, na-judge mo na agad ako? Malamang 'di yan galing sa manliligaw. At wala rin akong reregaluhan. Kay Vin 'yan, baliw," sagot ko. "Omg...so bakit ikaw may dala? Binigay niya sa'yo? Omg..." "B*ba. Dala 'yan ng mommy ni Vin. Ako lang ang nag-akyat." "Eh, bakit mo sinabing sa'yo?" "Ayaw kasi ni Vin pasabi. Gusto kasi ng Mommy niya ipamigay niya yan sa lahat. Shhh na. Mapapagalitan na naman tayo nito eh," pagputol ko sa usapan namin ni Chin. As soon as nag-ring yung bell for break, tinabihan agad ako ni Vin. "Mark, I'm so sorry. You got embarrassed in front of everyone because of me," paghingi niya ng sorry. "Ano ka ba, wala 'yun. Normal na 'yung asaran naming ganun. So, paanong gagawin natin dyan sa mga boxes? Willing naman akong ibaba mamayang dismissal kaso tulungan mo na lang ako kunwari? May kotse ka naman diba?" suggest ko. "Yeah, yeah! Thank you talaga! I owe you one. If you want, you can take everything home. Sayo na," alok niya sa akin "Pwede sana. Kaso, diet ako eh. 'Di ko pa cheat day. Kailangan ko imaintain 'tong figure ko," sagot ko sa kanya. "'Wag kang tumawa! Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh," sabi ko sa kanya nung nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Pagdating ng dismissal time, hinintay muna namin ni Vin na wala nang tao sa room bago namin pinuntahan ulit yung mga boxes sa likod. Habang inaayos namin ni Vin lahat para maibaba na, nakita ko sa mukha niya na parang di siya masaya. "Oh, anong problema?" tanong ko sa kanya. "I just feel guilty about not giving these out. My mom baked it herself. She started last night and ended at 5 in the morning," sabi niya habang tinitikman 'yung isa sa mga cupcake. "May time pa naman. Gusto mo pamigay natin sa baba?" alok ko sa kanya. "I want to... but look at them," sabay pakita sa akin ng cupcake na may initials nga niya. "Cute naman eh. Pero kung ayaw mo sa classmates natin, may alam ako pwede pagbigyan. "Where?" tanong niya agad. "Basta! Turo ko sa'yo mamaya. Tara, ibaba na natin 'to, baka gabihin pa tayo," sabi ko sa kanya. Dinala ko si Vin sa isang bahay ampunan malapit sa campus. Isa lang 'yun sa mga sakop ng simbahan ng school namin. Madalas, dito kami nagpapakain at nagdadala ng goods na nakukuha tuwing offering. May mga ka-close na rin akong mga bata at bantay kaya sila agad naisip kong bigyan ng cupcakes. "You like kids?," tanong ni Vin habang hinihintay namin 'yung bantay sa office para kunin yung mga box ng cupcakes. "Medyo. Only child kasi ako kaya siguro nakakakita ako ng kapatid sa mga bata dito. Tsaka, sobrang bait nila," sagot ko sa kanya. 'Di na rin kami nagtagal nang nakuha na ng admin 'yung boxes. May activity kasi 'yung mga bata kaya 'di namin sila nakita. "Wanna grab some dinner na? It's kinda late na rin. I'll bring you home na lang din after. My treat," aya niya sakin. "Nako, pass muna. Pinapunta ko na kasi driver ko sa school. Next time?" "Please? My parents aren't home. You know me, I don't like eating alone," pagpupumilit niya. "Nandun na kasi talaga driver ko eh. Promise, next time." "Tell him to go. Promise, quick dinner lang," pagpupumilit niya. "Sige na nga. Basta agahan na lang natin umuwi, ha? Text ko na lang si kuya," sabi ko. Medyo tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse. Wala naman din akong maisip na pwede namin pag-usapan. "Are you good with Burger King? I'm craving for whopper eh. Pero, we can go naman somewhere else if you like to eat something," sabi niya. "'Burger? Nakakataba 'yun," pabiro kong sagot. "Oh Okay. So, where will we eat? So I know where to exit," tanong niya agad. "Joke lang. Seryoso masyado. Kahit ano sa'kin. 'Di ako mapili sa kainan," sagot ko. "Aight. You good with BK?" tanong niya sabay tingin sa direksyon ko. "Sure. I'm good with BJ too. Charot,"sagot ko sabay tawa. Hinintay ko kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Medyo nahiya at natakot ako nung 'di agad siya sumagot. "Uy. Joke lang 'yun. Baka na-offend ka. Sorry," sabi ko sa kanya. "What? Sorry I didn't hear what you said kanina. I was looking for Burger King. What was that?" sagot naman niya. "Ay. Wala," sagot ko sabay gamit na ng phone. Nahanap naman namin yung fast food na gusto niya. Habang um-o-order siya ng pagkain namin ay naghanap na agad ako ng pwede naming upuan. Habang naghihintay sa kanya, napaisip ulit ako kung narinig ba niya 'yung sinabi ko kanina. Kung oo at nagpanggap lang siya kanina na 'di siya nakikinig, sobrang nakakahiya. Minsan 'yung bibig ko wala rin kasing preno. Iniisip ko pa kung paano agad ako makakauwi nang bigla na siyang dumating. "Here you go," sabi niya sabay abot ng pagkain. Pasubo na sana ako nang bigla siyang magsalita. "So, how was your highschool? You seem kinda close with everyone on the campus. Like, everyone knows you," pag-b-bring up niya. "Sakto lang. Nagkaroon din naman ako ng group of friends pero ngayon si Chin na lang natira. Tapos, kilala lang naman kaming dalawa ni Chin ng lahat dahil sa grades namin. Kung 'di siguro kami matalino baka... nevermind," sagot ko. "Why na-bully ka na?" dugtong ni Vin. "Syempre. Sino ba namang bakla ang hindi na-bully diba? Kaya siguro noong unang mga taon ko rin ng highschool sinusubukan kong itago yung pagiging bakla ko. Pero wala talaga eh. Ang hirap mabuhay kung bawat galaw mo kalkulado... insiip mo muna kung anong sasabihin ng iba. Kaya nung last years ko sa highschool, 'di ko na pinigilan. Bahala na sila kung anong sasabihin nila," kwento ko. "That must've been tough. I had a lot of gay classmates in Xavier too. Luckily, people there were more accepting. I couldn't imagine what you went through," sabi niya na halatang nalungkot sa mga kwento ko. "Ang seryoso naman ng convo natin. Retreat ba 'to?" biro ko bigla sa kanya. "I'm just curious about you. Whenever I see you kasi you're always laughing or talking loudly. Even when people call you mataray I still find it funny," sagot niya. "Gay means happy kasi kaya I'm living a very gay life. Pero syempre kailangan pa rin 'di masyadong mahalata kung hindi lagot ako sa admin," sagot ko. "Yeah! Don't mind other people. All that matters is that you're happy. I find it surprising nga eh na you still study at our school. Anyways, if you don't mind me asking. What's your connection with Chester? He approached me about a week ago telling me to be careful with you?" tanong niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Parang bumalik lahat sa akin ng sakit at kahihiyan na naranasan ko bago 'yung graduation namin. "'Wag na muna natin pag-usapan? Kung okay lang? Kwento ko na lang sa'yo sa susunod. Ikaw na lang bahala kung maniniwala ka sa kanya kung may sinabi na siya sa'yo," sagot ko sa kanya. "No worries Mark. Whenever you're ready. Sorry if I went over the line," sabi niya sa akin. "Okay lang. Uwi na tayo? Medyo late na rin kasi," aya ko sa kanya. Habang nasa kotse, pinag-isipan ko 'yung ginawa ni Chester. Ano nanaman kaya ang gusto niyang mangyari para ungkatin pa 'yung mga bagay na matagal nang tapos. Naisip ko rin na mas mabuting linisin ko na agad yung pangalan ko bago pa may masabing iba si Chester tungkol sa akin. "Noong Grade 10 kasi, mga 1 month before graduation, nag-leak yung conversation namin ng isa kong kaklase na si Luc. Doon sa kumakalat na screenshot, ipinalalabas na tinatanong ko si Luc kung magkano ba para mag-send siya sa akin ng nude photos. Kaya lahat ng mga kakalse ko, ang tingin sa akin baklang manyak. Halos lahat sila lumayo sa akin. Pero, yung photo na 'yun edited. Si Luc ang nag-offer na magbigay ng nudes. Gipit kasi sila sa pera pang-tuition. Ayokong sabihin na 'di sumagi sa isip ko na tanggapin 'yung alok niya, pero malaki kasi ang respeto ko rin sa kanya kasi mabait naman siyang kaklase. 'Di ko tinanggap yung alok niya. Humingi na lang ako ng tulong sa Daddy ko para makapagbigay sa kanya kahit konti," bigla kong kwento. "Mark, if you're not ready to tell me this you don't have to push yourself," sagot ni Vin. "Hindi, okay lang. Para malinaw na rin. Si Chester talaga ang nagpakalat ng edited screenshot ng convo namin ni Luc," dagdag ko. "Why?" tanong ni Vin. "Nilalandi na kasi niya ako Grade 9 pa lang. Sinasakyan ko na lang din yung trip niya. Kaso, may isa siyang kaibigan na nagsabi sa akin na nilalandi lang daw niya ako para makapagpabili ng kung ano-ano. Aaminin ko naman, nabilhan ko siya ng isang sapatos," sagot ko sa kanya. "So, he got jealous?" dagdag ni Vin. "Hindi. Nagalit lang siya sa akin nung 'di ko na pinapansin 'yung mga pinabibili niya. Tumigil na rin siyang kausapin ako. Akala ko nga okay na lahat. Tapos 'yan. Di ko na rin tinanong kung bakit. Ang importante sa akin noon, nalabas ko 'yung totoong conversation namin ni Luc at nalinis ko yung pangalan ko," sagot ko kay Vin. "F*ck. I should've known. Sorry, Mark for making you relive all of those again," sabi niya sa akin. "Okay lang. Matutulog muna ako ha? Medyo malayo pa kasi tayo," sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko lang talagang tumalikod sa kanya para umiyak. Pagdating sa bahay, bumaba agad ako ng kotse at nagpaalam kay Vin. "Let's do this again, Mark! I'll share next time. Good night! Thank you for trusting me," sabi niya bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD