"Ah... nag-bonding sila ng kaibigan niya. Naalala ko na po, sir.." biglang sabi ni manang Fe. Tumingin si Hazelle sa matandang kasambahay bago tumingin sa kanyang ninong. "Pasensya na po, ninong kung hindi ako nakapagsabi kaagad. Pero 'di ba napag-usapan naman po natin na puwede akong umalis-alis? Basta tapos ko ang trabaho ko po?" pangangatwiran niya. Nawala ang pagkakunot ng noo ni Gabriel. "W-Well, o-oo... napag-usapan nga natin iyan. Pero kasi sa akin ka nakatira. Ako ang may kasalanan kung may mangyayari sa iyong masama." Ngumisi si Hazelle. "Wala pong mangyayaring masama sa akin, ninong. Dahil hindi naman po ako basta-basta sumasama sa alam kong may masamang balak sa akin. At isa pa po, hindi mo na po ako kailangang intindihin pa, ninong. Matanda na po ako. Kaya ko na ang sarili

