"Kailangan ko ng umuwi," wika ni Hazelle matapos niyang pulutin ang damit niyang nagkalat sa sahig. Malungkot na yumakap si Gabriel sa kanyang likuran. "Hindi na puwedeng dito ka na lang matulog? Gusto kong makasama ka," basag ang boses ni Gabriel. Bumuntong hininga si Hazelle bago umiling. "Pasensya na. Hindi puwede. Uuwi na ang asawa ko mayamaya." Parang gustong maglumpasay ni Gabriel sa mga sandaling iyon para lamang makasama niya si Hazelle. Nanginginig ang kanyang mga kamay na humawak sa magkabilang balikat ni Hazelle. "Hazelle.... magmamakaawa ako sa iyo... dito ka muna, please. Huwag mo kong iwan please," nakapalungkot ng tinig ni Gabriel. Pinagmasdan niya si Hazelle. Wala siyang kahit anong emosyong nakikita sa mga mata ni Hazelle. Naalala niyang bigla kung paano niya trinato

