"Honey, alis muna ako, ha? Makikipagbakbakan muna ako sa mga guwapong lalaki diyan!" haliparot na sabi ni Josh. Umirap si Hazelle. "Puro ka kalandian talaga! Nakakainis ka! Wala na naman akong kasama dito sa malaki mong bahay!" "Nandito naman si manang Minda, ha? Kayo munang dalawa ang mag-chikahan. Sorry na, honey. I love boys kasi talaga. Ganito talaga ako. Malandi!" "Ewan ko sa iyo! Sa loob ng isang buwan natin ngayong mag-asawa, puro ka lalaki. Baka magkaroon ka na ng aids niyan. Bahala ka talaga sa buhay mo. Lumayas ka na nga! Nahihilo ako sa iyo e!" wika ni Hazelle sabay hawak sa ulo. Isang linggo na ang lumipas noong huli silang magkasama ni Gabriel. Hindi pa sila ulit nagkakasama at medyo naiinis si Hazelle. Ayaw naman niyang mag-message kay Gabriel. Hinihintay niyang si Gabrie

