"Oh my gosh! This is it! I love the view!" wika ni Josh nang pumunta siya sa balcony bago itinaas ang dalawang kamay para damhin ang malamig na simoy ng hangin. "Ang ganda naman dito! Mahal siguro ang binayad mo dito 'no? Magkano ang twenty two hours dito?" tanong ni Hazelle sa kanyang asawa. "Huwag ka ng magtanong pa diyan. Huwag mo ng isipin pa ang gastos o mga binayaran ko. Basta samahan mo lang ako sa mga trip ko sa buhay, super happy na ako!" wika ni Josh sabay tawa. Umirap naman si Hazelle at saka nilapitan ang kanyang asawa. "Oh nasaan pala ang sinasabi mong mga lalaki dito? Parang wala naman akong nakitang lalaki kanina. Lalaking guwapo. Puro mga pangit naman eh at matatanda." "Mayroon! Nandiyan sa baba! Nakita mo iyong malawak na food bazaar diyan? Nandiyan sila! At saka hello

