Kanina pa palakad lakad si Hazelle. Hindi siya mapakali dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam niya hinahawakan pa rin ni Gabriel ang kanyang pagkababaé. Pakiramdam niya, hinahalikan pa rin siya ni Gabriel. 'Kainis! Bakit hindi ko nagawang Magpumiglas kanina? Bakit tumugon ako at nagustuhan ito?' Mariing pumikit si Hazelle. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit pagdating sa mainit na halik ni Gabriel, nanghihina siya. Nag-iinit siya. Nagiging marupok siya. 'Letseng iyan oo! Bakit ba ang lakas ng epekto sa akin ng lalaking iyon? Wala naman kaming naging relasyon! Naging babae niya lang ako! Naging bayaran! Pero ito ako't nababaliw sa kanya!' Umiling iling si Hazelle. Sa isip niya, hindi na siya magpapadala pa sa mainit na halik ng kanyang ninóng. Kahit pa nagugustuhan niya iyon a

