"Kumusta naman kayong dalawa ng inaanak mong si Hazelle? Baka nababaliw ka na sa inaanak mong iyon! Ang sabi sa akin ng waitress dito, bihira ka na lang magpunta sa club na ito. Bakit? Ang inaanak mo na ba ang inaatupag mo ngayon? Akala ko ba katawan lang ang habol mo sa kanya? Para makaraos ka kapag nag-iinit ka?" natatawang sabi sa kanya ni Drake. Tinawanan niya ang kanyang kaibigan. "At sino naman ang nagsabi sa iyong nababaliw na ako sa inaanak ko? Saan mo naman nakuha ang balitang iyan? Hindi ba puwedeng may ginagawa lang ako kaya hindi ako nakakapag-club?" Nagkibit balikat si Drake. "Aba, malay ko! Ikaw pa ba, halos dito ka na nga tumira eh!" "Busy lang ako. Inaasikaso ko lang ang mga negosyante ko. Alam mo naman, mahalaga pa rin sa akin ang pera. At isa pa, doon din ako kumukuha

