"Pasensya na po, ninong kung ngayon lang ako nakauwi. Nag-inom po kasi sina mama pati na ang kapatid niyang si tita Maria. Half sister niya. Ako ang nagbantay sa dalawa kong kapatid," wika ni Hazelle bago yumuko. Bumuga ng hangin si Gabriel. "Nagkasama na naman pala ulit sila. Kilala ko iyang si Maria dahil nabanggit iyan sa akin ng yumao niyang asawa. Hindi magandang impluwensiya ang babaeng iyon sa mama mo. Mayroon iyong pamilya. Mayroon siyang tatlong anak pero hindi niya ito naaalagaan. Ang huling balita ko sa kanya, hiniwalayan siya ng kinakasama niya dahil sa pagiging lasenggera niya at paggamit ng m*******a. At ang tatlong anak niya, nasa dati niyang kinakasama." Napaangat ng tingin si Hazelle bago hinawakan ang kanyang sintido. Kung ganoon, lalong magiging kawawa ang dalawa niyan

