"Mag-almusal na po kayo, ninong. Palagi na lang kayong umalis ng walang almusal," malambing na sabi ni Hazelle sabay kagat labi. "Ang sweet naman ng inaanak ko. Okay sige. Pero katamtaman lang dahil baka sumakit ang tiyan ko kapag masyadong madami ang kinain ko," sabi naman ni Gabriel. Matamis na ngumiti si Hazelle. "Gusto ko sanang palagi kang nag-aalmusal. Nag-aalala kasi ako sa tuwing pumapasok ka ng walang laman ang sikmura mo. Kasi 'di ba mas mainam pa rin na mag-almusal muna?" Nakita ni Hazelle na bahagyang natigilan ang kanyang ninong kaya matamis niya itong nginitian. Ngiting may ibig sabihin at nang-aakit. 'Hindi puwedeng ako lang ang nahuhumaling sa iyo, ninong. Gusto kong dumahing ang araw na mawawalan ka na ng pakialam sa ibang babae dahil nasa akin na ang atensyon mo.' "A

