"Hello, Gabriel! Wala ka pa ring pinagbago, ha? Guwapo ka pa rin talaga! May asawa ka na ba?" nakangiting tanong ng pinsan niyang si Alex Namilog ang mga mata ni Gabriel nang muling makita ang kanyang pinsan. Matanda lamang siya ng tatlong taon kay Alex. At dahil maganda ang lahi nila, hindi mahahalata sa mukha ni Alex na malapit na siyang mag-forty years old. "Shít! Anong ginagawa mo dito? Babalik ka na ba dito sa Maynila?" tanong ni Gabriel sa pinsan bago iyo niyakap. Nagkibit balikat si Alex. "Hindi ko pa sure. Hindi ko pa rin maiwan ang probinsya. Iba pa rin ang hangin doon at malayo sa mga maiingay na sasakyan. Relaxing sa lugar na iyon kahit na may mapait akong alaala sa lugar na iyon. Tumikhim si Gabriel. "Ikaw naman kasi eh, nag-asawa ka ng batang lalaki. Alam mo namang immatu

