41

1116 Words

Nagtaka si Hazelle kung bakit hindi man lang siya sinabayan lalo pa't napag-usapan na nila na palagi na siyang mag-aalmusal kahit kaunti. "Anong oras po umalis si ninong? Maaga po ba?" tanong niya kay manang Fe. "Oo maaga. Nagtaka nga ako kung bakit masyadong maaga pero hinayaan ko na lang syempre. Nakabusangot nga ang mukha niya. Mukhang may problema o kaaway. Ay ewan! Hindi ko alam. Kapag kasi ganoon ang mukha niya alam kong may problema iyon. Pero ano naman kaya? Nag-away ba kayo?" tanong naman ni manang Fe sa kanya. Umiling si Hazelle. "Hindi po kami nag-away. Wala naman kaming pinag-awayan." "Ah baka sa negosyo niya may problema. Sabagay, ano naman ang pag-aawayan niyo eh hindi naman ako magkasintahan?" Ngumiwi si Hazelle bago mabagal na tumango. "Yes po. Hindi naman po talaga ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD