bc

Dangerous Kiss (Troublemakers 1)

book_age0+
6.6K
FOLLOW
48.8K
READ
opposites attract
CEO
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Dangerous Saavedra was a hopeless romantic who never got tired of searching for "the one." Kaya kahit ilang beses na siyang magkamali sa paghahanap ay hindi pa rin siya sumusuko. That resulted in her having a very long list of ex-boyfriends. Wala namang kaso iyon sa kanya. Kahit minsan ay hindi niya ikinahiya ang past relationships niya. That was until she met Liam De Alva. Liam was the CEO of a multinational corporation. He was indifferent and cold towards others. But one look at him and all Dangerous could feel was heat. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay naging interesado na siya sa binata. At hindi siya nag-alangan na ipakita rito ang interes. Good thing he also seemed interested in her. Everything was going well with their relationship. Until her past caught up with her. Idagdag pa ang ina ni Liam na wala yatang ibang nais kundi paghiwalayin sila. Would she just give him up and include Liam in her list of exes?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"MISS SY, we already ordered the flowers for your wedding.  Hindi na namin pwedeng bawiin ang order na 'yon since isang linggo mula ngayon na ang kasal niyo," wika ni Dan sa pinaka-resonable niyang tinig.  Umaasa na pakikinggan ng kausap sa telepono ang sinasabi niya.   "Wala akong pakialam.  If I say change it, then change it.  Sino bang magbabayad sa inyo?  Ako, 'di ba?" halos sumigaw nang wika nito.  Ngali-ngali naman itong pagbabaan ni Dan ng telepono.  Pero sa halip ay huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.  "Napag-usapan na natin ito, hindi ba?  At pumayag na kayo na ang gagamitin ay white orchids."   "Well, nagbago na ang isip ko.  I want roses!  Naiintindihan mo ba?  Roses!"   Dagli niyang inilayo ang receiver ng telepono nang pagbagsakan siya ng kausap.  She glared at the phone at bago pa maisipang ipaltok 'yon ay agad na 'yong ibinaba.  Nahilot niya ang batok.  Dealing with this particular client always make her want to hurt someone.  Sinasagad kasi lagi ni Miss Sy ang pasensiya niya.  And that already says a lot since she was the most patient person she knew.  Talagang magsasaya siya kapag natapos na ang kasal nito.   Mga bata pa lang sila ng mga kapatid niya ay pangarap na nilang magtayo ng sarili nilang business.  Isang business silang tatlo mismo ang nagmamay-ari.  Nung mga bata kasi sila they have this weird notion na kapag malaki na sila at nagkatrabaho, the three of them might drift apart dahil sa magkakaiba nilang propesyon.  Because the one thing the three of them never wanted was to be separated from one another.  Kaya ipinangako nila sa mga sarili nila na kahit na anong mangyari ay magtatayo sila ng sarili nilang business na pamamahalaan nilang tatlo.     Siya ang nakaisip ng wedding planning business.  Sa tingin niya kasi ay ma-e-exploit no'n ang kanya-kanya nilang skills set.  And she really loves weddings.  There's just something really magical about two people professing their love in front of God.  Ang akala niya ay tatanggihan ng mga kapatid ang suhestiyon niya.  Unlike her, her sisters were not hopeless romantics.  Mal was too practical and logical while Sin was jaded and cynical.  But surprisingly, parehong pumayag ang mga ito sa klase ng business na napili niya.  Hindi gano'n kalaki ang ang operasyon nila.  Meron silang isang sekretarya, si Emmaline, na siyang nag-se-set-up ng appointment.  Si Dan ang nakikipag-usap sa mga kliyente.  She tells them what Troublemakers has to offer, convince them to hire their company.  And once they do, help them with the planning.  Siya din ang nakikipag-coordinate sa florist, caterers, at pati na rin sa may-ari ng mga venue na pag-gaganapan ng kasal.  She also managed a blog that features the weddings they planned.  The job was perfect for her.  She really liked dealing with people, enjoyed observing them, and she also talked a lot.  One of the reasons why she took Communication Arts in college.    Mal was the one who handled the business aspect.  Bilang isang accountant, ito ang humahawak sa pera na pumapasok sa kompanya.  Sinisiguro din nito na kakasya ang budget ng mga kliyente nila sa dream wedding na gusto ng mga ito.  Na mahirap talaga minsan.  Minsan naiisip nga niya na gumagamit ito ng mahika para magawa 'yon.  But the simple fact was, Mal is a genius with numbers and really good with money.  Aside from that, she's also a perfectionist.  Si Sin naman ang kanilang wedding photographer.  Ito ang nag-co-cover sa mismong event, taking photos of everything and of everyone.  Ito rin ang in-charge sa pre-wedding photos.  At gumagawa ito ng wedding albums na puno ng larawan ng bride, ng groom, at ng pamilya ng mga ito.  The album shows the journey of the couple before and during the wedding.  Ibinibigay nila 'yon sa kanilang mga kliyente bilang bahagi ng isang package deal.  Sin's photos was one of the reasons why clients flock to their company.  Because even if her sister can be a real prick sometimes, she takes beautiful pictures.  Narinig niya ang mahinang pagkatok pagkatapos ay isang tinig, "Dan, do you have the file for the Corpuz-Cruz wedding?"    Nag-angat siya ng mukha at nakita ang isa sa mga kapatid.  Mal has a straight raven black hair tied in a neat ponytail.  She has a pixie like face that perfectly matched her petite stature.  And they have the same exact face.  Except for the eyes.  Mal's were as blue as the ocean and hiding behind spectacles while hers were deep chocolate brown.  "Wait- nandito lang 'yon sa mesa ko," sagot niya dito habang hinahanap ang papeles na kailangan nito.  "You should clean your desk," wika nito in that commanding tone.  Naupo ito sa upuan na katapat ng lamesa niya.   "No thanks.  I like it messy," aniya na nakita na ang hinahanap.  "Here," ibinigay niya ang folder sa kapatid na tinanggap naman nito.   "Hey, are you guys up for lunch?" wika ng panibagong tinig.   Bumaling siya sa pintuan at nakita si Sin.  She has the same face as her and Mal, the same oceanic blue eyes.  Pero hindi kagaya nila ni Mao, maikli lang ang buhok nito at may kulay na magogany brown.  'Yon daw ang paraan nito para hindi ito pagkamalan na si Mal o siya.  Because the three of them were a set of triplets.  Born on the same day, connected in ways that only the three of them could understand.  "I'm up for anything that will uplift my mood," sagot niya.  "Problems?" tanong agad ni Mal, napansin marahil ang bakas ng pagod at pagkairita sa mukha niya.   "I just got a call from the bridezilla of the year," wika niya na ang tinutukoy ay si Miss Sy.   "What does the b***h want this time?" tanong naman ni Sin na naupo na sa gilid ng lamesa niya.   "Pinapabago niya ang bulaklak na gagamitin sa kasal.  Gusto na lang niya bigla na roses ang gamitin.  Can you imagine that?  Hindi ba niya alam kung gaano kahirap maghanap ng white orchids?  Argh!"   "Sabi ko naman sa inyo, dapat hindi na natin siya tinanggap bilang kliyente.  One look at her frog face and I knew she's nothing but evil."   "You didn't shout at her did you?" tanong ni Mal sa kanya na hindi pinansin ang sinabi ni Sin.  "Of course not.  I'm not Sin, you know."  "No, I wouldn't just shout, I'll scream at her."   "Then good thing na hindi mo kailangang gawin ang trabaho ni Dan," naiiling na wika ni Mal.  "Just maintain your cool.  Kahit gaano pa kasama ang ugali ng kliyente natin, kliyente pa rin natin sila.  And as you know, we should always treat our clients with utmost respect."   "Mal, you know how patient I can be with people.  But this one literally takes the notch."  "'Wag kang mag-alala, kakausapin ko ang nanay niya.  I'll make her see the disadvantages of changing the flower a week before the wedding.  And if she doesn't see my point, then kailangan nilang dagdagan ang ibabayad nila sa 'tin kung gusto nilang masunod ang gusto ng anak nila."  Napangiti na siya.  Dapat talaga ay hindi na siya nag-alala tungkol dito in the first place.  Because if something went wrong, they can always rely on Mal to smooth things over.   "Then tayo nang kumain.  Dahil kanina pa rin ako nagugutom," wika ni Sin na tumayo na sa pagkakaupo nito.  DUMIRETSO sila sa Saphira's.  Isang restaurant na ilang bloke lang ang layo sa dalawang palapag na gusali na kinaroroonan ng Troublemakers.  Madalas sila do'n dahil bukod sa masarap ang pagkain ay kaibigan din nila ang may-ari at chef.  So they always get a discount.  Pagkapasok nila sa restaurant ay agad silang naupo sa isang bakanteng pang-apatang lamesa.  Hinihintay lang nila na may lumapit na waiter para kunin ang order nila.   Then lumapit sa kanila ang isang lalaki.  Nakasuot ito ng uniporme ng isang chef.  Nakapinid ang lagpas balikat nitong buhok, there's a glint of playfulness in his dark eyes and an insolent smile na para bang sa tuwina ay naka-plaster na sa labi nito.  Kitang-kita din ang diamond stud earing sa kaliwang teynga nito.  He looked more like the leader of a biker gang than a chef and owner of a restaurant.   Napangiti siya kaagad nang makita ang binata.  "Hi Jino!"  "Dangerous," bati nito bago ginulo ang buhok niya.  Bumaling ito kina Mal at Sin.  "Malevolent, Sinister."   Nakita naman niya ang pag-galawan ng muscles sa mukha ni Mal, halatang pinipigilan nito na ismiran si Jino.  Hindi kasi gusto ng kapatid na tinatawag ito sa buo nitong pangalan.  The same goes for Sin, pero hindi gaya ni Mal hantaran nitong sinimangutan si Jino.   Ang tatay nila ang nagbigay ng mga pangalan nila.  He was a film scriptwriter and director.  And being the huge eccentric that he was, para dito ay normal lang mga pangalan na 'yon.  Their mother thought the names were fun and unique, kaya hindi ito tumutol.  Dahil sa mga kakaiba nilang pangalan ay lagi silang tampulan ng tukso nung mga bata pa sila.  So she understood why her sisters hate it when they're being called by their full names.  Pero hindi kagaya ng mga ito, gusto niya ang pangalan niya.  Because like what her mother thought, it was fun and unique.        "Shut up Jino.  Kunin mo na lang ang order namin," angil ni Sin dito.  "Yes, yes.  I'll get you three today's specialty," wika nito na iniwan na sila at bumalik na sa kusina.   Hindi naman nakalampas sa pansin ang pagsunod ng tingin ni Sin dito.  "You should tell him, you know."   Kung naunawaan man nito ang sinabi niya ay hindi niya mabasa sa mukha nito.  Nangalumbaba lang ito at tumingin sa ibang direksyon.  "There's nothing to tell."   Nakita niya ang marahang pag-iling ni Mal, silently telling her not to dig deeper into it.  Si Sin kasi 'yong tipo na kapag kinulit mo nang kinulit ay mas lalo lang itong hindi mag-o-open up sa 'yo.  And Jino has been a topic that Sin always eveaded to discuss with them.  Sa katunayan nga ay nito niya lang napansin na hindi pala basta kaibigan lang ang tingin ng kapatid sa binata. Parang nakakatandang kapatid na nila si Jino, well, for her and Mal at least he was that.   Mas matanda ito sa kanila ng anim na taon.  Matalik na kaibigan ng tatay nila ang tatay nito.  So he has been a constant fixture in heir lives for as long as she can remember.  Naalala pa niya nang sinabi nito minsan na honorary little sisters daw sila nito.  Iniisip niya tuloy kung ano ang naramdaman ni Sin nang marinig nito 'yon.  But that's a story for her sister to tell and not hers.  So she just left it at that.  "Oh, hindi nga pala ang sasabay pag-uwi sa inyo mamaya," wika na lang niya.  "May pupuntahan ka?" tanong ni Mal.   "Yup.  Niyaya ako ni Ryan na maging date niya do'n sa party ng parents niya."   "Ryan?  Ryan your ex?" tanong ni Sin.  "Yes, that one."  "And what does your current boyfriend says to that?" nakataas ang kilay na wika ni Sin.  "Si Johnny?  We broke up yesterday."  Pareho namang napailing ang mga kapatid.  "What?"  "We're just wondering kung bakit kung magpalit ka ng boyfriend eh parang nagpapalit ka lang ng damit."   "Hey, that's not true," wika niya kay Sin.  "Besides, gusto ko lang namang mahanap si 'The One'.  And he won't suddenly drop on my lap if I sit idly and wait for him.  so I have to be the one to look for him."   "Yes, and serial dating is the answer to that," sarkastikong wika ulit ni Sin.   "Akala ko ba si Johnny na ang 'The One'?  You said you love him," wika ni Mal.  "Hindi ka pa nasanay d'yan.  She always say that to every boyfriend she had."  "You're quite easy to fall in love."  "That's not it, Mal.  It's just easy for her to think that she's in love kahit hindi naman talaga.  Dahil in love lang siya sa idea ng pagiging in love."   Hindi naman niya mapigilang mainis.  Kung magpalitan kasi ng opinyon ang mga ito ay parang wala siya doon.  "Oh shut up, both of you."   Humalukipkip siya.  Gustuhin man kasi niyang itanggi ang sinabi ni Sin ay hindi niya magawa.  Dahil alam niya, at some level, na tama ang mga kapatid.  Hindi sa mga lalaking naging kasintahan niya nahuhulog ang loob niya, kundi sa ideya na mahal niya ang mga ito.  Maaari ngang sabihin that she has never been in love before.  Which was such a travesty.   Because all she ever wanted was to feel that kind of love that will leave her breathless.  And so far, hindi pa niya nararamdaman 'yon. Pero hindi ibig sabihin no'n na susuko na siya.  Patuloy pa rin niyang hahanapin ang lalaking magpapatibok ng puso niya.  Dahil gano'n lang siyang klase ng hopeless romantic.   "You'll see, one of these days makikilala ko rin siya.  And then the two of you will just die of envy," wika niya sa mga ito na sinabayan pa niya ng pagngiti na pagkatamis-tamis.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook