Part- 3

2720 Words
Nakatutok ang mga mata ni dante sa altar, masaya siya para sa kanyang best friend na may mabait at mapagmahal na asawa. "Siya kaya kailan lalagay sa sinasabing tahimik na buhay kahit marami ang nagsasabi na ang pag aasawa ay hindi lalagay sa tahimik bagkos ay lalagay pa sa magulong buhay. Naruon ang mga pagsubok na dapat ay malampasan bilang mag asawa. Lahat daw ng hirap,saya, at worst thing ay dadanasin. Kaya papaanong masasabi na ang pag aasawa ay lalagay sa tahimik. Nalingunan ni dante ang katabi dahil sa halos bulong lang na pagkakasabi nito sa kanya. "Hwag mong titigan o pangarapin dahil hindi mo dadanasin ang ganyan kagandang kasal, bagay lang yan sa mga taong kagaya naming, pang aasar niya kay dante. "Hindi ako nangangarap ng ganito ka garbong kasal ms sungit, ang importante ay mabait, mapagmahal at mahal na mahal ko ang babaeng pakakasalan ko. Humakbang palayo si dante para makaiwas sa maaring hindi magandang kahihinatnan pa ng kanilang pag uusap. Mukhang siya pa ang na asar sa ginawang iyon ni dante kaya sa halip na manatili sa pwesto ay sinundan ang binata sa labas. Nagpalingalinga siya pero walang dante na nakita duon kaya minabuti nalang na bumalik sa luob at hintaying matapos ang ceremony. Matapos ang mahigit isang oras, "Congratulations Drake and aqua, pagbati ng mga malalapit na bisita nila. Hindi na magawang lumapit ni chariz sa bagong couple dahil sa dami ng bumabati sa mga ito kaya minabuti nalang na lumabas na. "Ate sumabay kana sa amin papunt na kami sa reception. "Sige jm mabuti pa nga ng mapahinga naman ang mga paa ko, kanina pa ito nanakit. RECEPTION HALL, Napansin ni chariz na tumayo si aqua at nagtungo sa harapan ng mga kababihan. "Girls ready? Malakas ang sigaw nito sa karamihan ng kababaihan. Agad na nagtayuan ang lahat ng naruruon, si chariz na walang planong makisali ay walang nagawa ng itulak siya patayo ng kapatid na si Jm. "Go ate... Kasabay ang pagtayo niya ay mismong sa dibdib niya pumatak ang bouquet. Malakas na sigawan habang sa kabilang side naman ay inihagis ng malakas ni drake ang kulay itim na garter. Nagtaka si dante ng walang ni isang kumilos sa mga kalalakihan, alam na niyang kinutsaba ng kaibigan ang lahat para sa kanya mismo pumatak iyon. One week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni dante. One week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni chariz. Malakas na sigawan ang maririnig sa paligid na dapat ipaalam sa lahat ang nilalaman ng mga papel na hawak nilang dalawa, si chariz ay pasimpleng tinapakan ang paa ni dante na ikinangiwi ng binata. Nagulat namag ang binata sa inasal ng dalaga,"talagang papansin iyong sungit na 'to huh! Saka na natawang bumaling sa karamihan ng mga bisita. "Anong tinatawa tawa mo diyan huh! Pabulong lang iyon pero rinig iyon ni dante, sa halip na pansinin ay binaliwala lang niya ang dalaga. "Sorry guys pero hindi pwedeng malaman ng iba kong saan ang destination nilang dalawa, pagpapaliwanag ng MC. Agad na tumalikod si chariz at hinila ang kapatid na si Jm, "brother gawan mo ng paraan ayaw kong pumunta ng hacienda alam mo namang hate ko ang probinsya. "Ha-ah 'eh ate okay lang yon ano kaba naman eh di mag practice kang mangabayo duon, isa pa mukhang mag I enjoy ka duon ate. Relax lang saka malay mo baka duon mo makilala ang soulmate mo, alalahanin mo ate malapit ka nang mawala sa calendar... "What the fvck Jm! Angil niya sa kapatid na tatawa tawa pa, mukhang mali pa siya ng nilapitan. Bakit ba lahat yata ay pabor sa game na iyon huh! Kong alam lang niya hindi talaga siya pumayag na siya ang makasalo ng bulaklak na iyon. Naramdaman ni chariz ang dalawang braso na pumulupot sa kanyang baywang, agad na naamoy niya ang pabango ng pinsang si drake. "Okay kalang ba mahal kong pinsan? Ha Ha Ha sigurado akong after one week may magandang manyayari sayo duon. "Kuya drake! boses mo marinig ka nila 'sinadya mo ito ano?, pero sa halip ay lalo pa itong humalakhak. Pakiramdam niya ay nakatutuok sa kanya lahat ng nasa paligid kaya agad na namula ang kanyang mukha. *** "Kambal bakit naririto kapa, hindi ba at dapat naruon kana sa hacienda ngayon? "Kuya Charles ayaw kong pumunta duon anong gagawin ko sa liblib na lugar na yon. "Sabihin mo iyan kay drake para hindi maghintay sayo ang mga taong nag prepare ng pag stay mo duon. Nakarinig sila ng pag tigil ng car, sinilip ni Charles kong sino ang dumating at napangiti siya ng makita ang pinsang si drake. "Speaking of the angel ayan oh kausapin muna siya.... "Ha? Anong ibig mong sabihin kuya? "Hello my dear cousin....nabitin ang sasabihin pa ni drake ng makitang naruruon pa din si chariz. "Kuya drake ayaw kong pumunta duon, please mamatay ako sa gubat na lugar na iyon, pagmamakaawa niya sa pinsan. "Hindi pwede my dear, halika na nasaan ang luggage mo at papahatid kita sa pilot ko. "Ayaw pang humakbang ni chariz kaya si Charles na ang tumayo at itinulak na siya paakyat sa kanyang kwarto habang nakasunod si drake. "Just one week lang iyon mahal kong pinsan kaya pag bigyan muna okay? "Sige na nga! Nakakainis ka kuya, nagpapadyak habang papasok sa kanyang closet. Nang mawala sa paningin nila ang dalaga ay hinarap ni Charles ang pinsan. "Sigurado kang safe si kambal sa lalaking 'yon? "Hindi ko ipapahamak ang kapatid mo, pinsan ko siya at mahal ko yan kaya no worries. Ginagawa ko ito dahil ayaw ko sa boy friend ng kapatid mo. Hindi nagtagal ay lumabas din si chariz na hila hila ang kanyang maleta. "Akin na ako na ang mag dadala, agad na dinampot ni drake at agad na bumaba ng hagdan mahirap nang magbago pa ang isip ni chariz. SA HACIENDA ay kakalapag lng ng chopper na sinakyan ni dante, sinalubong siya ng dalawang taohang lalaki. "Sir dante akin yang mga dala mo ihahatid ka naming duon sa magiging tirahan mo para sa buong linggo. "S-sige salamat, saan ba ang lugar na iyon? "Medyo malayo kaya kailangan nating sumakay ng kabayo. "Naku hindi ako marunong niyan baka mahulog pa ako, kakamot kamot sa ulo. "Walang problema sir sumakay kayo sa likoran ko at bahala na si dindo diya sa back pack mo. Nahihiya man ay wala naman siyang pagpipilian, kaya sumakay siya at humawak ng mahigpit sa balikat ng kasama. Halos fifiteen minutes na tinakbo nila at narrating din ang lugar, halos niyang kumurap sa ganda ng paligid. Kahit saan siya lumingon ay parang nasa paraiso lang siya. Ang pagbagsak ng tubig sa napakalinis na falls at napakalinaw na tubig na halos mangasok ngasol iyon sa lalim. "Ilang feet ang lalim niyan? "Sa pinakagitna ho ay nasa 30ft dito naman sa may gilid ay 10 feet. "I see, napatingala siya sa taas at napahanga nanaman ng makita ang napagandang bahay sa itaas ng mga puno. "Pwede ba akong umakyat duon? "Pwede sir kunin ninyo nalang ang key sa luon ng rest house sa pinaka unang pinto ay naruruon po nakasabit sa wall. "Salamat ho. Nakaalis na ang dalawang lalaki ay nakatingala pa din siya duon sa mga puno, gusto niyang isipin na nasa isang lugar na paraiso siya ngayon. Sa paligid ay naggagandahang mga orchids at ibat ibang halaman. Naglakad siya patungo sa may kalakihan din resthouse, sinong magsasabing sa ganito ka liblib na lugar ay may ganito ka rangyang bahay. Itinulak niya ang nakitang unang pinto, isa katamtamang laki na may mga shelves sa luob, sa kabilang side ay maraming libro. Sa kabilang dulo naman ay mya mga ilang nakasabit na ibat ibang baril at weapon. Sa mga wall ay ibat ibang painting at nagmumukhang maliit na gallery ang luob. Iniikot niya ang tingin at nakita ang ilang key na nakasabit duon. Hindi na siya nagtagal duon lumabas at binuksan ang isang room na may kulay navy blue rag, sa katapat ay ang kulay red na rag. Pinili niya ang navy blue at duon ay isa isang ipinasok ang kanyang personal things. Nalula siya sa ganda ng kwarto, napaisip siya bigla bakit dito siya dinala siguradong set up nanaman siya ng kaibigang si drake. Kailangan niyang maghanda mukhang hindi siya nag iisa dito ng isang linggo. Nakakaamoy na siya na darating ang babaeng gusto niyang iwasan. Walang maisip na gawin kaya nagsuot ng boxer short na hanggang tuhod niya at nagtungo sa falls. Walang inaksayang sandal at agad na nagdive duon. Nagpabalikbalik siya ng langoy duon, sisid hanggang pinakailalim. Namataan ni dante ang pinaka sulok ng ilalim ng falls at may butas duon. Agad na nilapitan iyon at pumasok sa pinaka luob halos pangapusan siya ng hininga ng makalitaw sa ibabaw ng tubig. Inikot ang paningin sa kapaligiran at isa pang nakakmangha ay may malawak pa din na tubig duon na mas malalim pa kumpara duon sa kabila. Ang kaibahan lang simple ang paligid at ang mga puno lang na naggagandahan ang nagbibigay ng attractive sa paligid. Umahon at naglakad patungo sa medyo mataas na lugar, nakakita siya ng malapad na bato at duon ay naupo muna 'maya-maya nalang siya babalik sa kabila. Isang chopper ang lumapag sa malapit sa falls at nang makababa ang dalaga ng chopper ay agad na hinarap ang pilot. "Bakit dito mo ako dinala, habang nakasunod sa lalaki? Dapat duon sa hacienda 'ayaw ko dito at anong gaagwin ko sa lugar na.... Nabitin ang sasabihin pa niya ng bumungad sa mga mata ang mala paraisong lugar. Hindi niya alam na may ganitong lugar sa haciendang ito ngayon ay alam na niya kong bakit nahuhumaling ang ibang mga kamaganakan nila na mag stay dito. Umihip ang malakas na hangin napahalukipkip siya ng maramdaman ang kakaibang lamig ng simoy ng hangin. "Ma'am maiwan ko na ho kayo dito, kailangan kong makabalik agad ng manila. "Sige salamat. Agad na pumasok sa luob ng resthouse ay binukasan ang naunang pinto pero isinara din iyon ng makitang hindi iyon bedroom. Itinulak ang pintong nakaawang at hindi nakasarang mabuti. Natigilan siya ng makitang may mga gamit duongpanlalaki. May kalakihan ang back pack na akala mo ay magma mountain climbing. Hinila iyon pasara at binuksan ang katapat, napangiti siya agad na humiga sa ibabaw ng malaking bed at bahagyang pumikit. Ang papasok ng kwarto na si dante ay napansing naka awang ang katapat na pinto agad na itinulak iyon at ganon nalang ang pagkakagulatan nilang dalawa. "Ikaw? You? "Bakit naririto ka ms sungit? "what are you doing here? Sabay nanaman nilang tanong sa bawat isa. "Dito ako ipinahatid at dito daw ako mag I stay for one week. "No! ayaw kong makasama ka dito mr caretaker!umalis ka dito! "Oh ayaw mo pala akong makasama eh di ikaw ang umalis dito... "Shut up! Ako ang montemayor hindi ikaw! Ano aangal ka? "I-Ikaw nga pero ako ang naunang dumating dito kaya mag tiis ka sa presence ko, at nagmamadaling tinalikoran ni dante ang dalaga. "Hoy! Mr......pucha! bastos! "Maigi na yong mag lock ng pinto baka sugudin pa siya ng masungit na babaeng iyon. Gustong matawa ni dante ng pagsarhan niya ng pinto ang nag tataray na babae. Nagmamadaling nagshower at nagbihis, lumabas ng kwarto saka binuksan ang unang pinto. Kinuha duon ang key at nagmamadaling lumabas ng resort. "Sana lang hindi mapansin ng babaeng yon ang bahay sa itaas ng puno para may mapag taguan siya. "Wow (whistle) napakaganda ng luob pagpasok palang ay malaking kama agad, sa kabilang gilid ng ay ibat ibang klase na bagay. Nailing si dante habang isa isang tinitingnan iyon. Dati sa mga porn movies lang siya nakakakita ng mga ganon. "Sadist aba ang mga montemayor para gumamit ng ganitong mga bagay? Binuksan ang naruong katamtamang ref at lalo na siyang napanganga ng isa isang makita ang laman nuon. Hindi naman pala iyon refrigerator dahil isa iyong cabinet na may mga shelves sa luob. Ibang klase talaga ang mga montemayor pati, puro sextoys ang naruruon, ibat ibang klase ng vibrator, sarisaring flavor ng condom na puro large and extra large at may mga lubricant din. Isinara niya iyon at saka sinilip ang bathroom duon, may malaking Jacuzzi, may ilang table din duon na para sa pagsi s*x. Isinara ang pinto ng banyo at humiga sa ibabaw ng kama, unti unting kinain siya ng kamalayan at nakatulog. Sa resthouse ay kanina pa nag iikot si chariz dahil biglang nawala ang kinaiinisang lalaki. Naruon naman sa kwarto nito ang mga gamit kaya sigurado siyang naruon lang ito sa paligid. Naingganyong maligo sa falls dahil napakaganda nuon, subrang linaw ng tubig. Nag suot ng two piece bikini at nag dive agad duon, pabalik balik na nag floating. Minsan sumsisid din siya pero ayaw niyang bumanda sa gitna dahil hindi siya masyadong marunong lumangoy. Sa paglipas ng oras ay nalibang na siya at nakalimutan na ang lahat. Nahiga sa ibabaw ng malapad na bato saka duon ay ipinahinga ang katawan. Medyo napagod din siya sa kakalangoy, maya-maya na uli siya lulusong sa tubig. Si dante na kagigising ay dumungaw sa bintana, naikurap niya ang mga mata kong hallucination ba ang kanyang nakikita. Isang babaeng parang dyosa na halos hubad ang nakahiga sa malapad na bato habang nakapikit ito. Nag iinit ang kanyang pakiramdam sa kagandahang nakalatag duon. Gusto ng umalis pero hindi niya magawang ibaling man lang ang tingin. Ang napaka puti, sexy, kalakihang dibdib at mahahabang legs ng dalaga. sinong lalaki ang hindi tatayuan at panunuyuan ng lalamuna sa ganitong nakikita. "Sh!t! na babaeng ito nanadya ba talaga para pahirapan siya huh! Sinikap ni dante na ihakbang ang mga paa para makaalis duon, masakit na ang kanyang puson. Hinila ang pinto at nagmamadling bumaba saka pumasok sa kwarto ang nagsuot uli ng baoxer short kailangan niyang malamigan para mawala ang init ng pagnanasa. Alam niyang tulog ang dalaga sa malapad na bato kaya mabilis na nag dive agad at sumisid sa ilalim ng tubig. Plano niyang pumunta nalang sakabila pero kailngan muna niyang punuin ng hangin ang kanyang dibdib para makarating duon. Lumitaw muna siya sa ibabaw para makalanghap ng hangin pero sinalubong siya ng ratatat ng bibig ni chariz. "Sinong nagsabi sayo na maligo ka dito ha? Nakita mong naririto ako at naliligo! Umalis ka baka mahawa pa ako ng bacteria na nasa katawan mo! Wala ka talagang modo... Natigil sa pagsasalita ng mawala sa paningin si dante dahil naaninag nalang niya itong nasa ilalim nan g tubig. Tumayo at naghanap ng pwede niyang maibato sa binata once na lumitaw ito. Pero kanina pa siya naghihintay ay walang dante na lumitaw. Inaninag pa niya ang tubid pero wala na duon ang lalaki, nagpalingalinga siya at baka nasa gilid lang ito pero talagang wala. Nakaramdam ng kaba at kong ano anong takot ang lumukob sa kanyang dibdib. May buwaya ba dito? Sawa? "Oh god mangiyak ngiyak na si chariz habang nakatayo sa malapad na bato. Agad na tumakbo sa luob ng resort at hinagilap ang kanyang cellphone pero hindi iyon makita duon, halos isa isahin na niya ang laman ng kanyang luggages ay wala talaga. Lumipat sa kabilang karto na akupado ni dante at itinaktak ang laman ng bag nito para hanapin ang cellphone ng binata pero wala din. "Oh god, anong aggawin niya,hysterical na lumabas ng resort at malakas na nagsisigaw pero halos mamaos na siya ay walang dumarating na tao. Bumalik sa ibabaw ng malapad na bato at sinubokang aninagin uli ang ilalim ng tubig pero wala talaga duon ang binata.  Sa kabila ng falls ay naulinigan ni dante ang malakas na sigaw ng isang babae, nagmamadaling nagdive siya at sumisid pabalik duon. Kinabahan siya sa maaring mangyari sa dalaga baka may masamang tao na nakapasok.  Si chariz ay nagdive sa tubig at sinisid ang bandang malalim saka pinilit na dumilat para hanapin ang binata pero wala talaga duon. ilang beses na lumitaw sa ibabaw dahil nangangapos ang kanyang hininga. Pinuno ng hangin ang dibdib at saka sumisid sa pinaka malalim baka sakaling mahanap niya duon si dante. Nakaramdam siya ng paninigas ng mga paa, subrang takot ang lumukob sa kanyang puso at isipan. Nakainom na siya ng tubig dahil habang sinisikap niyang makalangoy ay lalo siyang lumulubog pailalim. Humalo sa tubig ang mga luha ng dalaga, alam niyang katapusan na niya ito. "I'm sorry d-dante....unti unting nagdilim na ang lahat. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD