bc

Chariz Zuzzeth Montemayor The Twins ( Tagalog )

book_age18+
38.0K
FOLLOW
153.5K
READ
pregnant
independent
heir/heiress
comedy
scary
city
asexual
punishment
stubborn
like
intro-logo
Blurb

“Mr. Caretaker, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang pakialaman ako?”

“Ms. Sungit, may access ako mula sa pinakamataas na kinauukulan. Kaya susunod ka sa sasabihin ko!”

“Pakialam ko! Umalis ka sa daraanan ko. Ano ba!”

“Halikan kita riyan, eh!”

“May sinasabi ka ba, Mr. Caretaker?”

“Paki mo!”

“Aba’t…!”

Ganito ang araw-araw na banggaan nina Mr. Caretaker at Ms. Sungit…palaging nagtatalo, nagsusungitan, at walang gustong magpatalo.

Masahol pa sila sa aso at pusa.

Pero paano kung sa likod ng kanilang walang katapusang away ay unti-unting sumibol ang isang damdaming pareho nilang ayaw aminin?

Dahil minsan, ang taong pinakaayaw mong pakialaman ang siya palang taong pinaka-mahirap mong mawala.

chap-preview
Free preview
Part. - 1
“Ikaw?” “You?” Sabay pa silang nagkagulatan at ang lalaking kasama ng dalaga ay palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Yes, ako nga. Bakit, hindi ba nabanggit sa’yo ng pinsan mo kung sino ang makakasama ninyo dito?” Nilakihan niya ang pagkakabukas at gumilid muna siya ng tayo, ngunit talagang nanadya ang babaeng ito. Banggain ba naman siya at dahil hindi handa ay nauntog sa wall. “Tsk, tsk, talagang napakasuplada ng babaeng ito, huh!” “May sinasabi ka?” “Ah, wala,” aniya at sumunod na siya paakyat sa dalawa. “Mr. Boyfriend, doon ang kwarto mo. Feel at home. At ikaw, Ms. Sungit… este, Ma’am Chariz, ay sa kabilang side naman ang room mo, malapit sa kwarto ko.” “Oh, excuse me, at kailan ka pa nagkaroon ng karapatang mandohan ako, Mr. Caretaker?” Saka niya tinalikuran ang binatang antipatiko at sumunod sa loob ng kwarto ng boyfriend niya. “Ops! Hindi ka maaaring pumasok diyan. Doon ka sa kwarto na para sa’yo. At huwag matigas ang ulo dahil may permission ako mula sa kataas-taasan, Ma’am,” aniya na agad dinampot ang bag ng dalaga at dinala patungo sa kabilang kwarto. Subalit hindi pa man lang siya nakapasok sa loob ay isang suntok ang dumapo sa likuran niya. “Aba’t!” Sabay lingon niya at mukha ng dalagang malapad ang ngiting sumalubong sa kaniya. Binitawan muna ang bag nito at nilampasan. Saka pinalipad ang isang malakas na sipa. “Kung hindi kayo makikinig sa sinasabi ko, lalo ka na, Ma’am, ay mapipilitan akong palabasin ng bahay ang lalaking ’yan!” Uminit na ang ulo niya dahil sobrang makulit ang dalagang ito at talagang sinusubukan ang pasensya niya. Kaya nilapitan pa niya ang lalaki at susuntukin pa sana ito nang humarang sa harapan niya ang dalaga. Kaya’t sa inis ay hinila niya ito sa bandang likuran at hinablot ang lalaking astang lalaban. “I’m warning you! Or else, I’ll break your neck!” sabay baling sa dalaga. “Doon ka sa kwarto mo, Zuzzeth Chariz!” sigaw niya sa dalaga. Saka pa lang ito kumilos at mabilis na tumalikod na halos takbuhin ang kwartong ibinigay niya rito. “Takot naman pala, huh!” sabay baling sa lalaki. “Ikaw, aangal ka? O baka gusto mong sa labas ka matulog?” at tinalikuran ang nanggagalaiti na lalaki. Pangiti-ngiti pa siya habang pababa ng hagdan. Na-imagine niya ang itsura ng dalaga nang sigawan niya, agad na natakot sa kaniya at namutla. Tumuloy sa kusina at pasipol-sipol na nagluto muna siya ng makakain nila. Dalawang putahe lang ang alam niyang lutuin, ang paborito nilang kainin ni Drake sa probinsya. Bahala ang dalawang ’yon kung kakain sila o magluluto sila para sa sarili nila. After one hour, dumaan sa harapan niya ang dalaga kasunod ang boylet nito. Habang nakaupo siya sa mahabang sofa, ay dumiretso sa kusina ang dalawa. Alam na niyang kakain ang mga ito dahil almost two p.m. na, kaya ipinagpatuloy na lang muna niya ang pagbabasa ng libro. “What the hell! Anong klase bang pagkain ito? Parang pagkain ng animal!” Narinig niyang sigaw ng dalaga kaya mabilis niyang nilapitan ang mga ito. “Kung ayaw n’yo ng luto ko ay huwag ninyong kainin. Wala namang problema, huh!” Subalit nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumaas ang kamay na may hawak na ulam. Alam na niya ang pinaplano nito kaya mabilis na tumalon siya para agawin ang hawak nito. “Takte, itatapon talaga ang pinagpaguran niyang lutuin at talagang sa carpet pa.” “Ouch!” Muntik nang magtihaya sa sahig si Chariz kundi ito nasalo ng boylet nito. Mas inuna pa talaga niya ang ulam kaysa sa dalaga. Aba, mahirap kayang maglinis ng carpet, saka sigurado siyang pagtatawanan na naman siya ng dalaga. Mas maigi na ang maagap. “Alam mo bang pinaghirapan ko ang pagkaing ito, ha? Pagkatapos ay itatapon mo lang at plano mo pa akong pahirapan linisin ang carpet?” “Yuck! Kadiri ka. Palibhasa, probinsyano, huh!” “Masarap kaya ito, and for your information, Ma’am, paborito namin ng pinsan mong si Drake ang pagkaing ito. Kaya huwag mong pinandidirihan dahil maraming sustansya ang dala nito sa katawan, hindi kagaya ng mga kinakain ninyo, puro cholesterol.” Para namang napahiya si Chariz dahil natameme at nang lingunin niya si Dante ay wala na ito sa harapan nila. Sa paglipas ng mga araw ay iniwasan na ni Dante ang dalaga. Maigi na ang dumistansya dahil sa tingin niya ay hindi basta magpapatalo ang malditang babaeng ito. Isang araw… “Iniiwasan mo ba ako at ang boyfriend ko?” “Hindi, ah! At bakit ko naman gagawin iyon, Ms. Sungit?” “What?” “Wala, Ms. Chariz. Sige, maiwan na kita at marami pa akong gagawin,” aniyang nagmamadaling umakyat sa hagdan nang nakasalubong ang lalaking naka-shirtless lang. “Hey, Mr. Boyfriend, magdamit ka nga. Hindi uso dito ang pagdi-display ng fats, huh!” “Eh ’di maghubad ka rin,” sagot nito na balewala siyang nilampasan at nagmamadaling bumaba. “Aba’t naghahamon yata ang lalaking ito,” halos pabulong niyang sambit. Sige, pagbibigyan niya ito. Mabilis na pumasok sa banyo upang maligo at nag-spray pa talaga siya ng men’s cologne saka hubad-baro na bumaba na rin ng hagdanan na tanging jeans lang ang suot. Patay-malisya na dumaan mismo sa harapan ng dalawang busy sa kung anong ginagawa. At para mapansin siya ng mga ito ay sinadya pang ilaglag ang hawak na maliit na libro sa tapat mismo ng dalaga. Agad namang dinampot iyon nito at akmang ibabato sa kaniya nang bigla siyang humarap at humakbang papalapit dito. Ang nakataas na kamay na may hawak na libro ay nabitin sa ere at natameme nang makitang hubad siya. Sinadya pa niyang medyo iliyad ang dibdib habang nakatingin sa boyfriend nito na parang naghahamon kung makatingin. “Chupi ka pala, eh. Ano’ng laban ng katawan mo sa matigas kong muscles?” Halos pabulong lang ’yon pero malinaw na narinig ng dalaga. At nang ma-realize ni Chariz ang ginagawa ni Dante ay agad na hinampas niya ito ng librong hawak. “Umalis ka nga sa harapan ko, bastos! At puwede ba na magdamit ka!” Para namang napahiya siya kaya mabilis na inagaw ang libro niya saka nagmamadaling tumalikod. “Talo talaga siya ng malditang babaeng ito,” bulong niya sa sarili. Sa araw-araw ay palagi silang nagbabangayan na parang aso’t pusa, hanggang dumating ang huling araw ng dalaga at ng asungot nito. “Goodbye, Mr. Caretaker. Mapaanis sana ang laway mo dahil wala ka nang kausap!” Pinigilan na lang ni Dante ang sariling sumagot. Total, paalis na naman ang dalawa. Kahit ang totoo ay nakakaramdam siya ng lungkot. Dalawang linggo rin siyang nag-iisa at tahimik ang buhay nang isang araw ay may kumatok sa pintuan. Iniwan ang ginagawa at naka-boxer short lang na lumapit sa pinto at binuksan iyon. “Bastos!” “Naku, patay na naman ako nito,” sinilip pa niya ang likuran ng dalaga pero wala yata ang asungot. Kaya niluwagan niya ang pintuan at hinayaang makapasok ang dalaga. Gusto sana niyang tulungan ito sa paghila ng maleta pero baka sigawan na naman siya. Kaya nagmamadali nang tumalikod subalit mali ang inaakala niya dahil nagulat siya sa malakas nitong sigaw. “Talagang hindi mo ako tutulungan! Napakasama talaga ng ugali mo!” “Oh, sorry. Akala ko kayang-kaya mo,” sabay smirk niya na lalo pa yatang ikina-inis nito sa kaniya dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya hindi na siya sumagot pa at nagmamadaling binuhat ang mga bagahe nito. Nang madala sa taas ang maleta ay mabilis bumaba rin agad siya. Hinanap ang cellphone niya ngunit hindi na iyon makita. Sa pagkakaalam niya ay doon lang iyon ipinatong sa table pero wala na roon. Kaya’t kung saan-saan niya iyon hinanap, baka nahulog o sa iba niya nailagay, ngunit wala talaga at nahihilo na siya sa kakaikot nang biglang tumunog iyon. Iyon naman pala ay hawak ni Chariz habang nakataas pa ang kilay na nakatingin sa kaniya. Akmang lalapitan niya ito nang biglang tumunog iyon at mabilis na sinagot ang tumatawag. “Hello, who is this?” Narinig niyang suplada na sagot nito sa kabilang linya. Samantala, sa kabilang linya ay nagtataka si Drake kung sino ang babaeng sumagot sa phone ng kaibigan niya. “Eherm, can I speak to Dante, please?” “Who are you? I said!” “Hey! Miss, can you give it to him?” “Akin na nga ’yan. Bakit mo pinakikialaman ang cellphone ko? Sino bang tumatawag?” “Ewan ko sa’yo, Mr. Caretaker!” Pabalang na sagot nito sa kaniya ngunit hindi na niya iyon pinatulan pa. “Aba’t talagang napakasuplada nito, ah! Hey, Ms. Sungit, sabi ko ay ibigay mo iyan sa akin. Sino ba talaga ang tumawag?” “Hindi ko alam! At huwag mo akong tanungin nang ganyan dahil wala akong sasabihin sa’yo. Kahit kilala ko pa ang tumawag ay hindi ko pa rin sasabihin sa’yo kung sino siya!” “Haist, kung ’di ka lang pinsan ng best friend ko ay nakatikim ka na sa akin ng ultimatum, hmp!” Subalit tinalikuran siya nito at nagtungo sa mahabang sofa. Saka pa lang niya napansin na naka-on pa rin ang tawag. Kaya mabilis na sinagot iyon. “Eherm, hello. May I know your name, please?” Subalit malakas na tawa ang kaniyang narinig. “Sino ang pinsan ko ang nariyan, bro?” “Oh, pare, kumusta ka na? Si Aqua at ang baby ninyo, kumusta naman?” “Ayos naman, bro, pero sino ba talaga si Ms. Sungit na patitikimin mo kamo ng ultimatum?” “Ah, eh, wala, pare. Ang pinsan mong si Chariz ay naririto dahil may bubuksan daw na branch dito sa Spain. Kaya dito siya naka-stay, kaysa mag-hotel pa raw siya.” Malakas na namang tawa ng kaibigan ang kaniyang naulinigan. “Hindi naman suplada at masungit ang pinsan kong ’yon, ah. Kaya nagulat din ako kung bakit ang sungit niya.” “Sorry, pare, pero masyadong makulit ang pinsan mong ’yon at pati ang cellphone ko ay hinulog sa toilet kaya hindi ko na alam ang number mo.” “Pakibigay mo sa kaniya ang cellphone at kakausapin ko siya.” “Sure, pare, saglit lang,” at mabilis na lumapit siya sa dalaga. Sa kabilang linya ay nanatiling nakikinig si Drake habang napapangiti. “Ms. Chariz, may tawag ka. Gusto ka raw kausapin ng sinungitan mo kanina.” “Ayoko. Sino ba siya? Wala akong panahong makipag-usap sa hindi ko kilala!” “Bilis na at naghihintay sa’yo,” saka agad na idinikit niya ang cellphone sa tainga ng dalaga. Akmang sisigaw na naman sana ang nakasimangot na babae nang marinig ang boses sa kabilang linya. “Hmm, kailan ka pa naging suplada, my dear cousin?” “Oh, my God! Ikaw ba ito, Kuya Josh?” “It’s me, Drake.” “Kuya, sorry. Bakit kasi hindi ka nagpakilala sa akin kanina? Sorry talaga, Kuya ko.” At pulang-pula ang mukha ni Chariz dahil sa nadamang kahihiyan mula sa pinsang si Drake. Matapos ay mabilis na ibinaba ang cellphone sa upuan at tumakbo na palayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.3K
bc

The Cold Husband 2 {Wife's Revenge}

read
717.8K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
717.0K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

My Son's Father

read
591.8K
bc

The Ex-wife

read
243.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
51.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook