chapter 1

1710 Words
Alas kwatro palang ng maaga ay nag handa na ako ng gamit ko dahil dapat ay maaga ako pumunta sa office kasi may appointment pa ako sa ceo ng kumpanya, kaya kailangan ko mag ready. Dumating ako sa office ng alas cinco, wala pang tao non kaya nag linis nalang ako ng office. Pero syempre hindi ako makakapag simula kung walang music kaya pinatugtog ko ang paborito kong kanta na "you belong with me" by Taylor swift... Lumingon ako sa magkabilaan at minake sure na walang tao, dahil ilalabas ko ang tinatago kong talento "rhmm, You're on the phone with your girlfriend, she's upset She's going off about something that you said 'Cause she doesn't get your humor like I dOoooo..." i was enjoying this song, sinabayan kopa ito ng pagsayaw at ginagawang mic ang mop na hawak hawak ko. Pumikit ako at iniisip na stage ako at maraming tao ang nanonood sakin... "PWAHAHAHAHAHAHAH" Nang idilat ko ang mata ko nakita ko ang ka office mate ko na nanonood sakin at tawang tawa, i blushed, red as tomato. Bat hindi mo sila nakita kanina? Ganto naba kalabo mata ko!? "Lim, hindi ko alam na swiftie ka rin pala" patawa na sabi sakin ng babae na si leah, at mas lalo pakong nahiya ng nakita ko vinedeohan nila ako. "Pwe...pwede pabura?" Nahihiya kong tinanong ang lalake na si Adrian, ngunit tumawa lang sila sakin, nakakainis na ha! Anong mali kung kumakanta ako? Ganyan naba sila ka interesado sa buhay ko? Porket ba tahimik lang ako!? "Sample nga isa lang, burahin kuna to" pang aasar pa nito sa akin, napakunot nalang ako sa inis sa kaniya, feeling niya kasi nakakatawa siya!... Napayuko na lamang ako sa hiya "Akala ko kasi wala pang tao kaya kumanta nalang ako" pag papaliwanag ko sa kanila. "AHAHAHAHA, joke lang. Ito naman hindi mabiro" sagot ni Adrian sakin at tinapik ang likod ko. "Akala mo wala pa kami noh, baliw bumili lang kami ng kape. Tyaka hindi kami pwede malate, marami pa kami gagawin" sabat naman ni leah at ngumiti. "Alam nyo ba, masungit daw yung ceo natin. Tinawag daw siya na tatlong M, kasi matanda, masungit na mapangit. Hay nako sa tuwing naiisip ko yun tumatayo balahibo ko..." ani pa ni leah, umupo na ito sa upuan niya at ibinaba ang dala dala nitong kape. Sinimulan kuna rin mag mop para matapos na ang palilinis ko "hindi naman ata, tyaka malay mo diba, iba siya sa sinasabi ng iba. " sagot ko kay leah. "Totoo yan mare, Tatlong M siya!" Sabat naman ni Adrian kay leah, napalingon kami sa kaniya na nasa pintuan at nakasandal dito.. "bali-balita sa kabila office, ginalaw niya daw si gwen yung matabang babae.." dagdag pa nito, parang gusto ko nalang din maniwala pero baka mali yung mga balita nayun pero totoo na ginalaw si gwen yung janitor namin kaya nga ata ay umalis nalang siya ng hindi man lang nag papaalam... Pagkatapos ko maglinis ay bumalik nako sa pwesto ko habang ang dalawa ay nag chichikahan pa, hindi nalang tapusin yung gawain nila. Inayos ko ang mga gamit ko na naka tambak sa lamesa habang merooon pako oras, inayos ko narin ang mga schedule ko sa susunod na araw para wala na ako gagawin sa bahay, Sa susunod na martes ay mag kakaroon kami ng events ng charity fundraiser, nakakapagod na naman ang mga araw naiyon pero at least nakatulong kami... "Lim, may tumatawag" Tawag sakin ni leah at inabot nito sakin ang telepono "Good morning, this is mira cruz, what can i do for you today?" Mahinhin na tanong ko sa telepono. "Anak-" Nang marinig ko ang boses ni mama ay kusang binagsak ng kamay ko ang telepono, nanginginig ako sa inis at galit at hindi ko malaman kung bakit siya tumawag sakin, napuno ng tanong ang utak ko ngunit pinigilan ko ito dahil may appointment pa ako mamaya at baka masira lamang iyon... "Hmm? Lim bat mo binagsak, sino tumawag?" Nag taka si leah sa ikinilos ko ngunit hindi ako nakasagot, tumayo ako at pumunta ng restroom para maghilamos ng mukha. "Huwag ngayon, please.." pag mamakaawa ko sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. Lumipas ang ilang oras ay hindi parin dumadating ang ceo namin kaya medyo kinabahan ako at baka hindi matuloy ang appointment namin, nawala na unti ang panginginig ko dahil nakakain na ako, gutom lang ata iyon dinagdagan lang ng kaba. Sumulpot si leah sa pintuan na may dala dalang kape "Lim, feel ko di dadating yung ceo." Ani nito sa akin. Lumingon ako rito at nagsulat ulit "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Wala lang, alam muba si amber buntis daw. Kakasimula panga lang niya mag trabaho dito e " sagot niya saakin. Napatigil ako sa pagsusulat at tinuro ko siya gamit ang ballpen ko "Ikaw, leah ang bata bata mupa chismosa kana." Ani ko sa kaniya. Napayuko ito sa harap ko at parang natamaan siya sa sinabi ko "ba..bakit daw nabuntis?" Makikisabay nalang ako, para naman hindi siya mag tampo. "Kasi daw, blah blah blah" paliwanag ni leah sa akin, tumingin lang ako sa kaniya at kunwaring nakikinig dahil hindi talaga ako interesado sa mga bagay naiyan, alam naman na nila kasing buntis bakit pa ipagkakalat? It is important to respect the choices of others, choice naman nila yun kung bakit siya nabuntis. As we all have the right to make our own decisions that we feel are best for ourselves o gusto natin. It's unfair for others to pass judgement on someone else's choices, especially if those choices have no impact on their own lives. At the end of the day, what matters most is that we each have the freedom to make our own choices and live our lives as we see fit. "Hoy leah tapos muna ba yung market research na pinapagawa ko sayo?" Tanong ko kay leah, muntikan kuna ito makalimutan. Ipapasa nayun sa biyernes. Pailang na ngumiti ito sa akin "Ay... wait iihi lang ako, nakalimutan ko naiihi pala ako hehe" pangangatwiran nito sa akin. "Tapusin mo yun, ipapasa na iyon sa friday." Pag papaalala ko sa kaniya. Ngumiti ito at tumango. Sinimulan kuna rin tapusin ang pag susulat ko ng schedule. Pumasok ang babae at sinabihan ako na lumabas. "Lim, nasa labas daw yung ceo. Hindi siya papasok dito, ikaw nalang daw pumunta sa sasakyan niya." Madali kong inayos ang mga gamit na dadalhin ko, nang pumasok na ako sa kotse ay nakaramdan ako ng lamig sa paa kaya tinignan ko ito at nakita na naka crocs lang ako, dahil sa kakamadali nakalimutan ko mag palit!!! Naalala ko yung mga pinag sasabi ni leah at Adrian tungkol sa ceo, kinabahan ako unti. "Ahaha, good morning sir." Nakatalikod lamang ang matanda kaya hindi ko gaano makita ang mukha niya, medyo madilim din sa loob ng kotse na nag pakaba sakin. "Proceed" nag salita ito, malalim ang boses nito at hindi ganon katugma sa inisip ko, hindi ganoon katanda ang boses niya. "Um yes sir" Starting the appointment, I gathered my courage and paid close attention to avoid making any mistakes and embarrassing myself in front of the ceo. I reported the feedback I had gathered about our products, naging ayos naman ang lahat pero sayang hindi ko man lang nakita ang mukha ng ceo. Nakahinga rin ako ng maluwag ng nakalabas ako sa kotse, buti nalang ay hindi niya nakita na naka crocs lang ako. Nakakahiya nayun! "Lim!" Sigaw ni leah sakin sa malayuan habang kumakaway sa akin, lumapit ito sa akin at malaki ang ngiti "oh ano? Tatlong M ba?" Tanong niya sa akin, akala ko kung ano na! Ito talaga babaeta naito napaka chismosa. Inikot ko ang mata ko at nilagpasan siya "wala, hindi ko nakita mukha niya." Sagot ko sa kaniya "Weh ba?" Hindi ito naniniwala sa akin, hinawakan niya ang braso ko at sinabayan ako mag lakad papunta sa office. Hiniga nalang nito ang ulo niya sa lamesa, habang nag mumukmok. "Ano bayan, ang damot naman" reklamo nito. "Lim, may tumawag pala na babae kanina, hinahanap ka" paalala ni Adrian sakin, alam kuna agad kung sino yun. Ngunit pinabayaan ko nalang, alam ko naman habol non. "Sige, salamat" sagot ko kay Adrian, nakatayo ako sa harap ng lamesa ko at inaayos ang mga wire na magugulo, natulala ako at iniisip kung ano ang gusto ni mama. Gabi na ako nang makauwi sa bahay, hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako, nag wash up nalang ako para matulog dahil tapos naman na ako sa mga gawain ko at medyo pagod narin ako noong gabi na iyon kaya ipinag pabukas ko nalang ang mga susunod na gagawin ko. Tumunog ang telepono ko, at alam kuna agad na sila mama yun. Sinagot ko ito para malaman kung ano ba gusto nila "oh?" Tanong ko sa telepono. "Anak" tawag ni mama saakin, alam ko din na tinatawag niya lang ako nq anak kapag may kailangan siya. "Anak" tinawag niya ulit ako, ngunit may mali sa boses niya at kakaiba iyon. "Bakit?" Malamig na tanong ko sa kaniya "Wala na ang ama mo." Sumagot ito sa akin, hindi ko ramdam kung ano nga ba ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Maluluha ba ako? Matutuwa? Wala ako naging reaksyon non, ni isang kirot ay wala. "Magkano?"deneretcho ko siya ng tanong. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat ko na sabihin sa kaniya! Nalilito na ako kung pamilya ko pa ba sila o hindi. Kasi sa tagal namin na hindi nag kasam at nag kausap ay parang naiisip ko nalang na wala na talaga akong pamilya at lumaki ako nsa sarili kong sikap. "Ano ba, mira! Hindi mo ba naiintindihan wala na ang ama mo! Wala ka bang puso!? Hindi kaba man lang masasaktan!?" Sumigaw siya saakin, paano ko maiintindihan ang mga katulad ninyo? Kung may kailangan lang kayo nandiyan tapos pag wala na ay basta basta nalang kayo nawawala. Pano ako masasaktan kung hindi ko man lang nadama ang pagmamahal ng sarili kong ama? Mamahalin koba siya kung ang turing niya sa akin ay parang basura? Muli kong binabaan ng telepono si mama, pinilit kong matulog kasi may pasok pa ako bukas. Pero hindi ko alam kung bakit tumutulo ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD