Chapter 4

2012 Words
"YES MS Leah?" Sagot ni Aubrie nang angatin niya ang intercom. Ikinagulat niya nang sabihin nitong pinapatawag siya nang boss nila. "Bakit daw?" "As if naman alam ko. Alam mo naman 'yang si Mr. Milano. He never tells me anything." Bakas ang inis sa boses nito. Ito kasing assistant ni Mr. Milano ay assistant na wala man lang idea sa mga pinaggagawa nang boss nila maliban sa pagdadala nito nang babae sa pad nito na madalas makita ni Leah. "Sige I'm on my way thanks," aniya saka, napahugot nang malalim na paghinga. "Ano daw 'yon?" Usisa ni Shane. "I'm not sure pero pinapa-akyat raw ako sa CEO 's office." Nakamot pa niya ang noo. Wala siyang alam na dahilan para papuntahin siya nang boss nila doon. Unless. Marahas siyang umiling. saka siya nagpapaalam kay Shane. Malakas ang kabog nang dibdib niyang habang sakay siya nang lift. Wala siyang nakikitang dahilan para ipatawag siya ni Mr. Milano. Dahil kung problema sa trabaho siguradong HR ang magpapatawag sa kanya. Their Boss only meets the Manager and executives. Sa dalawang taon niya sa kompanya kanina lang ang unang pagkakataong dumating ito sa department meeting. At ang dating superviror niya ang madalas magpresent nang mga proposal niya noon at ito rin ang nagguide sa kanya to become her best version. Kaya nanghihinayang siyang nagkasakit ito. Pagdating niya sa fifty-fifth floor ay sinalubong siya ni Leah saka siyang dinala sa pribadong opisina ni Mr. Milano. Iyon ang unang pagkakataong nakaakyat siya sa palapag na 'yon. Magkaiba ang main office ni Mr. Milano at nang assistant nito. Sumalubong sa kanya ang simple pero eleganting lounge. Saka siya napasunod kay Leah sa isang pintong nakasara. She knock twice bago nito pinihit ang seradura ng pinto. "Sige na I'm still busy. I call you later, I love you beautiful." Iyon ang narinig niyang saad ni Mr. Milano sa kausap nito sa phone. Sa ganda ng ngiti nito mukhng girlfriend marahil nito ang kausap. Ang lambing pa ng I love You nito. Gusto niyang pagalitan nang sarili dala nang inis na alam niyang hindi naman niya dapat maramdaman. Kitang kita niyang natigilan ito ng magsalubong ang titig nila.. "Pinapatawag n'yo daw ako sir?" Aniya, kitang kita niya pagkagulat sa mata nito saka gumalaw ang adams apple nito. Sa reaksyon nito parang hindi ito sigurado kung bakit siya nito pinatawag. "Ah yes! Please have a seat." Aluk nito kaya naglakad siya palapit sa mamahalin nitong lamesa. "Hindi ba siya nasarapan sa akin?" Dinig niyang sabi nito kaya napaangat siya nang tingin. "Sir?" "Ha! Well..." Silence. "About what happened. I'm sure if its right to say pero pasensya na! I was so wasted." Napakagat labi pa siya sa tinuran. Bakit ba siya ang nagsorry eh siya ang lugi. Na devirginized siya nang lalaking ni sa hinagap hindi niya inaasahang nakakatikim sa kanya. Kaya napalunok siya. "Let's just forget it happened. Ahm... iyon lang gusto ko lang sabihin." "Wow!" Bulalas nito. Nagulat siya nang tumayo ito. "Hindi kita pinapunta dito para d'yan," saad nito, nakasunod ang mata niya sa bawat galaw ng binatang boss. He was like a s*x god, walking towards her. Kaya hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang maumbok na parti nang pantalon nito. She clenched her fist saka pinagdikit ang hita niya. Trying to suppress that sensation na hindi na nawala sa utak niya kapag nasusulyapan ito. Palihim na kinagat niya ang sariling dila upang hamiging ang huwisyon niya. Naupo ito sa katapat na couch saka sumadal doon. Bahagyang nakabukas ang butones ang polo nito kaya kita niya ang kaunting bahagi nang matipunong dibdib nito. Napahawak na lang tuloy siya sa noo niya na tila namamawis. "I suspend Mr. Tan for about a week," ang sinabi nitong 'yon ang ikinatitig niya sa mapang-akit na mukha nito. Why does he look so damn attractive every time. "Pero ba---" "Hindi na natin puweding bawiin ang promotion," he cut in. "My apologies." Muli na naman siyang nagulat. Hanggang kailan ba siya nitong planong gulatin. Mula sa king size nitong alaga, sa pag-interupt sa meeting which in favor her, at nag-aapologies pa ito ngayon. "Mas madalas kasing iyong maliit kong ulo ang nag-iisip kaysa sa malaki kong ulo. Ang hirap!" Anang nitong nagkamot pa nang sintido. She find herself laughing kahit pinipiglan sana niya. Lintek ang seryoso nang usapan. Amuse na napatitig ito sa kanya saka tumuwid nang upo. "So--sorry!" Tumikhim pa siya upang hamigin ang sarili. She wasn't the type to laugh at green jokes pero heto natatawa siya. Parang hindi naman maliit 'yong ulo, sakit pa nga nang hiyas niya. Kaya napainum pa tuloy siya nang pain reliever pag-uwi niya. "Maganda ka palang tumawa." "Sorry---what!" "Never mind," seryosong saad nito saka matamang tumitig ito sa kanya. Parang galit pero hindi naman. "Ayos na rin, at least hindi nabasura ang campaign ko," maya maya sabi niya. "Thanks anyway. Kung wala ka nang sasabihin sir---" "Would you like to sleep with me again?" Muntik na siyang malaglag sa upuan niya dahil doon. Okay binabawi na niyang nagpasalamat siya dito. Anong akala nito, isa siyang isang puta para makipagsex dito kasi sinabi nito. "How could you..." di mapigilang bulalas niya. " Alam mo Mr. Milano, ipinaliwanag ko naman na I was drunk kasi---" umiling siya. Bakit pa niya sasabihin ang dahilan nang pagpapakalasing niya. In the first place, ang ulo nito sa pagitan nang hita nito ang sinisisi nito. "Hindi ko ako kagaya nang mga babaing kilala n'yo. Iyong nangayari aksidente lang, isang maliking pagkakamali, so please dont---" "I know I'm your first kaya nga exciting siguro," walang gatol na pag-amin nito. "You know what...." Marahas siyang napapikit trying not to burst out her anger. Tumayo siya. Pero nagulat siya nang hilahin nito ang kamay niya. Tila libu-libong boltahe nang kuryente ang nanulay sa braso niya patungo sa bawat bahagi nang kanyang katawan. At dala nang pagkataranta ay natapilok siya, pero bago pa siya matumba ay nahapit na ni Mr. Milano ang baywang niya. "I'm not done with you just yet!" Ganun na lang ang panlalaki nang mata niya nang ikiskis nito ang harapan nito sa puwetan niya. Nagdulot 'yon nang kakaibang init sa puson niya ang tigas nang mainit na bagay na tumatama sa kanya. "Gusto mo rin 'to Aubrie," paanas na turan nito sa namamaos na tinig. And sh*t ng sexy nang bigkas nito sa pangalan niya. Parang kay lambing na gusto na lang niyang humilig sa balikat nito at hayaan ito sa gusto nitong gawin. Kaya muli niyang kinagat ang dila niya. "Hindi!" Tangi niya nang sa wakas ay nahamig niya ang katinuan. Saka siya kumawala dito at sa mag-iinit niyang mukha iniwan niya ito doon. "Just come to my office when you change your mind," dinig pa niyang turan nito. Gusto niyang magalit sa sarili dahil wala man lang siyang ginawa after what he did. At parang tama ito na gusto rin niya 'yon. "What the hell happened to me!" Gigil na na kausap niya sa sarili. Mabilis niyang inayos ang sarili bago siya makarating sa opisina ni Leah. Ipinagpasalamat niyang wala na ito doon. Pagkababa sa 18th floor ay dumiretso siya sa CR upang i-check ang sarili. Inayos niya ang medyo nagulong buhok niya. Pinapakalma niya ang t***k ng puso niya ang tunumog ang cellphone sa coat niya. Ikinagulat niya na ang ama niya ang tumatawag. A bitter smile came out of her lips. Wala sana siyang planong sagutin 'yon pero muling nagring ang phone niya kaya sinagot na rin niya. "Hello." "What took you so long to answer?" Bungad nang malaking tinig nang kanyang ama. "I was busy." "Busy my foot! Sa sobrang busy mo ba hindi mo man lang magawang tawagan ang sarili mong pamilya, " sarcastikong saad nito na ikinakuyom nang kamao niya. "May welcome party para sa pag-uwi nang kapatid mo. I want you to be here to greet her. She just finished her business school in Stanford, you should be proud." Bumangon ang galit sa dibdib niya. "Danica want to see you. Your sweet sister even consider you after what you did kaya pumunta ka. Kung ayaw mong ipasundo pa kita." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag. She was clenching her fist dala nang matinding inis na bumabangon sa puso niya. Walang alam ang ama niya kung anong ugali mayroon ang anak nang kabit nito. "Sweet sister my foot!" Bakit parang ang gulo nang nakalipas na tatlong araw niya. Kinabukasan. It was Sunday kaya boung araw siyang natulog. Kinahapunan ay nanood siya nang movie. Pero dahil nabagot siya kaya nagpasya siyang lumabas. She need dress for next week. Naisip niya. Kailangan niyang pumunta dahil siguradong gagawin nang ama niya ang banta nitong ipasundo siya. No one in her company knew her true identity. At wala siyang planong maging center of attention kung tungkol sa magulo niyang pamilya ang dahilan. She just choose the simplest attire she could wear. Wala siyang planong magpabonga para lang magpapansin sa party ng step sister niya. Saka siya naglibot libot. Habang bitbit sa isang kamay ang frappe na binili niya. When she accidentally bump on someone. Napahawak pa ito sa balakang niya upang hindi siya matumba. Nagulat s'ya nang tumapon sa damit nito ang natunaw na niyang frappe. "Oh.... I'm so sorry!" Kumalat ang malamig na inumin sa polo nito pababa sa pantalon nito. "Akalain mong iniisip lang kita nakita kita dito." Halos tumalon ang puso niya ng makilala ang walang iba kundi ang ma-el niyang Boss. "Mr. Milano, Sir," tarantang saad niya na hinagilap ang panyo niya upang tuyuin ang damit nito. But it was too late. "Pasensya na!" Napayuko ito. "Ayos lang 'yong sa damit, pero 'yong sa ibaba, mukha akong nilabasan nang walang sa oras nito," pabirong turan nito. Para sa isang sikat na CEO masyadong bulgar ang mga lumalabas sa bibig nito. "Should I buy you clothes," wala sa sariling saad niya dito. Kahit alam niyang baka maubos ang isang buwang sahod niya sa damit pa lang nito. She knew his brand was quite pricey. "I only wear personally tailored pants. Malapit ang bahay mo dito?" Tanong nito na ikinatango niya. "Then let's go. Labhan mo ang damit ko." Wala siyang nagawa nang hilahin siya nito sa basement. Then she find herself riding on his car. "What's the address?" Untag nito. Napakamot na lang na sinabi niya ang adddress niya dito. Naisip na lang niyang kasalanan niya ang nangayari kaya kailangan niyang makisama dito. Wala silang imikan hanggang makarating sila sa apartment niya. "Ikukuha kita ng to---" hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin nang nang walang salitang maghubad ito sa harap niya. Kaya napatalikod na lang niya. "Huwag ka namang maghubad sa harap ko okay," natitilihang saway niya dito. Nagitla pa siya nang hawakan nito ang braso niya saka siya nito pinihit paharap. Kaya't napapikit na lang siya. "Labhan mo na, and make it fast," utos nito, napamulat naman siya. Ganun na lang ang relieve na naramdaman niya nang naka sando at boxer pala ito. "Iniisip mo bang wala akong ibang sout maliban sa mga 'yan?" Mapanuksong saad nito. Dumukwang ito na mas inilapit ang mukha sa mukha niya. "Pumayag ka muna kung gusto mong makita ulit," Paanas na turan nito na ikinaatras niya. Saka mabilis na kinuha ang damit nito. Sabay tumakbo sa maliit niyang laundry area. Halos mapatid ang paghinga niya dahil sinadya nitong idikit nang husto sa tainga niya ang labi nito. Kaya wala sa oras na nahawakan niya 'yon. The scent from his clothes was attracting her kaya parang gusto niyang amuyin ang damit nito. Pero naglaho ang excitement na naramdaman niya nang makita ang lipstick mark sa kuwelyo nang polo nito. "Labhan mo na, mas mabango ako d'yan," dinig niyang sigaw nito na parang alam nito ang iniisip niya. "Assuming ka rin no!" Pabulong na saad niya saka padabog na ipinasok sa washing machine ang mga damit nito. "Hindi pa siya nakontento sa mga babae niya." Asar na monologue niya, ngunit ganun na lang ang gulat niya nang pagharap niya ay naroon ito. "Ako hindi mo lalabhan?" "Gusto mong ipasok kita sa washing machine, Sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD