"MISS ME?" ikinagitla ni Aubrie ng pagbati na 'yon kasabay nang brasong bigla na lang umakbay sa kanya habang nag-aantay siya sa lift. Paglingon niya, she was surprised to see Carter. He looks so casual yet so dazzling. Kaya napangiti na lang siya. "Anong ginagawa mo dito?" Kuryos na tanong niya. Ignoring the hand on her shoulder. "I was here since Tuesday, pero nasa business trip ka raw. By the way congratulation sa promotion mo, I heard about it," anito na ikinakunot noo niya. Hindi niya maintindhihan kung anong sinasabi nito. Nag-aantay na ito sa kanya mula noong tuesday. "Magtatrabaho na ako dito, hindi ko ba nabangit sa'yo. I texted you." Saad nitong tila nahuhulaan ang inisip niya. "You did?" nalilitong tanong niya pero wala siyang natandaang may nakita siyang message mula dito.

