NATIGILAN SI Jax sa tanong nang abuela niya, the heirloom? Lihim siyang napamura. "Ah yes grandma." Sagot niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. "That's good, I want to meet her soon okay." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag. Wala sa sariling napa-upo na lang siya. Sabay hilamos nang mukha. Hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol sa pagkawala nang Alexandrite necklace, the gems itself was already expensive, idagdag pa ang makapal na gold na nakapalibot sa necklace. "Saan ko ba kasi nailagay 'yon." Inis na usal niya. Nabaliktad na niya ang mansyon pati ang pad niya pero hindi niya matagpuan ang bagay na 'yon. Ibinigay 'yon nang abuela niya bilang regalo sa kanya noong 25th birthday niya. Gusto na kasi nitong maghanap siya nang mapapangasawa. But he was too busy having the time

