PROLOGUE

880 Words
PROLOGUE “W-WHAT is your name?” tanong sa akin ng babae. Iyong tinutukoy nila na sikat na singer na hindi lang dito sa Pinas, dahil maging sa ibang bansa ay kilala rin siya. Maganda siya kahit may edad na. Minsan ko na rin narinig ang boses niya at masasabi kong napakaganda nga. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit mas sumikat siya sa music industry. Hindi lang sa pagiging talented niya dahil ika ng karamihan ay may big heart si Eylesse Estrada, mas kilala rin siya kung tawagin na Lesse. Dahil naging sponsor siya ng mga orphanage at saka isa na siyang director ng sarili niyang entertainment. Nakamamangha nga ang kabaitan niya at ang pagiging mayaman niya. Sa katunayan ay kagagaling niya lamang sa Europe. Ilang araw lang siya rito at babalik din naman siya pauwi. Ang alam ko...ay wala siyang pamilya o baka mayroon pero mas pinili niya ang ilihim na lamang. @ “Eysella Romel po,” nakangiting sagot ko sa kanya at kitang-kita ko ang panginginig ng labi niya. Mabilis na namula ang mga mata niya at tila nagbabadya na ang mga luha niya. “E-Eysella Romel,” sambit niya sa pangalan ko at karalgal na agad ang kanyang boses. Nagtataka ako na kung bakit ganito ang naging reaksyon niya nang marinig ang pangalang binanggit ko. Wala naman kasing kakaiba sa pangalan ko, eh. “What’s wrong, Ma’am Lesse?” tanong ni Sir Elton sa kanya. Maski ang mentor ko ay nagtataka na rin sa kanya. Nagiging emotional siya. Hindi siya sumagot at bigla na lamang niyang hinawakan ang mukha ko. Napaatras ako sa gulat at muntik pa akong mawalan nang balanse dahil sa suot kong pumps. Mabuti na lamang ay naalalayan ako ni Sir Elton. “B-Bakit po ba? Ano pong...ano po ba ang problema?” nauutal na tanong ko at tuluyan na tumulo ang mga luha niya. Ang lakas nang tambol sa dibdib ko. “Eysella...” Akmang yayakapin niya sana ako nang may pumigil sa kanya. Hinila ang braso niya at muntik na rin siyang bumagsak sa sahig. “Ang kapal ng mukha mo na yakapin ang pamangkin ko, Eylesse,” malamig na sabi ni Tiya Beth. Siya pala ang dumating at pinigilan si Ma’am Lesse na makalapit sa akin upang yakapin ako. “Bethea...” Sandali lamang... Magkakilala ba sila? Alam ni Ma’am Rose ang pangalan ng Tiya Beth ko at ganoon din siya rito. “Huwag na huwag mong hahawakan ang pamangkin ko,” saad pa ni Tiya Beth. “Tiya... A-Ano po ba ang problema?” kinakabahan na tanong ko dahil ramdam ko ang pagbigay ng atmosphere namin sa paligid. Nagsimulang humikbi si Ma’am Lesse habang nakahawak siya sa kanyang dibdib. Sa kalagayan niya ay parang nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang yakapin para lamang i-comfort siya. “Umalis ka na muna rito, Eysella.” “Po Tiya Beth? B-Bakit po?” naguguluhan na tanong ko. “Huwag ka nang magtanong pa sa akin. Lumabas ka muna rito ngayon din!” sigaw niya sa akin at napaigtad pa ako sa lakas ng boses niya. “Let’s go,” pag-aaya sa akin ni Elton at hinawakan pa niya ang pulso ko. “Pero Tiya Beth... B-Bakit po... Bakit po ba? Kilala po ba ninyo si Ma’am Lesse?” tanong ko sa kanya. “Bakit ba ang dami mong tanong na bata ka?! Umalis ka na muna rito!” “T-Tiya... Huwag naman po kayong sumigaw...” nag-aalalang suway ko sa kanya. “Kaya ayokong umaapak ka sa ganitong lugar, Eysella! Dahil alam ko na may posibilidad na magkikita kayo ng taong ito!” sigaw pa niya at dinuro niya si Ma’am Lesse. “No, don’t you dare! Walang kukuha ng litrato sa kanila!” malamig na sita ni Sir Elton sa production staff nila nang mapansin niya ang kanya-kanya nitong pagtutok ng mga cellphone nila sa amin. “Beth... S-Sorry... I’m so sorry...” “Bakit ka nag-so-sorry sa akin ngayon? Wala ng dahilan pa para mag-sorry ka sa akin! Ang sa akin lang...ay huwag mong subukan na lapitan pa ang pamangkin ko!” Magkagalit ba silang dalawa? Bakit niya pinipigilan si Ma’am Lesse na makalapit sa akin? Bakit? Pati ako ay naguguluhan na sa nangyayari. Gusto kong malaman ang dahilan na kung bakit. Bakit galit na galit ang Tiya Beth ko? “Let’s go, Eyse... Iwanan na muna natin sila,” sabi ni Elton at sabay na hinila niya ako palabas pero napahinto rin kami sa pagsalita ulit ni Ma’am Lesse. “Beth, alam kong isa itong kakapalan ng mukha... Pero hayaan mo naman ako, please! Hayaan mo akong makilala ko man lang ang anak ko!” sigaw nito at parang nagpanting ang tainga ko sa aking narinig. Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ba ako...nagkamali lamang sa narinig ko? Ano raw? Sino... Sino raw ang anak niya? “Sino?! Sino ang anak mo, Eylesse? Nagpapatawa ka ba? Sino ang anak mo na gusto mong makilala?” tanong ni Tiya Beth pero sinabayan pa niya nang mahinang pagtawa. Na parang nang-aasar din siya. “Si... Eysella, Beth... Ang a-anak ko...” “Makapal nga talaga ang mukha mo. Hindi mo anak si Eysella! Wala kang anak na inalagaan ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD