CHAPTER 4

1756 Words
Chapter 4: Keychain ISANG linggo na ang nakalipas simula nang nagkasagutan sina Tiya Beth at Kuya Seb. Nang dahil lang sa akin ay nag-away pa sila. Hindi ko na nakausap pa si Tiya simula noon, saka iniiwasan niya na rin ako. Si Kuya Seb naman ay hindi ko na rin nakausap pa pero alam kong ginagawa lang naman ni Kuya ang gusto kong gawin. Ang sabi rin sa akin ni Kuya Dez ay lalamig din ang init ng ulo ni Tiya at darating din ang panahon na papayagan na ako nito, para makapasok sa Singing Contest. Pero isang linggo na nga ang nakakaraan, eh wala pang nangyayari. Malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Tiya. Mas gugustuhin ko pa yata iyong araw-araw niya akong sinisita. Kasi magkabati kami, hindi ngayon na walang kibuan at galit talaga siya sa akin. Hindi ko pa naman natatagalan ang galit sa akin ni Tiya. Napabuntong-hininga ako at napatingala ako sa itaas. Nandito ako ngayon sa open field at nakaupo sa damuhan. Masarap ang simoy ng hangin dito at medyo tahimik din. Makikita sa open field ang campus ng St. Baguio High School. Kahit pampublikong paaralan lang ito ay maganda naman ang mga silid-aralan at may silid-aklatan din naman kami. Sinukbit ko sa balikat ko ang backpack ko saka ako tumayo. Kung ganito ang kalagayan ko ay dapat may bagay akong ginagawa. Lalo na kung mabigat ang pakiramdam ko. Para gumaan ang bigat sa dibdib ko ay tinungo ko ang music room. Sa halip na pumunta sa cafeteria at kumain ng pananghalian ay tinungo ko ang silid kung saan na alam kong magiging masaya ako roon. Katulad ng inaasahan ko ay walang estudyante sa loob. Malaki ang music room, dahil kompleto lahat ang instrumento nito. Nandoon ang byolin, gitara, piano at iba pang mga instrumento ng musika. Nasa kanang bahagi ang malaking piano. Tatlo ito at nasa kanang bahagi naman ang mga gitara. May mga cord at books para sa musika. Dito kami nag-eensayo sa loob ng music room na ito. At madalas dito rin ako tumatambay. Umupo ako sa isang mataas na upuan na gawa sa kawayan ngunit maganda ang pagkakagawa nito. Inabot ko ang gitara at ipinuwesto ko ito sa kandungan ko. Napatingin ako sa mga kamay ko at nag-iisip kung ano ba ang magandang kakantahin ko ngayon. Oo, marunong akong maggitara. Si Kuya Seb kasi ay hilig niya rin ang magpatugtog ng gitara at tinuruan niya ako noon, siyam na taong gulang pa lamang ako. May interest naman akong matuto at saka, sira na rin ang gitara ni Kuya Seb, dahil may kalumaan na ito. Matagal na kasi niya iyon ginagamit eh. At iyong kapitbahay namin na anak nina Aleng Saly na kaibigan ko rin ay may gitara rin sila. Minsan pumupunta pa ako sa bahay nila para lang manghiram. Kaso nga lang, kailangan ko pang magtago mula kay Tiya at dapat sa mga oras na iyon ay wala akong ginagawa o tapos na ang gawain ko sa bahay. Paano ba naman kasi, ayaw na ayaw ni Tiya ang kumakanta ako at masyado nga siyang mahigpit. Kailangan ay nasa bahay lang ako. Puwede naman akong mamasyal pero limitado rin ang oras ko. Kung minsan din ay kung lumalabas si Tiya ay dapat sa bahay lang talaga ako manatili. Nakalalabas lang yata ako kung pumapasok ako sa eskuwelahan o kung sinasama ako ni Tiya sa palengke. Oo, binabakuran ako ng tiyahin ko. Naiintindihan ko naman kasi na nagdadalaga pa lang daw ako at baka pagpiyestehan daw ako ng kung sino-sinong mga tambay o lasenggero. Lalo na raw sa panahon ngayon eh, marami na ang mga masasamang loob at walang pinipiling tao ang mga ito. Hay naku, masyado lang talagang mahigpit si Tiya kahit napakaimposible namang mangyari iyon. Mababait ang nakatira rito sa amin. Sinimulan ko ang pagpapatugtog ng gitara ko nang may naisip na akong kanta na maaari kong patugtugin at napapangiti na lang ako. "Hey, there's in a look in your eyes. Must be love at first sight. You were just a part of the dream. Nothing more so it seemed. But my love couldn't wait much longer. Just can't forget the picture of your smile. 'Coz every time I close my eyes. You come alive." Napapikit ako nang kantahin ko ang unang stanza ng liriko hanggang sa pangalawa. Napangiti ako nang gumaan ang pakiramdam ko. "The closer I get to touching to you. The closer I get to loving you. Give it a time. Just a little more time. We'll be together. Every little smile. That special smile. The twinkle in your eye. Give it a time. Just a little more time. So we can get closer." Mas gumaan ang pakiramdam ko nang kantahin ko na ang chorus. Ganito talaga ako, madaling napapasaya kung kumakanta ako. Natapos ko na ang kanta ay naroon pa rin ang hatid ng kasiyahan sa puso ko. Para akong dinuduyan sa ere at hindi na napuknat pa ang mga ngiti ko sa labi. Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan ng music room. Kumunot ang noo ko at ibinalik ko ang gitara sa pinaglalagyan nito. Saka dahan-dahang naglakad ako patungo sa nakasaradong pintuan. "May tao bang pumasok, saka lumabas bigla? Pero parang wala naman akong naramdaman na presensya ng isang tao na pumasok kanina sa loob, ah," pagkakausap ko sa sarili ko. Saka isa pa ay sinara ko kaya kanina ang pintuan at imposible naman kung naisara iyon ng hangin. Saka, wala namang multo rito. Iginala ko ang paningin ko sa labas ng music room at wala namang tao pero... Baka sinara nga ng hangin. Lumabas na ako at akmang aalis na sana ako nang may isang bagay ang nahagip ng mga mata ko. Kumunot ang noo ko nang makita ito at kinuha ko ito saka tinaas sa ere. Isang k-key chain? Mikropono at gitara ang key chain na ito. Maganda siya, dahil gawa ito sa kahoy. Iyong tali ng gitara ay kulay itim at iyong mikropono saka gitara ay kulay tsokolate naman. Simple lang siya pero maganda. "Sino naman kaya ang may-ari nito?" tanong ko na naman sa sarili ko at nilisan ko na rin ang lugar na iyon. Tinungo ko ang silid ng 'Lost and found', naabutan ko roon ang Vice President ng campus. "Miss Villar," tawag ko sa vice president at napalingon siya sa gawi ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa 'yo, Eyse?" magiliw na tanong niya sa akin. Maganda si Cynthia Villar, hindi ko alam kung may lahing hapon ba ito o koreano. Basta singkit iyong mga mata niya at matangos ang ilong niya. Natural na kulay pink yata ang mga labi niya at makinis iyong balat niya. Same grade lang kami. Matalino siya at mabait. Sa katunayan nga ay sikat na sikat siya sa buong campus. May banda siya at minsan nagiging extra ako. Hindi ko masasabi na kung magkaibigan ba kami, basta may mga pagkakataon na magkasama kaming tumutugtog. Lalo na kung may mga okasyon sa paaralan namin. Tinaas ko ang keychain ito at binigay sa kanya. "Nakita ko lang ito sa music room, Miss Villar Ibigay mo na lang ito sa may-ari kung sakali man na hahanapin niya at magpunta siya rito," nakangiting sambit ko at sinuri niya ang keychain. Iyong singkit niyang mga mata ay namimilog na, dahil sa gulat? Pero bakit naman siya nagulat? "May problema ba Miss Villar?" nag-aalalang tanong ko at binalingan niya ako. "Itong keychain, Eyse. Pang-souvenir yata ito at kung hindi ako nagkakamali ay nililok ito ng sikat na manglililok na nagmula pa sa Cebu. Hindi ito ang uring cheap na keychain lang, natitiyak kong mahal itong keychain kasi personal na pinagawa ito ng may-ari. Saka...may pangalan," nakangiting sabi niya at pinakita niya sa akin ang pangalan. "Hindi ko napansin kanina," naiiling na sabi ko at binasa ko ang pangalan na nakaukit sa gitara. "7? Hindi naman 'yan pangalan, ah," kunot noong tanong ko. 7 S.E.B, ang nakasulat at my 'Love Cebu' PQ. Hindi ko talaga ito napansin kanina. "Salamat dito, Eyse. Makakaasa ka na maibabalik ko ito sa may-ari," aniya at inilagay sa isang kabinet iyong key chain. "Walang ano man," sambit ko. "Lalaki ang may-ari nito, siya nga pala, Eyse. Bago ko pala makalimutan, may Singing Contest sa Manila, Boses Ng Pilipino yata iyon, interesado ka ba?" tanong niya sa akin at sumeryoso ang mukha niya. "Pag-iisipan ko, sinabi nga sa akin ni Kuya Seb ang tungkol diyan, Miss Villar," sabi ko at ngumiti siya ng malapad. Magsasalita pa sana siya nang may biglang lalaking sumulpot sa kung saan man ito nagmula. "Hello, Miss Vice President," bati ng isang lalaki sa kanya. May kapilyuhan yata ang lalaki at kumindat pa kay Cynthia. Matangkad ito at aaminin kong guwapo ito pero maangas ang dating. "Outsider is offlimits," walang emosyon na saad ni Miss Villar. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Mukhang may love story ang magaganap sa pagitan nila. Napangiti ako sa naisip ko. Hmm, bagay naman sila. Bagay na bagay. "Makasabi ka naman na outsider, ang sakit mo sa puso," anito at dinama pa ang dibdib. Umaakto na nasaktan talaga siya. "Tigil-tigilan mo ako Mr. Roger Sulven Baudelaire, wala akong panahon para sa 'yo," sabi ni Miss Villar at binalingan niya ako. "Salamat ulit dito, Eyse," nakangiti na niyang sambit. Biglang nagbago ang aura niya. Nice. "Oy! May maganda pa pala rito, maliban kay Miss Vice President!" masayang sabi ng lalaki. "Hello, ganda," bati niya sa akin at tipid na nginitian ko na lamang siya at tinignan ko si Miss Villar. Hindi naman ako rude sa ibang tao pero hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Iyon ang isa sa tinuro sa akin ni Tiya. Dapat maging praktikal ako sa mga bagay-bagay na ganito. "Sige, Miss Villar. Aalis na ako, may klase pa kasi ako, eh," pagpapalaam ko at tumango lang siya bilang sagot. "Ang sama ng mga magaganda rito sa Baguio, balewala ang kaguwapuhan ko," dinig kong sabi ng lalaki. "Buti nga sa 'yo," natatawang sabi ni Miss Villar at umiiling na umalis na lang ako roon. Nakasalubong ko naman ang dalawang kaibigan ko na si Janjan at Moneth. "Eyse! Kanina ka pa namin hinahanap!" hinihingal na sabi ni Janjan. Lalaki si Janjan, siya si Januel Antonio at si Moneth Vega. Dalawa lang sila ang kaibigan ko rito at kontento na ako sa kanila. Mabuting kaibigan kasi sila, eh. "Tayo na at may klase pa tayo," sabi ni Moneth at sabay na kaming naglakad papunta sa silid aralan namin at nakalimutan ko na nga ang kumain ng pananghalian ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD