gazed
Chapter 1
Gyung Hee's POV
Sa bilyong-bilyong tao sa mundo may isang darating na nakatadhana sa'yo Sa tamang panahon....Hindi natin batid ang kapalaran subalit kapag ito ang gumawa ng paraan ay magtatagpo at magtatagpo kayo....tulad ng kwento naming dalawa.....
Maingay at matao mula sa kinaroroonan ko.Mga taong nagmamadali upang pumasok sa mga trabaho,mga edtudyanteng papasok sa paaralan.
Mga sasakyang nagdaraan sa kalsada.
Ganito ang buhay ng bawat isa sa araw-araw.
Bumaba ako mula sa kotse ko dahil nahulog ang importanteng bagay na pag-aari ko.....nagmula ito sa pinakaimpotanteng tao sa buhay ko at hindi ako papayag na mawala ito sa akin dahil ito na lang ang tanging meron ako at ala-ala mula sa kanya.
I was about to reach to the other side of the street ng mapansin ko ang isang pamilyar na bulto ng isang tao.Ang taong kahit kailan ay hindi ko kinalimutan at nagawang alisin sa puso ko.
Kumurap-kurap ako at baka imagination ko lang ang lahat.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay naroon pa rin siya at nakatayo nakatitig sa akin na puno ng pagmamahal at pangungulila.
Hindi napakaimposible....bulong ko sa aking sarili.Limang taon na ang nakalipas buhat ng umalis siya at iwan ako.
Pero naroon talaga siya nakatayo at nakatitig lang sa akin.It's him....Pero paano.....bumalik ba siya para sa akin?
Bakit...?Sa anong dahilan at narito siya?
Napaawang ang aking bibig at hindi ko nqpigilang takpan ng aking mga kamay.
Limang taon na ang nakalipas ay naalala ko kung paano kami nagkakilala,ang lalaking nagpabago ng mga paniniwala ko sa buhay.....
He showed me the true meaning of love....he saved me from toxic love that I didn't deserved.
Nasa akin na ang lahat subalit sa likod ng aking matamis na ngiti at sa kislap ng mga camera sa harap ng maraming taong humahanga sa akin ay nagkukubli ang isang matinding kalungkutan.
Ang tanging lalaking nagparamdam sa'kin na palayain ang sarili ko sa mga taong kasangkapan ang tingin sa akin at tanging ang estado sa pagkatao ko ang kanilang minahal at hindi ang totoong ako.
Ang tanging naging tagapagligtas at naging kakampi at karamay ko sa panahong tinalikuran ako ng lahat.....
Devon Christoffel's POV
My life has a lot of secret and mystery...I cursed the world thinking that it turns it's back on me Walang sariling pamilya at palaging nag-iisa.Walang nakakaalam sa tunay kong pagkatao.
My feet brought me to a place where I met someone that will change my perspective.
The first time I saw her she was devastated and betrayed.Full of disappointment and hatred.But it can't hide the soft heart that she have.
Slowly i fell for her even though it's very complicated.
Our short loved story began.Masalimuot at dumaan sa maraming pagsubok.She discovered my secrets and never judge me at all.
She only not give her love but her full heart to me.She's the only woman who showed me the true happiness in life and I am thankful for that.
Five years that was a long time ago when I first met her.....
Nasa kanya na ang lahat....yaman at katanyagan.Isa siyang sikat na mang-aawit at tinitingalang artista.
Adopted child siya nina Yaseer at Trinidad Beenhower.
Dalawang buwan ay ikinasal siya sa lalaking gustong-gusto niya.
Howard Visser a multi-tycoon and gorgeous businessman in town.
Women envied her for being the wife of the hot young billionaire.
But Howard didn't love her from the start and she knows it already at tanggap niya ang masakit na katotohanan pero nagpakasal pa rin siya rito sa kanila ng babala ng mga kaibigan niya. ....he only marry her to used her parent's influence and wealth to expand his businesses.
Umasa siyang darating din ang araw na matutunan siyang mahalin nito.
But her fairy tale marriage seems turns out to be a nightmare.
Pauwi na siya sakay ng kanyang kotse, kakatapos lang noon ng kanyang shooting.Excited siya dahil tinawagan siya ni Howard for a dinner date.
Sa kabila ng malamig nitong pakikitungo sa kanya ito ang unang pagkakataon na niyaya siya nito ng date.
Two months na silang kasal but still she's a virgin wife....Hindi pa siya ginagalaw ng kanyang asawa.
Naisip niyang ito na ang magiging simula ng maganda nilang pagsasama ng kanyang asawa.
Napangiti siya habang minaneho ang kanyang sasakyan.Sa wakas binigyan din siya nito ng atensiyon.
Subalit nawalan ng kulay ang kanyang mukha ng mapansing hindi gumagana ang preno ng kanyang sasakyan!
Nagpanic siya at hindi alam ang gagawin..!nawawalan na siya ng control sa sasakyan at deretso lang ito sa pagtakbo!
Anong gagawin ko?!naiiyak niyang tanong sa sarili.
Mukhang dumating na ang katapusan niya!Tuluyan siyang nawalan ng preno at mahuhulog sa bangin ang sasakyan niya!iyon na ang huling natatandaan niya bago siya mawalan ng malay.
Masayahin at energetic,mapagmahal na asawa at anak ayon sa mga nakakakilala sa kanya.
Nag-luluksa ang buong bansa sa biglang pagpanaw ng sikat na artistang si Gyung Hee Benhoweer Visser.
Kami nay nakikiramay sa nagdadalamhati niyang asawa na si Howard Grim Visser at mga magulang na sina Mr.And Mrs.Beenhower sa maagang pagkamatay ni Gyung Hee.
Dinagsa din ng maraming tagahanga ang burol ng aktres na gustong makiramay sa huling sandali.
Ang galing mo talagang umarte.....bulong ni Gisselle.Habang nakatayo sila sa abo ni Gyung Hee.Siguradong hindi magtatagal mapapasayo na ang lahat ng joint assets niyo....
Shut up your mouth....this is not the right place to talk about it....saway niya sa babae.
Oops sorry....tingin pala sa'yo ng lahat ay isang ulirang asawa na nag-luluksa.
Giselle!baka marinig ka nina mama at papa!
Oo na....inirapan siya nito at lumayo sa karamihan.
Lihim siyang napangiti habang nakatitig sa larawan ng yumaong asawa.
Sa wakas makakalaya na siya sa pesteng kasal nila.
Rest in peace honey .....hope your happy wherever you are now....
Howard....nakikiramay kami sa'yo Hijo.....
Lumingon siya at pinalungkot ang mga mata.
Thank you....
Mr.Mrs.Salcedo....nakipagkamay siya sa mga ito.
Hindi.....buhay pa ako....naluluha niyang sambit habang nakatingin sa telebisyon.
Hija huminahon ka....Hindi pa ito ang tamang panahon para lumantad ka..
Dalawang linggo na mula ng mangyari ang aksidente.May nakuhang bangkay ng babae mula sa kotseng nahulog at sumabog sa bangin.
Ayon sa DNA ay match sa kanya.
Nagtataka siya kung paano ito nangyari.
Wala siyang matandaan sa mga nangyari.
Ayon sa kumupkop sa kanya ay may isang lalaking nagligtas at nagdala sa kanya dito.
Sinabi ng binatang yon na huwag ka muna daw palalabasin.....nanganganib ang buhay mo hija.....
A-ano pong ibig niyong sabihin?naguguluhang tanong niya.
May gustong magpapatay sa'yo.....