KABANATA ISA

3170 Words
Kabanata Isa: Hindi Talaga I didn’t like him at first. “Lei, anong sched mo ngayon?” Nakangiting tanong ni Marga sa akin. “MWF, ikaw ba?” Sumimangot siya bago sumagot, “TTHS ako! Ano ba naman ‘yan, wala man lang tayong magkaparehas na sched.” Summer ngayon ngunit nandito kami sa Burlington University dahil kuhaan ng schedule para sa mga incoming 3rd year college. Parehas kami ng course ni Marga pero magkaiba kasi kami ng section kaya magkaiba rin ang mga araw ng klase namin. “Okay lang ‘yan, Marg. Malay mo, parehas naman kayo ng sched ni Inori,” sambit ko para pagaanin ang loob niya. First time namin ito na wala kaming magkaparehas na araw ng klase kaya naman inis na inis siya. Ayos lang naman iyon sa akin ngunit alam kong hindi iyon okay para kay Marga. Gusto niya kasi na palagi kaming magkasama at wala siyang ibang kaibigan bukod sa aming dalawa ni Inori. Speaking of Inori, nasaan na kaya iyon? “Nasa’n na ba si Inori?” pasigaw kong tanong. Masyadong marami ang mga estudyante rito sa kinaroroonan namin kaya kailangan ko pang lakasan ang boses ko para marinig ako ni Marga. “Hindi ko rin alam, nandito na raw ba siya?” tanong din ni Marga sa akin. Umiling ako. “Hindi ko alam. Hindi siya nag-text sa akin, sa’yo ba?” “Hindi rin, eh.” Umiling din siya. We sat down on the bench first. Tapos na naming kunin ang mga schedules namin ngunit wala pa rin si Inori rito. Hindi rin siya nag-text, makapupunta kaya siya ngayon? “Boo!” Muntikan na akong atakihin sa puso nang may gumulat sa akin mula sa likod. Nang tignan ko si Marga ay nanlalaki rin ang mga mata niya habang nakatingin sa likod naming dalawa. “Inori naman! Kailangan ba talagang manggulat?!” Sigaw ni Marga. Tumawa lamang si Inori sa naging reaksyon ni Marga. Ako naman, tahimik lang na pinapanood sila at naghihintay na sumagot si Inori kay Marga. I’m very fond seeing them bicker with each other. Madalas akong makisali sa kanila pero naghihintay ako ng tamang tiyempo para magsalita. Inori gave me the name ‘savage Leila’ because according to her, I am her savage friend. “Effective pala ‘yung panggugulat ko?” Umangat ang tingin ni Inori sa langit bago muling nagsalita, “Akala ko kasi hindi eh.” I laughed out loud as I watched Inori think about what she did a while ago. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid kaya siguro ganito siya at mas matanda rin kaming dalawa ni Marga sa kan’ya ng mga ilang buwan. “Ewan ko sa’yo, Inori.” Napairap si Marga bago dugtungan ang kan’yang sinasabi, “Ano nga pa lang schedule mo?” Ngumisi si Inori. “TTHS! Sinong TTHS sa inyo?” Napatili si Marga nang sabihin iyon ni Inori. Ako naman, bumuntong hininga na lamang ngunit ngumiti rin dahil masaya ako para sa kanilang dalawa. Palagi silang magkikita. “TTHS din ako!” masayang sigaw ni Marg. Nagtatatalon sila dahil sa tuwa. Ngumiti lang ako sa ginagawa nila dahil hindi naman ako maka-relate. MWF ang schedule ko at ako lang ang naiba sa aming tatlo. “Ikaw Lei, anong sched mo?” Lumingon sa akin si Inori. “MWF ako,” mahina kong sagot. Nag-iba ang itsura niya pagkatapos kong sabihin iyon. Mula sa masayang aura ay naging gloomy ito at bumagsak din ang kan’yang mga balikat. Tumawa ako nang bahagya dahil sa naging reaksyon niya. “Aw, hindi tayo pare-parehas ng sched,” malungkot niyang sambit. Tumango ako sa kan’yang sinabi. “Okay lang ‘yan, malay mo next sem magsabay na ‘yung mga schedule natin.” Tumango siya ngunit bakas pa rin sa kan’yang mukha ang lungkot. Well, this isn’t a big deal for me, though. Okay lang sa akin kahit hindi ko sila kaparehas ng schedule. Siguro naman, maka-su-survive naman ako nang hindi sila kasama. “Ah, alam ko na! Pupuntahan ka na lang namin kapag wala kaming gagawin sa araw ng klase mo…” Tumango ako sa sinabi ni Inori, pumapayag sa gusto niyang gawin. Okay din siguro iyon, para magkikita-kita pa rin kaming tatlo. “Ako rin, pupunta rin ako kapag walang gagawin sa araw ng klase ninyo,” sambit ko. Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan bago nila napagpasiyahang umalis na. Ako naman, I went to the food stalls located inside the campus dahil nakaramdam ako ng gutom. Nag-iisip ako ng bibilhin na pagkain nang may kumalabit sa aking balikat. Lumingon ako sa aking likod dahil doon nanggaling ang kumalabit. I saw one of my block mates and a tall man tailing on her back. Naagaw ang atensyon ko ng lalaking kasama ng ka-blockmate ko noon. I know him, he’s also taking up Psychology ngunit hindi pa kami nagiging magkaklase kahit kailan. I just know him because he’s a varsity player and a dean’s lister. One more thing, he is a silent type playboy. Hindi ko alam kung mayro’n bang gano’ng klase ng playboy but I have named him as the silent type dahil hindi mo malalaman na nakikipag-flirt na pala siya sa isang babae kung hindi mo babantayan ang mga galaw niya. Oh, I’m not saying that I’m watching his every move, huh! Iyon kasi ang usap-usapan. Hindi ko nga lang alam kung alam din ba iyon nina Inori at Marga. Bet they don’t know this guy because Inori is busy crushing on one of the professors here in the school and Marga, is just simply busy with herself. Kumunot ang noo ko nang makitang kasama ng ka-blockmate ko noon ang lalaking ito. Hindi ko na naiwasang mapangiwi nang makitang nakahawak sa baywang ni Tina—iyong sinasabi kong ka-blockmate ko noon—iyong lalaking nasa likod niya. Hindi ‘ata napansin ni Tina ang pagngiwi ko, dahil nang mag-angat ako ng tingin sa kan’ya, nakangiti naman siya sa akin. “Anong sched mo?” masayang tanong niya. Umangat pa ang tingin ko sa lalaking kasama niya bago ko siya tinignang muli. Ipinakita ko ang registration form na hawak ko. “MWF.” Nanlaki ang mga mata ni Tina at umangat ang tingin sa lalaking kasama niya. “Classmate ka pala namin!” maligayang sambit niya nang makita ang registration form ko. I wanted to roll my eyes but I stopped myself. Hindi ko alam kung anong nakatutuwa na magkaklase kaming tatlo. Eh hindi ko naman siya ganoon ka-close, lalong-lalo naman ang lalaking kasama niya. “By the way, Lei, this is Bryan.” Malaki ang ngiti ni Tina sa akin nang sabihin niya iyon. I know he’s Bryan. She didn’t need to tell me that. Almost everyone knows him. Sino ba namang hindi, every girls in our course are crushing on him… maliban sa akin, kay Inori, at kay Marga. Byran is a tall, lean, and not-so muscular man. Tama lang ang built ng katawan niya para sa kan’yang edad. I bet he’s 19 or 20 right now, I’m not sure. One thing I noticed about his face is his expressive eyes. He looks at everyone with admiration in his eyes, lalo na sa mga babae. His nose, hindi sobrang tangos at hindi rin naman pango. His nose is perfect fit on his face. Lastly, the curve of his jawline is something that I like the most about him. Mapanga, ngunit hindi nakaaasiwang tignan. I may be describing his physique, but I don’t like him. Hindi siya ang tipo ko, hindi ako mahilig sa mga playboy na kagaya niya. I like men who’s silent and loves reading books about the personality of a person. Iyon din kasi ang hilig ko. “Nice to meet you,” wika ni Bryan. Umangat ang tingin ko sa kan’ya at tumango ako. Hindi ako ngumiti dahil hindi naman kami close para ngitian ko pa siya. “Sige, mauna na kami, Lei. See you sa first day!” Tina waved goodbye before pulling her boyfriend. Pinasadahan ko pang muli ng tingin si Bryan at nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa akin. Naglakad na ako paalis at tinanggal sa isip ko ang mga tingin niya kanina. I immediately forgot what happened that day. Nawala sa isip ko ang lahat ng nangyari dahil hindi naman iyon mahalaga para sa akin. Well, that’s what I thought. “Good luck sa first day, Lei!” Tumawa ako sa sinabi ni Inori. We’re video calling right now. Nasa video call din si Marga ngunit nawala siya sa screen dahil may inaayos ‘ata siya. “Para namang first year college pa lang tayo, third year na ho ako, ano.” Tumatawang sagot ko kay Inori. Sumimangot siya sa akin at nag-pout pa. “Hindi na lang mag-thank you, eh.” “Eh ‘di, thank you.” Ngumisi ako. Ngumisi rin siya at parehas kaming natawa dahil sa naging usapan namin. Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa aking first class. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa. 6:45 am pa lang at 7 am pa ang start ng mga klase. “Good luck din sa inyong dalawa bukas.” Pahabol kong sambit. Tumango si Inori at saktong kauupo lang ni Marga sa upuan. I bet she’s using her laptop. “Thanks, Lei!” I ended the call when I got in front of the room of my first class. Ang akala ko, ako ang unang nakarating ngunit nagulat ako nang makitang may mas nauna pa pala sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang lalaki iyon, and he’s holding a personality development book! Hindi ko alam ang pangalan niya ngunit namumukhaan ko naman ang itsura niya. Hindi ko alam kung kaklase ko rin ba siya, o pumasok lang siya rito sa classroom namin dahil ito lang ang hindi naka-lock na room? Kanina kasi, puro naka-lock ang lahat ng mga nadaanan kong room dahil maaga pa. I was standing at the door when the man that was holding my favorite book looked up from the book he’s reading. Napatayo siya at bahagya akong naalarma dahil doon. “O-Oh, I-I’m sorry, dito ba ang classroom mo?” tanong niya. I didn’t know him. His face wasn’t the most handsome face I’ve ever seen, but seeing him reading my favorite book got my attention! Based on how he reacted, I bet he is not my block mate… Medyo nalungkot ako dahil doon. Marahan akong tumango sa kan’yang tanong. “Aren’t you my block mate?” “H-Hindi,” sambit niya at tumuro sa kan’yang likuran. “Sa kabilang classroom ako, s-sarado pa kasi kaya rito na muna ako pumasok…” Tumango ako ngunit hindi na napigilan ang pagbagsak ng aking balikat. I wish he is my blockmate, though. I think we will vibe with each other, and pakiramdam ko, gusto ko na siya kahit ngayon lang kami nagkita. “S-Sige, l-labas na ako.” Itinuro niya ang labas ng pintuan. I panicked when he took a step, hindi ko pa nakukuha ang pangalan niya! “What’s your name?” I ask, sounding desperate. Lumingon siya sa akin at matagal bago siya nagsalita. Hindi ko tuloy alam kung ano bang iniisip niya. Ayaw niya bang ibigay ang pangalan niya sa akin? “I-I’m Pio…” Finally, he spoke. Napangiti ako nang mapagtantong medyo nahihiya siya. “I’m Leila Romero! Nice meeting you, Pio.” I enthusiastically said. There are two doors in each classroom. I’m standing on the main door while Pio is on the back door, standing like a statue while looking at me. Gusto ko siyang lapitan ngunit nagdadalawang-isip ako dahil baka bigla na lamang siyang tumakbo paalis. His posture tells me that he is very ready to go if I make a move to go near him. “N-Nice meeting you,” sambit niya at dali-daling lumabas ng room. See, that’s what I’m saying. Bumuntong hininga ako at umupo sa pinakadulong row at pinakadulo ring upuan, katabi ng bintana. I don’t want to be the center of attention that’s why I chose this seat. I can’t stop thinking about the guy I met a while ago. Dahil sa kakaisip ko sa kan’ya, hindi ko na napansin na pangalan niya na pala ang sinusulat ko sa notebook na inilabas ko kanina. I smiled when I saw his name on my notebook. “He’s cute,” I whispered. 15 minutes passed at isa-isa nang nagdatingan ang mga bago kong kaklase. I am watching them as they enter the room. Isa lang ang kakilala ko sa kanila at iyon ay si Tina. The rest, hindi ko na kilala. “Hi, Lei! Ang aga mo, ah?” Nakangiting bati sa akin ni Tina. She put her bag on the chair beside me and I immediately realized na uupo siya sa tabi ko. Gusto ko sana siyang sabihan na ayaw ko nang may katabi ngunit itinikom ko ang bibig ko. I don't want to be rude on the first day. I only smiled and didn’t answer her question. She’s about to say something to me ngunit dumating na ang prof para sa first class namin kaya hindi na iyon natuloy. Tumayo kami para batiin ang aming prof ngunit pinigilan niya kami. Hindi na raw namin kailangang bumati sa kan’ya. “Okay, I’m Linda Arones, your Experimental Psychology prof until the end of the semester. We’ll only have an introduction for today so I want you to introduce yourself, let’s start at the back,” sambit ng aming prof. I am at the back so I am the first one to introduce myself. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan bago nagsalita. “I’m Leila Romero—” I was interrupted when someone knocked on the door. Napatingin kaming lahat doon at isang matangkad na lalaki ang hinihingal na nakatayo sa harap ng pintuan. Kapag sinabi kong matangkad na lalaki, si Bryan na agad iyon. “Are you from this class?” Ms. Linda asked. I crossed my arms as I watched him struggled to speak up. Bumaba ang tingin ko kay Tina at nakitang hindi siya nakatingin doon, sa halip ay nakayuko lamang siya. “Yes, Ms. I’m sorry I’m late.” Hinihingal na sambit ni Bryan. “Next time I won’t accept latecomers, okay? You may come in.” I heard my classmates’ gasps and awes as they watched Bryan come inside our room. Isa na lang ang bakanteng upuan at sa tabi iyon ni Tina. I mentally rolled my eyes dahil alam ko na agad ang mangyayari ‘pag sila ang naging magkatabi, baka maglambingan lang sila. Paniguradong maririndi ako sa kanila. My supposedly peaceful semester won’t be peaceful anymore because of them. That’s what I thought. Because when Bryan got settled on his seat, hindi man lang sila nagpansinan ni Tina. I don’t know what happened to them and I don’t care about it. Inalis ko sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa. Typical morning for the first day. Ito ang pumasok sa isip ko pagkatapos ng 2 subjects na wala man lang nangyari. Puro introductions lang ang ginawa namin ngayon dahil first day pa nga lang. Last subject na at tapos na ang klase ko para sa ngayong araw. I was walking down the corridor, finding the man I met this morning. Si Pio ang sinasabi ko. Napangiti ako nang maalala na naman siya. Ang sabi niya, sa kabila lang daw ang classroom niya ngunit wala namang nagklase sa room na ito. Madilim at walang mga bag na naiwan kaya sigurado akong hindi nagamit itong classroom. Kung ganoon, saan kaya ang room niya? Nasa tapat lang ako ng pintuan ng classroom na sinabi ni Pio kanina at hindi ako pumapasok kahit na bukas naman ito. Ayaw kong pumasok dahil madilim at parang may kakaiba akong nararamdaman sa loob ng room. I am turning my back when I heard a moan coming inside of the room. Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang pumihit muli paharap sa loob ng classroom. Is this why I have an unusual feeling in this room? Because something is happening here? Nilakihan ko ang mga mata ko para makita kung sino ang nasa loob. What the hell is this? This is so gross! Also, it’s just the first day of the school year and I already witnessed something like this! Kailangan kong makita kung sino ang nasa loob, isusumbong ko sila sa guidance. What they are doing is an immoral act! Hindi ba sila makapaghintay at hindi ba p’wedeng outside school premises na lang nila ito gawin? The moaning sounds are still there but I still can’t see them. Nilakihan ko pa lalo ang mga mata ko at unti-unti ko nang naaninag kung anong nangyayari sa loob nitong classroom! I haven’t been nosy all my life, ngayon lang! On the middle of the room where the darkest part is, nalaman ko kung bakit may ungol akong naririnig. It’s because of a guy and a girl who’s eating each other’s faces! Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang pagkuha ng babae sa kamay ng lalaki para ilagay ito sa kan’yang dibdib! What the f**k! Gusto kong tumalikod ngunit hindi ko magawa lalo na no’ng umungol ulit iyong babae nang bumaba ang mga halik no’ng guy sa kan’yang leeg! Why am I having a bad feeling about this? Why am I thinking that I know who the guy is? Akala ko, iyon na iyon at wala nang susunod pa. But the most embarrassing sight is yet to come! I lose it all when the guy slipped his hand in the girl’s skirt! “What the…” I whispered. Ako na ang sumuko dahil sa aking nakita. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila dahil gusto kong makita ang kanilang mga mukha ngunit hindi ko na ‘ata kakayanin pang manood! “I love you, Bryan…” Patalikod na sana ako nang marinig ko iyon. Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang marinig ang pangalang iyon. I knew he’s a playboy… But why he’s doing it inside the school?! At sino ‘yung kasama niya sa loob? Is that Tina? O ibang babae? Kung ibang babae iyon, is he cheating on Tina, then?! Gusto kong pumasok at pigilan sila sa kanilang ginagawa ngunit ayaw kong maging pakialamera. Hindi ko ugali ang manghimasok sa buhay ng ibang tao, lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon! As I looked at them again, my eyes met his. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumalikod para umalis. My cheeks were hot while I am walking down the hallway. Dire-diretso akong naglakad habang iniisip ang mga nakita kanina. Yes, he’s hot, handsome, and a total package I may say. But I can’t digest what I just saw! That will probably haunt me every night and I’m not ready for that. I’m not that innocent and I know what they did. Pero hinding-hindi ko iyon gagawin sa loob ng school! One thing is for sure, hindi ko magugustuhan si Bryan. Hinding-hindi. Hindi talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD