KABANATA DALAWA

2219 Words
Kabanata Dalawa: Girlfriend “Oh my gosh!” Sigaw ko nang may humila sa aking braso. Hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng mga nakita ko kanina kahit na malayo na ako sa classroom na iyon. Pababa na ako ng hagdan at sisigawan ko na sana ang humila sa braso ko ngunit nang makita ko kung sino iyon, umatras ang dila ko. My eyes widened in shock and horror. I didn't expect that he will follow me! Ang akala ko, hahayaan niya lang ako! Hindi ako madalas na makaramdam ng takot, ngayon lang at dahil iyon sa lalaking kaharap ko ngayon. The person who pulled me on the arm was the man I saw doing something gross and unacceptable inside the classroom! “A-Anong kailangan mo?!” Halos sigawan ko na siya kung wala lang dumadaan sa hagdanan kung nasaan kaming dalawa. I don't know why I am feeling afraid right now, eh kaharap ko lang naman siya. Isa pa, hindi dapat ako ang makaramdam ng takot dahil hindi naman ako ang gumawa ng masama sa loob ng classroom na iyon! So, why do I feel like this? He did something wrong but I still can't stop myself from complimenting him. As I looked at him, I noticed how his disheveled hair and his slightly crumpled shirt were so fascinating in my eyes. Umiling ako at nag-iwas sa kan'ya ng tingin. Ano ba, Lei! Nakuha mo pa talaga siyang purihin! I named him as a silent type playboy at ngayon, hindi ko na alam ang dahilan kung bakit ko sinabi iyon. Hindi ko naisip na wala naman pa lang ganoong klaseng playboy dahil lahat sila, pare-parehas lang na maraming babae! “Tell me what you saw,” he said with an authoritative voice. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Aba't?! Sino siya para pagsalitaan ako na para bang mas nakatataas siya kaysa sa akin? Eh, parehas lang naman kaming 3rd year college! Take note, we're also classmates! “E-Excuse me? H-hindi ko alam ang sinasabi mo!” I don't know why I'm stuttering but one thing is for sure, sobrang kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. He smirked. Pumungay ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang na-hypnotize ako ng kan'yang mga mata. “Leila, right?” Tumango ako, hindi ko naintindihan kung anong tinanong niya ngunit tumango pa rin ako. His eyes… Ang ganda ng mga mata niya. Ang mga matang iyon ang pinakamagandang mga mata na nakita ko sa buong buhay ko. Ang bilog ng kan'yang mga mata ay purong itim. Maamo na sana ang itsura niya kung hindi lang dahil sa kan'yang mga kilay na makakapal at halos magkasalubong na. Ngunit bagay pa rin naman sa kan'yang mga mata ang hugis ng kan'yang kilay. “I wanna ask you something…” mahina ngunit may diin niyang sambit. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang hinihele ako ng kan'yang boses? Hindi ako tumango sa kan'yang sinabi ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. “What did you see inside the classroom?” mariin niyang tanong. Bigla na lamang nagliyab ang kan'yang mga mata. Well, not literally but that's what I saw and that's when I got back to my senses. Kumunot ang noo ko at halos itulak na siya palayo sa akin. Hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng kan'yang mukha sa akin at medyo naka-bend ang kan'yang katawan papunta sa direksyon ko. Bumuntong hininga ako. “You f****d someone in that classroom.” walang pag-aalinlangan kong sambit. Para saan pa at bakit ko ililihim sa kan'ya ang nakita ko? Sa itsura niya, mukhang hindi siya natatakot na isumbong ko siya. That look on his face is telling me that he's not afraid of anything… “You just said you didn't know what I'm talking about,” he said and chuckled. Napairap ako sa hangin bago siya muling tinignan, “I saw it, okay. Are you happy now?” “Are you going to tell this to everyone?” he smirked. I scoffed. Bakit ko naman sasabihin iyon? First of all, wala akong pakialam sa buhay niya at wala akong pakialam sa kung sino mang babae ang naroon sa classroom. “Hindi ako chismosa,” sagot ko. He smiled. The genuine smile. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtitig sa kan'ya habang nakangiti siya nang ganoon. “Then, good,” he answered and tapped my head gently. Gusto kong pumikit dahil sa ginawa niya. Ngunit tinampal ko ang kan'yang braso na nasa aking ulo. Leila, umayos ka nga! Bakit ba gan'yan ang iniisip mo? The man you're talking to is a playboy! “But, can you please? If you're horny, don't do it here inside the school.” pangaral ko sa kan'ya. He chuckled and let out a breath. “Where do you want me to do it, then?” Lumikot ang mga mata ko. Bakit sa akin niya itinatanong? “E-Ewan ko sa'yo! B-Bakit ako ang tinatanong m-mo?” Shit. Nauutal na naman ako at ayaw ko nang ganito. “Do you want to do it with me?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natulala ako nang ilang minuto bago napagtanto kung anong ibig sabihin noon. When I fully realized what he said, I slapped him, hard. “B-Bastos!” sambit ko at tinalikuran siya. Naririnig ko pa ang tawa niya sa aking likuran. Binilisan ko ang paglalakad ko para makalayo na sa kan'ya ngunit narinig ko pa ang huling sinabi niya bago ako nakalayo. “If you don't want to be my f**k buddy, then, do you want me to be your boyfriend?” halos pasigaw niyang sambit dahil medyo malayo na ako. Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. “Lei, okay ka lang ba?” Napatingin ako sa harap ng monitor ng aking pc nang marinig ang boses ni Inori. We're currently on a video call again dahil gusto nilang itanong kung kamusta raw ba ang first day ko. Nasa video call din si Marga. Tumango-tango ako at ngumiti. “O-Oo naman, bakit?” “May tinanong sa'yo si Marga kanina pa pero hindi ka naman sumasagot…” Pinilit kong matawa, “A-Ah. A-Ano ba 'yong tanong mo, Marg?” “Tinatanong ko kung may nakilala ka bang gwapo sa class mo ngayong year? Malay mo iyon na ang maging forever mo.” Ngumisi pa si Marga pagkatapos niyang sabihin iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang si Bryan agad ang unang naisip. Mabilis akong umiling at inalis sa isip ko ang mukha niya kanina. I looked at the notebook on my table and I saw the name I wrote this morning… si Pio. Napangiti ako at sinagot ang tanong ni Marga. “May nakilala ako, pero hindi ko siya kaklase…” Nanlaki ang mga mata nina Marga at Inori, si Inori na kumakain ng ramen ay natigil. “Sino? Gwapo ba? Baka iyan na 'yung forever mo, Lei!” excited na sambit ni Inori. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang magka-boyfriend na ako. Wala namang problema sa akin kung magkakaroon man ako ng boyfriend pero hindi iyon ang priority ko sa ngayon. Hindi rin ako naghahanap dahil gusto ko, siya ang makahanap sa akin. “Parehas kami ng hilig…” iyon ang tanging nasambit ko. Si Pio ang pinag-uusapan namin ngunit si Bryan ang iniisip ko. Hindi ko maintindihan. Paulit-ulit akong umiling. “Oh, ba't ka umiiling d'yan?” rinig kong sambit ni Marga. Umiling ako at ngumiti. “W-Wala naman…” It's already evening. Wala akong pasok bukas kaya heto ako at nakikipag-usap pa rin kina Marga at Inori. Silang dalawa ang may pasok bukas pero nakikipagdaldalan pa rin sila sa akin. I checked the time, 10:04 pm. Hindi ba napapagod kakadaldal itong dalawang 'to? May mga sinasabi sila tungkol kay Pio ngunit hindi ko iyon maintindihan. Lalo na noong tumunog ang notification ko sa i********: at f*******:. Kumunot ang noo ko tinignan kung ano ang laman ng notification. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang friend request at follow request iyon mula kay Bryan! Naka-private kasi ang i********: account ko kaya kailangan pa niyang mag-request para ma-follow ako. “Hindi pa ba kayo matutulog?” sambit ko. May sinasabi pa sila nang tanungin ko iyon kaya naputol ang mga k'wento nila. I sweetly smiled. “May pasok pa kayo bukas, matulog na kayo.” dugtong ko pa. Bumuntong hininga sila parehas ngunit sa huli ay sumuko rin naman. I ended the call. 'Pag tumawag sila ulit mamaya sa group chat namin, hindi na ako sasagot. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang itinututok ang arrow sa 'confirm' button dito sa friend request ni Bryan. Natigil lang ako nang may napagtanto. “Why would I accept him?” tanong ko sa aking sarili. Tama, ba't ko siya kailangang i-accept? We're not friends and we're not even close! Saka, baka kapag in-accept ko siya, mag-message naman siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang meron ng message request mula kay Bryan! What the hell? Bakit siya nag-chat sa akin?! I panicked inside my room. Napatayo ako mula sa kinauupuan at pinaypayan ang sarili. My room is air conditioned but I don't know why I feel so hot right now. Natigil lang ako nang may napagtanong muli. I think I'm crazy right now. Anong nangyayari sa akin? Bakit ako kinakabahan? Wait, let me rephrase my question, bakit ako kinakabahan kung nag-chat man sa akin si Bryan? Ano naman, Lei? I checked his message request. He won't know that I checked his message request for me if I won't accept it, right? Bry Marquinez Hi, girlfriend. My mouth formed an 'o' after I read the message. He even added a wink emoji on his chat! The guts of this man! Also, ano raw? Girlfriend? Kailan niya ako naging girlfriend? Kailan ako pumayag na maging girlfriend niya? It's just the first day of school, for goodness' sake! Hindi ko nga siya ka-close, eh! Tapos gusto niya girlfriend pa? Once a playboy, always a playboy nga talaga. I logged out on my f*******: and i********: account. Hinayaan ko lang ang friend request niya at ang follow request niya sa akin. Hindi ko rin in-accept ang message request niya, manigas siya riyan! When the morning came, roon pa lang ako nakatulog. Hapon na tuloy ako nagising. Actually, hindi pa nga ako magigising kung hindi lang pumasok si kuya Lau sa k'warto ko para gisingin ako. “Anong oras ka ba natulog, ba't hapon ka na nagising?” tanong niya pagkaupo ko pa lang sa sofa. Umiling ako at nagkusot ng mga mata. “Kaninang umaga lang ako natulog.” “First day of school pa lang ah, ano bang ginawa mo kagabi?” Nakapikit ako habang nakaupo rito sa sofa ngunit napadilat din bigla nang may maalala. I quickly checked my phone at tinignan agad ang messenger. Gusto ko lng malaman kung nadagdagan ba 'yung chat ni Bryan sa akin. Nadagdagan nga! Bry Marquinez From now on, you're my girlfriend. Good night, girlfriend. There's a red heart emoji on the end of his chat. Mahilig ba talaga siya sa emoji o ano? Pero teka nga, bakit iyon pa ang mas iniisip ko? Dapat ay mas isipin ko ang mga chat niya! I groaned when I realized what he was saying. “Sino 'yan, Leila?” Kuya Nicolau's thunder voice was heard inside the living room. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakadungaw siya sa aking phone habang nakakunot ang noo. Pinatay ko kaagad ang ilaw ng phone ko ngunit pakiramdam ko ay nakita niya na iyon. “May manliligaw ka na? Boyfriend mo na?” sunod-sunod ang mga tanong ni kuya. Mabilis akong umiling, “Kuya, no! He was only tripping…” Mas lalong kumunot ang noo ni kuya Lau. Napapikit ako nang mariin. Sabi ko na nga ba, mali ang sinabi kong iyon. “So, trip ka lang no'ng lalaking iyon?” Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang tamang isagot sa tanong na iyon. Kapag sinabi kong oo, trip lang ako ni Bryan, siguradong magagalit siya… kapag sinabi ko namang boyfriend ko nga talaga si Bryan, mas lalo lamang siyang magagalit! Ugh, hindi ko na alam! “Ipakilala mo sa amin 'yang boyfriend mo na 'yan, Leila. Kikilatisin namin 'yan ni Papa at ni Lucas…” Nanlaki ang mga mata ko at wala nang nagawa kung 'di ang tumango. Knowing my kuya, hindi na niya papakinggan ang kahit ano pang sasabihin ko, kaya ano pa bang magagawa ko? I wanted to explain so I tried. But, kuya Lau shut me off nang umakyat na siya sa kan'yang study. Kuya Nicolau is my eldest brother while Kuya Lucas is my second brother. Ako ang bunso sa aming magkakapatid kaya naiintindihan ko ang pagiging over protective nila sa akin. Lalo na si papa na baby pa rin kung turingin ako. Paano ko ito sasabihin ngayon kay Bryan? Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko ito inaasahan. I planned to live a peaceful life in my 3rd year college ngunit mukhang hindi na mangyayari iyon ngayon... Bakit ba kasi kailangan na ako pa ang makakita sa ginagawa ni Bryan at ng babae niya sa classroom na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD