KABANATA TATLO

2718 Words
Kabanata Tatlo: Rules It was my nth time sighing today. Tinignan ko ang orasan at nakitang 6:45 pa lang ng umaga. Miyerkules na ngayon at may pasok na ulit ako kaya nandito na ako sa school. Maaga ulit ako sa klase and I am silently praying Bryan to come here early. Gusto ko siyang makausap dahil kinukulit na ako ng mga kapatid ko. I was shocked when kuya Lucas got home yesterday, ang boyfriend ko kaagad ang itinanong niya sa akin. “Nasa’n na ‘yung boyfriend mo, Lei?” Kunot ang noong tanong ni kuya. Kumunot din ang noo ko dahil noong una, hindi ko pa naintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero no’ng napatingin ako kay kuya Lau, roon ko napagtanto ang sinasabi ni kuya Lucas. Bumuntong hininga ako. Paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi ko iyon boyfriend? Eh, kung sabihin ko na lang kaya ang totoo? Umiling agad ako sa naisip. Hindi p’wede. Hindi ko iyon p’wedeng sabihin. Lalo na’t hindi iyon gusto ng mga kapatid ko. “K-kakausapin ko pa siya, Kuya,” sambit ko sa mahina ngunit naiinis na tinig. Tumango si kuya at hindi na sumagot. Kaya ngayon, nandito na ako sa room at inaabangan si Bryan sa labas ng classroom. Would he be late again today like yesterday? Bumuntong hininga ako, sana naman ay hindi. Kailangan ko na talaga siyang makausap! I kept pacing out while waiting for him. Nakatingin ako sa corridor at kahit nakikita ko ang mga dumaraan, parang hindi ko sila nakikita. I didn’t notice that Tina, Bryan’s girlfriend, was trying to talk to me. Halos mapatalon ako habang tinitignan siya gamit ang nanlalaking mga mata. Hindi ko napansin na kinakalabit niya na ako at nasa harap ko na siya! I forgot about her! How could I?! She is Bryan’s girlfriend! Pero… kung girlfriend pa rin siya ni Bryan hanggang ngayon, siya rin kaya iyong kasama ng lalaking iyon sa katabing classroom namin? Hindi ko nakita kung sino ang babaeng kasama ni Bryan. “Okay ka lang?” nakakunot ang noong tanong ni Tina. “A-Ah, O-Oo naman,” sagot ko. I stayed my eyes on her to stop her from thinking that I’m not on my right mind, kahit na ang totoo, nawawala na talaga ako sa sarili kong isip! Tinuro ni Tina ang loob ng classroom namin bago siya nagsalita, “Pasok na ako… ikaw, ‘di ka pa ba papasok?” “P-Papasok na,” sambit ko at nauna nang maglakad papasok sa loob ng room. Gusto kong bumuntong hininga ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil katabi ko lang si Tina. Baka kung ano na namang isipin niya dahil sa pagbuntong hininga ko kung sakali. Kinausap na ako ni Tina kaya hindi na ako nakapag-focus sa paghihintay kay Bryan. Panay pa rin naman ang tingin ko sa may pintuan at hinihintay ang pagpasok niya. The bell rang indicating that the class was about to start. I’m still anticipating Bryan but to my dismay, he didn’t come early. I don’t know if he’s only late or he’s absent today. Maybe, he’s late because it’s just the first week of class at wala pa namang gagawin. Pero kapag nasa 2nd or 3rd week na siguro, hindi na siya male-late. Ugh! Why do I think about him, though? Marami pa akong dapat na isipin ngunit inuuna ko pa siya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. “Good morning class,” bati ng aming guro sa speech communication subject. We greeted her back. Nakaupo na kami at lahat-lahat ngunit wala pa ring dumating na Bryan. Hindi ko na napigilang mapabuntong hininga at mawalan ng pag-asa… Siguradong malalagot ako sa mga kapatid ko! I promised them that they’re going to meet Bryan today, after class. Pero wala naman siya! Paano ko magagawa iyon? Introduction ulit ang ginawa namin ngayon. Natapos ang 1st subject na wala pa rin si Bryan. I pouted nang dumating na ang 2nd subject teacher namin ay wala pa rin siya. That’s what I thought. It felt like déjà vu when someone knocked on the classroom door. Sarado na iyon dahil ipinasara ng prof namin. Natigil sa sinasabi ang prof para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok. I don’t know why I’m nervous, but I have a feeling na iyon na ang kanina pang hinihintay ko… “S-Sorry, I’m late,” someone said at the front door. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na tama nga ang hinala ko. It’s him! It’s really him! Late lang siya at hindi siya absent! I felt something I haven’t felt before… gumaan ang pakiramdam ko at hindi ko mapigilan ang antisipasyon na makita na siya. Hindi ko siya makita dahil nakaharang ang prof namin sa pintuan. “You’re still late, Mr. Marquinez,” sambit ng prof. Siguro ay naging prof na ito ni Bryan noon kaya siya kilala nito. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala siya sa loob ng room dahil sa lalim ng iniisip. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kan’ya kahit na alam kong nakita niya na akong nakatulala sa kan’yang mukha. I stiffened when he sat down. Hindi naman ako ang katabi niya dahil nasa gitna namin si Tina ngunit hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kaba ko. Pakiramdam ko nga ay nahahalata na ako ni Tina, lalo na noong nagtanong siya sa akin. “May problema ba, Lei?” Lumingon ako sa kan’ya ngunit lumagpas ang tingin ko at napunta kay Bryan na nakatingin din pala sa akin. When he realized that I’m also looking at him, he smirked. Nag-iwas agad ako ng tingin at ibinaling ang mga mata kay Tina. Umiling ako. “Wala naman…” Tumango na si Tina at bumalik na ang mga mata sa harap kung nasaan ang prof namin. The class ended quickly. Lumilipad ang isip ko at hindi ko na naintindihan ang mga guidelines ng prof namin sa Speech Communication. Kung hindi pa nga ako sinabihan ni Tina na wala na ang prof namin, hindi pa ako babalik sa aking huwisyo. I was eyeing the “boyfriend” I’m about to introduce to my family. He was busy with his phone kaya hindi niya napansin na nakatingin ako sa kan’ya. I felt someone looking at me kaya lumiko ang tingin ko kay Tina. Siya ang nakatingin sa akin. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang may maalala! Oo nga pala, boyfriend niya itong si Bryan at heto ako, walang pasubali kung makatingin sa kan’yang boyfriend! I smiled at Tina bago siya sinubukang kausapin, “M-May problema ba?” What kind of question was that, Lei? S’yempre, there’s a problem because she caught you looking at her boyfriend for how many minutes! Mabuti na lang at hindi ka pa sinasabunutan ni Tina dahil sa ginawa mo kanina! “Wala naman.” Umiling siya at ngumiti. I didn’t know if that’s a genuine smile or a sarcastic one. Nevertheless, hindi ko na iyon kailangang problemahin pa. I need to talk to Bryan right now! Hinanap ng mga mata ko si Bryan sa loob ng classroom ngunit hindi ko siya nakita. Nang napatingin ako sa may pintuan ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang naglalakad na siya palabas at mukhang nagmamadali. Tumayo ako kaagad at hindi na nakapagpaalam kay Tina para lang maabutan si Bryan. When I got outside. Nadismaya lamang ako dahil wala na siya. Sobrang bilis niya naman maglakad! Paano ko na siya makakausap ngayon? “Uhm, L-Leila R-Romero?” Napalingon ako sa gilid ko kung nasaan ‘yung tumawag sa akin. Unti-unting nanlaki muli ang aking mga mata nang makita si Pio, iyong lalaking nakausap ko noong Lunes. “Hi, Pio!” masayang bati ko sa kan’ya. Ngumiti siya sa akin ngunit tipid lamang. Nararamdaman ko ang pagkailang niya sa akin at medyo nahihiya pa siya ngunit masaya ako dahil nilapitan niya ako at kinausap ngayon. “H-Hi, m-may k-kasabay ka bang k-kumain n-ngayon?” Ramdam na ramdam ko ang kaba sa boses ni Pio. Natawa ako dahil sa pagkautal-utal niya ngunit tumigil din nang makitang unti-unti na siyang pinagpawisan. “Wala akong kasabay, Pio… bakit?” Ngumiti ako. He cleared his throat. “P-Pwede bang—” Someone grabbed my arm kaya natigil si Pio sa kan’yang sinasabi. Masama ang tingin ko nang mapalingon sa humila sa aking braso ngunit unti-unting nawala ang talim sa aking tingin nang makitang si Bryan ang humila sa akin. I almost forgot why I went outside! Siya ang pakay ko ngunit nandito si Pio kaya nakalimutan ko siya! Kumunot ang noo ko at iwinakli ang aking kamay sa kan’yang pagkakahawak. Ang akala ko ay nakaalis na siya? Bakit siya bumalik? “Anong kailangan mo?” matapang na tanong ko. His eyes were smiling while looking at me but his lips were telling the opposite. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talagang gusto niyang ipahiwatig. “Let’s go…” Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. “Girlfriend.” Bulong niya. Wala na akong nagawa nang hinila niya ako paalis. What the hell? At nagpapahila naman talaga ako? “T-Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?! Nakita mo namang may kausap pa ako kanina!” sigaw ko habang kinakaladkad niya pa rin ako papunta sa parking lot ng school. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Hinihingal ako nang humarap siya sa akin pero sinamaan ko pa rin siya ng tingin. Bakit ba siya sumulpot kung kailan na nakalimutan ko na siya? Pagkakataon ko na sana iyon para makausap si Pio! Panira lang talaga ang isang ‘to. “May pasok pa ba tayo?” Nakataas ang kilay na saad niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi niya man lang pinakinggan ang sinabi ko. Parang wala lang siyang narinig! And so what if we still have classes or we don’t have anymore? “Bakit ka nagtatanong sa akin? Magkaklase tayo, dapat alam mo kung anong oras ng klase natin!” Naiinis kong sigaw sa kan’ya! Hindi siguro ako magsasawang sumigaw nang sumigaw kung siya ang kausap ko. Bumuntong hininga siya, mukhang nagpipigil ng inis niya sa akin. “Ang daldal mo. Sasagot ka lang naman ng ‘meron’ o ‘wala,’ mahirap bang gawin ‘yon?” Napairap ako dahil sa sinabi niya. Sino bang hindi maiinis kung ganyan ang makakausap mo? Akala mo tanga at wala sa sarili. Of course, he should know his schedules, ‘no! Ano pang silbi ng pag-aaral niya kung ultimong schedule niya, hindi niya alam? “P’wede ba, Mr. Marquinez, busy ako at kailangan ko nang umuwi,” sambit ko sa naiinis na tinig. Tumalikod na ako para makaalis na ngunit parang gusto ko muna siyang asarin kaya humarap akong muli sa kan’ya. “Oh, did you hear what I’ve said? Siguro naman alam mo na ang sagot sa tanong mo.” matamis akong ngumiti at tinalikuran na siya ulit. Nang makatalikod na ako, umirap ako sa kawalan ngunit ngumiti rin nang mas malaki. Pakiramdam ko kasi, panalo ako sa argument namin na iyon. Well, matatawag ba ‘yon na argument? But wait… I think I forgot something. Inisip ko kung ano ‘yung nakalimutan ko. Huminto muna ako sa paglalakad para makapag-focus sa pag-iisip dahil parang mayroon talaga akong nakalimutan. I was busy thinking what was the thing I forgot when I saw Bryan again. Oh, s**t. I think I already remembered. Paano ko na siya kakausapin ngayon? Bakit ba naman kasi kailangan ko pang sigawan at awayin siya! Paano ko pa masasabi na gusto kong magpanggap siya na boyfriend ko? Parang nakakahiya nang kausapin siya ulit ngayon dahil sa inasal ko kanina. But when I saw him approaching me again, umayos na lamang ako ng tayo at hinintay siyang makalapit nang husto sa akin. Okay, Lei, you can do it. Just be natural while talking to him and please lang, huwag ka munang sumigaw. Kalma, Leila. “I have something to tell you,” I said as he approached me. Tumaas ang kilay niya. “Ano ‘yon, Ms. Romero?” Kumunot ang noo ko at gusto ko sanang sabihin na huwag niya akong tawagin na ganoon ngunit hindi ko na tinuloy dahil hindi naman iyon ang pakay ko at ayaw ko nang makipagbangayan pa sa kan’ya. I cleared my throat before speaking, “I want you to be my ‘pretend’ boyfriend.” I quoted the word pretend dahil baka ma-misinterpret niya ang gusto kong sabihin. S’yempre, I also included the word ‘pretend’ because I don’t want him to feel na sobrang gwapo niya dahil ako pa ‘yung nagsabi sa kan’ya na gusto ko siya maging boyfriend ko. huwag siyang feelingero, ano! Hindi ko siya type. Ginagawa ko lang ‘to para matahimik na ang mga kuya ko. “What?” Natatawa niyang sambit. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Kahit kasi pigilan niya ang sarili niya na tumawa, obvious na obvious pa rin na natatawa siya. Napailing na lamang ako. May topak ‘ata ang isang ‘to. “Wait a minute, so are you telling me that you are serious?” halos hindi siya makapaniwala. Hindi kasi ako tumawa kahit siya, tawang-tawa na dahil sa sinabi ko. I scoffed. “Mukha ba akong nagbibiro, Mr. Marquinez?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Natahimik si Bryan dahil sa tanong kong iyon. Mga ilang Segundo rin siyang hindi nagsalita. Ngunit unti-unti rin siyang ngumisi na para bang may binabalak siyang masama. “I thought you didn’t like me?” mas lalong lumaki ang ngisi niya. “What? Of course, I still don’t like you. I’m just doing it for my older brothers.” Napairap ako bago magpatuloy, “And mind you, this is all your fault so you don’t have a choice. I need to introduce you to my family. Just tell me when you’re ready.” Tumalikod na ako para makaalis na. Iyon na ‘yon. Wala na akong idadagdag pa at hindi ko na rin siya hahayaang humindi. He should know his obligations. Kasalanan niya naman talaga ito dahil kung hindi siya nag-message sa akin at kung hindi iyon nakita ni kuya Lau, hindi naman sana mangyayari ito. “Wait, wait.” Bryan stopped me from leaving by pulling my right arm. Lumingon ako sa kan’ya. “What?” “Kasalanan ko?” he mocked. “How did you say that it’s my fault?” Bumuntong hininga ako. Maybe I should explain it to him furthermore. “Did you remember the message you sent to me last night? Nabasa ‘yon ng kuya ko at gusto niyang ipakilala kita sa kanila,” paliwanag ko. Mas lalo lamang tumawa ang lalaking nasa harapan ko. Mukha ba akong clown sa paningin niya? “Just because of that?” He said it like it wasn’t a big deal. Oo nga pala. Hindi talaga iyon big deal sa kan’ya dahil hindi niya naman kapatid ang mga kapatid ko. “Well, yes. Knowing my brothers, hindi nila ako titigilan hangga’t hindi ko ipinapakilala ang ‘boyfriend ko sa kanila. And excuse me? You also called me ‘girlfriend’ earlier so stop saying ‘just because of that’ dahil ikaw din naman ang may kagagawan ng lahat ng ito!” Tumango-tango naman siya, accepting all the things I have said. Mabuti naman at naiintindihan niya ang sinabi ko. “I really want you to be my girlfriend, though. Akala ko mahihirapan pa akong makuha ka, but well… ikaw pa ang nagsabi sa akin na gusto mo ako na maging boyfriend mo,” sambit niya sa pagitan ng kan’yang pagngisi. “Oh, boy, don’t be too proud of yourself. Remember? This is only a ‘pretend’ relationship. We should have rules. I don’t want you to touch me whenever and wherever you want,” sambit ko at humalukipkip. Natahimik kaming dalawa pagkatapos ko iyong sabihin. Kanina, nakatitig pa ako sa kan’ya ngunit nag-iwas din ako nang tingin dahil hindi ko na nakayanan ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Parang may mali kung tititigan ko rin siya pabalik. I cleared my throat so that he’ll stop staring at me. At mukhang effective naman dahil gumalawang mga mata niya. “So… Are you in?” naninigurado kong tanong. Tumango siya. “Deal, so what are the rules?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD