KABANATA APAT

2920 Words
Kabanata Apat: Welcome To The Family   “Rule number 1, you should know the background of my family,” sambit ko.   Kumunot ang noo ni Bryan dahil sa sinabi ko. May angal ba siya sa gusto ko? Tumaas ang kilay ko. P’wes, kung meron man siyang angal, hindi ko iyon tatanggapin.   “Is that even necessary?” Natatawang sambit ng aking instant boyfriend. Though, it’s only a fake relationship, I wanted to call him my boyfriend para masanay na rin naman ang sarili ko lalo na’t ipapakilala ko siya sa buong pamilya ko.   I seriously nodded. Wala akong panahon para makipagtawanan sa kan’ya. “I will introduce you to my family because that’s the reason I wanted you to be my boyfriend, right? So, you should know them one by one.”   Bryan’s face didn’t change after I said that. Natulala siya at para bang may iniisip  na kung ano. Pinag-iisipan niya bang umatras? Knowing him, playboy siya at hindi siguro siya sanay na ipinapakilala sa pamilya ng babae. But, well, fake lang naman ‘tong relasyon namin kaya hindi siya dapat mangamba. We can break-up after a month, or so.   “Hello? Earth to Bryan?” Pinitik ko ang thumb at middle finger ko nang sabay sa harapan niya, mukhang nakatulog siya na dilat ang mga mata. Napailing ako.   “Okay, deal,” sagot niya. Sa wakas ay nagising din siya.   “Rule #2, no skin ship between us. I don’t want you to hold me, kiss me, hug me, or just even put your finger on my body. Same goes for you. I won’t hold you also,” sambit ko ngunit napatigil nang makitang parang hindi naman siya nakikinig kahit na nakatutok ang mga mata niya sa akin.   “Bryan!” Naiinis na sigaw ko.   Kanina pa ako nagsasalita tungkol sa rule #2, huwag niyang sabihin na kailangan kong ulitin ang lahat ng iyon dahil hindi siya nakikinig?   “You’re distracted. Maybe, we should continue this by tomorrow. Ayaw kong kausapin ang taong wala sa sarili,” saad ko, may halong parinig sa pagiging inattentive ni Bryan.   Naglakad na ako paalis dahil hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Medyo malayo na ako nang marinig kong nagmura siya kaya ngumisi ako. Gandang-ganda siguro sa akin. Grabe kung makatingin, eh.   “Leila, wait!”   Narinig ko ang mga yapak ng paa mula sa likod ko. Hindi ako lumingon at hindi rin ako tumigil sa paglalakad. Why would I? I already told him that we should continue our talk about the rules tomorrow at hindi ko na babawiin iyon. He should know that I don’t take back what I have already said.   “I’ll drive you home,” sambit niya nang makalapit sa akin kaya kumunot ang noo ko at aalma na sana ngunit may idinugtong pa siya sa kan’yang sinabi. “A good boyfriend drives his girlfriend home.” Ngumisi siya.   Good boyfriend, huh? How good you are then, Bryan?   Wait, why did I think of that? Hindi ko naman talaga siya boyfriend. Let me remind you, Leila. He isn’t your real boyfriend. It’s just fake, okay? Nakakalimot ka ‘ata.   Sinundan ko siya sa parking lot at nag-text na lamang ako sa driver namin na huwag na akong sunduin.   “So, let me give you my opinion about your rule #2, first,” sambit niya habang nagd-drive.   Lumingon ako sa kan’ya at saka siya tinanguan. Kanina pa kami nasa biyahe ngunit ngayon lamang siya nagsalita nang huminto ang kotse dahil sa traffic.   Tumango ako. “Okay.”   “We need to treat each other like we’re in a real relationship so I disagree with your rule. Gagawin natin iyon kapag ipapakilala mo ako sa pamilya mo, at kapag may nakakakilala sa’yo na alam na ako ang boyfriend mo,” paliwanag niya sa akin.   Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Well, he has a point. Hindi kami paniniwalaan kung wala man lang holding hands na magaganap sa amin. Kaya naman, tumango ako at pumayag sa gusto niya.   “But we won’t do that inside the school okay? This will go to the rule #3. No one in our school should know what’s happening between us, I have friends inside the school and I don’t want them to know about us.” Humalukipkip ako.   Tumaas ang kilay ni Bryan. “You don’t want them to know that you are in a relationship with the most handsome 3rd year college student of Burlington?”   Parang pumasok ang malakas na hangin dahil sa paglakas ng aircon ng kotse ni Bryan. I hysterically laughed on what he said.   “Ang feeling mo naman,” I said and rolled my eyes.   Umiling siya at natawa rin sa sinabi niya kaya tumawa na rin ako. Naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.   I also felt something inside my stomach when I looked at him at nakita kong malaki ang ngiti niya habang nagd-drive.   When I realized that I’m staring at him too much, nag-iwas na ako ng tingin. Ayokong malaman niya na tinititigan ko siya, ano! Baka kung ano pa ang maisip niya dahil sa pagtitig ko.   Hinilig ko ang aking ulo sa bintana ng kotse at tinignan ang dinadaanan naming. Hindi na traffic ngayon kaya mabilis na ang takbo ng kotse. Mga malalaking billboard ang nadaanan namin at kalsada na maraming kotse, jeep, motor, at truck din na may iba’t-ibang patutunguhan ang bumabiyahe. I was startled when a music played inside Bryan’s car. Nang lumingon ako sa pinanggagalingan ng tunog ay nakita ko si Bryan na pumipili ng kanta.   Hindi ko namalayan na kinakalikot niya na pala ang stereo ng kotse niya dahil busy ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Medyo traffic na rin ulit dahil sa highway ang daan patungo sa bahay ko.   I was busy listening to his choice of song ngunit hindi ko naman mapakinggan nang maayos dahil palipat-lipat siya, parang hindi malaman kung ano bang gustong pakingan. Napasigaw ako nang marinig ang paborito kong kanta sa kan’yang stereo.   “Ayan, d’yan lang!” excited kong saad.   The song played was ‘Lover’ by Taylor Swift. Sobrang ganda kasi ng kantang ito. Mula sa lyrics hanggang sa musical composition nito, nagustuhan ko. Ang ganda pa ng boses ni Taylor at gusto ko rin kung paano ang way niya ng pagkanta.   “You like this song?” Nilingon ako ni Bryan.   Mabilis akong tumango. “Yes! Gusto ko nga na ‘yan ang kakantahin ng singer sa kasal ko in the future.”   Hindi na nagsalita si Bryan at parehas na lang naming na pinakinggan ang kanta na tumutugtog sa stereo ng kotse niya. Sinasabayan ko pa paminsan-minsan ang kanta at halos asarin ako nitong si Bryan dahil hindi naman kagandahan ang boses ko.   “Bakit, do you have a good voice?” Tumaas ang kilay ko nang tanungin ko iyon kay Bryan.   Nagkibit-balikat siya at hindi sumagot. Napaisip tuloy ako kung maganda ba ang boses niya.   I suddenly realized how comfortable I am with him. Yet, this is our first-time meeting and talking with each other. Ngunit para bang matagal ko na siyang kilala dahil sobrang panatag ako sa kan’ya at wala man lang akong nararamdamang kaba. Is this safe for me?   Wait, Leila… Are you hinting something? Masyado pang maaga, dahan-dahan lang. Hindi ka p’wedeng magpadalos-dalos. Remember again, hindi ‘yan totoo.   “Dito na lang ako bababa,” sambit ko kahit na wala pa naman kami sa tapat ng bahay.   Pinahinto ko na siya agad kahit hindi pa kami nakakapasok ng subdivision. Kapit-bahay ko kasi si Margarette at ayaw kong makita niyang iba ang naghatid sa akin. Siguradong uulanin ako no’n ng mga tanong at ibabalita niya pa kay Inori.   “Why? Dito na ba ang bahay mo?” tanong ni Bryan habang unti-unting inihihinto ang kotse niya sa harap lamang ng subdivision namin.   Umiling ako at nagmamadaling tinanggal ang aking seatbelt. “Oo, sa loob ng subdivision na ‘to.”   “Oh, eh ‘di ihahatid na kita hanggang sa loob,” sagot niya na ikinataranta ko.   Mabilis akong lumingon sa kan’ya at inilingan siya. “Huwag na, kapit-bahay ko lang ang kaibigan ko, ayaw ko ngang malaman niya, ‘di ba?”   Sa huli, wala na ring nagawa si Bryan lalo na noong bumaba na ako at mabilis na naglakad papasok ng subdivision namin. Hindi na nga ako nagpaalam sa kan’ya dahil baka pilitin niya pa akong ihatid hanggang sa loob. I don’t want to, ‘no! Hindi ko gusto dahil hindi pa niya nakikilala ang family ko. Paano kung nasa labas ang isa sa mga kuya ko at makita nila si Bryan? Hindi pa kami ready.   Malaki ang ngiti ko nang makarating sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, si kuya Lau agad ang tumambad sa akin. Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita siya. Kinabahan ako bigla, hahanapin na naman ba niya sa akin ang boyfriend ko?   At hindi nga ako nagkamali.   “Ba’t ngayon ka lang? Sabi ng driver natin nag-text ka raw sa kan’ya na hindi ka na magpapasundo. Hinatid ka ng boyfriend mo? Nasa’n na siya?” sunod-sunod ang mga tanong ni kuya.   Mapapa-facepalm na lang talaga ako sa kuya kong ito. I understand that he is very possessive of me, same with kuya Lucas dahil nag-iisa akong babae sa aming magkakapatid but can’t I sit on the couch first before he asked me that?   “Kuya, p’wede bang umupo muna ako or uminom ng tubig?”   Hindi ko na hinintay si kuya Lau na sumagot. Dumeretso ako sa kusina para makakuha ng maiinom. Inilapag ko rin ang bag ko sa upuan at nagtagal nang kaunti sa kusina para makapag-isip ng isasagot. But I guess kuya Lau can’t wait because he really followed me all the way here inside the kitchen. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing.   Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. “Yes, Kuya. Hinatid ako ng boyfriend ko pero may kailangan pa siyang puntahan kaya hindi ko pa siya maipapakilala sa’yo ngayon.”   Kuya Lau nodded. Mabuti naman at satisfied siya sa sagot ko. Dahil kung hindi, hindi ko na alam kung paano ko lulusutan ito. Hindi ko naman p’wedeng sabihin na hindi siya makakapunta dahil hindi pa kami ready at fake relationship lang talaga ito. I want Bryan to be ready lalong-lalo na sa dalawa kong kuya.   “So, when will we meet him?”   Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa tanong niyang iyon. I thought he won’t ask!   “T-This coming Saturday, Kuya. I’ll tell him,” sagot ko. Wala na, napasubo na ako. I need to tell this right away to Bryan para naman ready siya. Hindi pa nga namin tapos ang rules. I checked the calendar at nakitang Miyerkules pa lang naman. May ilang araw pa kami.   “Okay then, Lei. I’ll tell this to Lucas, Dad, and Mama.” Umalis na si kuya sa kusina at naiwan akong mag-isa roon.   I quickly get my phone inside my bag to message Bryan. Bukas na bukas, kailangan naming makapag-usap kaya sana, hindi siya absent. Okay lang na ma-late, huwag lang siyang a-absent. I typed a message for him.   Ako:   Hi. Meet my family on Saturday, 6 PM. Deal?   I waited for his reply ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin nagv-vibrate ang phone ko kaya naman umakyat na muna ako sa aking kwarto para makapagbihis at makapagpahinga. Humiga kaagad ako sa aking kama at tinitigan ang aking phone para sa reply niya. Siguro nasa biyahe pa kaya hindi pa nagrereply.   Alas singko pa lang ng hapon pero antok na antok na ako kaya napagpasyahan ko munang matulog. Magigising naman ako kapag tumunog ang phone ko.   It was 7 in the evening when my phone rang because of a voice call. Kumunot ang aking noo at inakalang si Inori o si Marga lamang iyon ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Bryan! He’s calling me! But for what? P’wede namang mag-message na lang siya sa akin, why need to voice call?   “Hello?” mahina kong sambit.   “Deal, Saturday.”   I rolled my eyes. Seryoso ba siya? He can just message this to me. Alam ko naman na ito lang ang sasabihin niya kaya bakit pa niya kailangang tumawag?   “I don’t text. I’m not fond of texting,” wika niya sa kabilang linya. Teka, malakas ba ang pagkakasabi ko no’n?   Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi niya. “You texted me first, though.”   Ngumisi ako. Totoo iyon, kung hindi siya mahilig makipag-text, why did he text me last time? Did he find me attractive? Ano kayang dahilan niya? Or he just wanted to flirt with me? Kung ano pa man ‘yon, wala na akong pakealam dahil ang pinakamahalaga ay pumayag siya na maging fake boyfriend ko. That’s all that matters.   Tumawa ang nasa kabilang linya. Napahinto ako nang para bang may kumiliti na kung ano sa tiyan ko nang marinig ko ang tawa niyang iyon. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?   “That’s because I wanna flirt with you,” sambit niya sa pagitan ng pagtawa.   Kung siya, natutuwa, ako hindi na. May kakaiba akong nararamdaman at pakiramdam ko tuloy ay may sakit ako. Minadali ko na lamang na tapusin ang tawag para hindi ko na siya makausap pa. Ayaw ko na nitong nararamdaman ko.   Kinabukasan, nagkita kami ni Bryan sa isang parking lot ng mall para makapag-usap. Wala kasi kaming pasok ngunit kailangan namin na mapag-usapan na ang tungkol sa pagpunta niya sa bahay namin sa Sabado. Hindi kami p’wede sa loob ng mall dahil baka may ibang makakita sa amin na kakilala at paghinalaan pa kami. Mahirap na, I don’t want someone to know that I am associated with this playboy beside me.   “So, Kuya Lau is my eldest brother,” sambit ko at itinuro si kuya Lau sa picture na ipinapakita ko kay Bryan. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita. “He is an Opthalmologist and he has his own eye optical. Kuya Lau is strict and he questions everything he sees. Masyadong matalino itong si Kuya.”   “Noted, Ma’am.” Ngumisi si Bryan pagkatapos niyang sabihin iyon.   Inirapan ko lamang siya at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ito naman, this is Kuya Lucas, he’s a Dermatologist. Meron din siyang sariling derma clinic. Chill lang itong si Kuya Lucas and he’s an athletic person. He loves to exercise and he knows almost all of the sports we have here in the Philippines.”   Sunod ko namang itinuro ang mga mga magulang ko. “This is my Mom, her name is Lyla Romero and this is my father, Nicolau Romero Sr., they are both Neurosurgeon.”   “So, you came from a family of doctors, huh?”   Tumango ako. “Yes, that’s why I took Psychology because I wanted to follow my family’s path.”   Mabilis lamang na lumipas ang mga araw. Sabado na ngayon at alas singko y media na ng gabi. Hindi na ako mapakali habang hinihintay si Bryan sa aming gate. Nandito talaga ako sa may gate para ako kaagad ang una niyang makikita pagdating niya. I wanted him to feel safe and secure here inside my house. Malay ko ba, baka kinakabahan siya.   Kaya nang makarating siya, sinalubong ko kaagad siya nang ma-i-park niya na sa aming garahe ang kan’yang kotse. I was shocked when he held my hand and intertwined his fingers with mine. Gusto ko sanang tanggalin iyon ngunit sobrang higpit ng hawak niya sa akin.   “B-Bryan,” tawag ko sa kanya, nanginginig ang boses ko.   Hindi ako sanay na hinahawakan ang kamay ko ng kahit sinong lalaki. He was the first man who held my hand so I’m very shock and nervous. Anong gagawin ko? Tama ba ito?   “Chill, Lei. It’s okay, they should see that we’re a real couple. Don’t get nervous, it’s okay. Bibitawan ko rin agad kapag nakapasok na tayo sa loob,” Bryan said, reassuring me that everything will be okay.   Kaya naman hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang mangyari. I tried to be confident too as we went inside our house. Nasa dining na ang buong pamilya ko kaya doon din kami dumeretso.   Ginawa nga ni Bryan ang sinabi niya. He eventually removed his hand on mine nang makapasok na kami sa dining room.   “Good evening po,” Bryan said politely.   Malaking ngiti ang iginawad ni daddy at mama kay Bryan. Habang sina kuya Lau at kuya Lucas ay seryoso lamang na nakatingin sa kan’ya.   “Ma, Dad, Kuyas, this is Bryan, my boyfriend po,” sambit ko, ipinapakilala ang boyfriend ko sa kanila.   “Welcome to the family,” pagbati ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD