KABANATA LIMA

2763 Words
Kabanata Lima: Feeling   “Welcome to the family,” pagbati ni mama.   Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang marinig kong sabihin iyon ni mama. I suddenly felt guilty about this, introducing my boyfriend to them dahil hindi naman talaga totoo ang relasyon sa pagitan naming dalawa ni Bryan. Hindi ako sanay na magsinungaling sa aking pamilya ngunit para lamang sa ikatatahimik ni kuya Lau, nakapagsinungaling ako. Kung hindi lang magtatanong nang paulit-ulit ang kuya ko sa akin tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend, hindi ko naman ito gagawin. Si kuya kasi ang tipo ng kapatid na hindi titigil hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong niya, and he is always right.   “Have a seat, Leila. Yayain mo na rin ang boyfriend mo.”  Nakangiting sambit ni dad habang iminumuwestra ang bakanteng upuan sa aming dalawa ni Bryan.   Nilingon ko ang katabi ko at tinanguan siya. Sabay kaming umupo sa designated seat namin at doon na unti-unting umusbong ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko, huhusgahan kami sa harap ng hapag-kainan na ito.   Nagsimula na kaming kumain. Noong una, tahimik pa ang lahat at para bang walang may balak na magsalita ang kahit isa sa amin. Ngunit nagsalita rin si kuya Lucas, pinupuna ang dami ng pagkain na nakahain.   “Ma, masyado naman ‘atang marami ang niluto mo,” saad ni kuya habang kumukuha ng pasta.   “It’s alright anak, ngayon pa lang nagdala ang bunsong kapatid mo ng boyfriend niya rito sa bahay natin.” masayang-masaya pa si mama dahil ipinakilala ko sa kanila si Bryan.   “Of-course mama, he’s my first boyfriend kaya ngayon pa lang ako nagdala ng ibang lalaki sa bahay natin.” hindi ko na naiwasang sumagot.   Tumango-tango si mama. S’yempre, hindi niya iyon alam. My mom is a workaholic woman. Subsob siya palagi sa kan’yang trabaho kaya sigurado akong hindi niya alam kung anong nangyayari sa akin. Sa pagkakaalala ko, ako lang ang hindi niya natutukan dahil lumago ng husto ang kompanyang itinayo nila ni daddy kaya hindi siya p’wedeng tumigil sa pagtratrabaho. Wala namang problema sa akin iyon. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip, na kung paano kung mas nakasama ko si mama noong bata pa ako at wala pang inaalala. Paano kung hindi lang puro sina kuya Lau at Lucas ang nakasama ko noon? Si kuya Lau at kuya Lucas kasi ang tumayong mga magulang ko noong nasa elementary ako. Sila ang lagging pumupunta sa mga meeting na naganap noon. Busy din kasi si papa noon si papa dahil bukod sa doktor silang dalawa ni mama, may kompanya pa silang pinamamahalaan. Pero ngayon, si kuya Lau na ang namamahala nito. Ngunit busy pa rin sina mama at papa hanggang ngayon dahil hindi pa rin sila tumitigil sa pagtratrabaho bilang doktor.   “So, Bryan, what’s the background of your family?”   Kumunot ang noo ko nang iyon ang unang itinanong ni daddy kay Bryan. Kailangan ba talaga ang background ng pamilya ng magiging boyfriend ko? I know Bryan came from a wealthy family but he isn’t my real boyfriend, though. Paano pala kung ang tunay na magiging boyfriend ko ay hindi kaparehas ng estado ng buhay namin? Hindi ba nila tatanggapin iyon?   “Dad,” sambit ko, sinusubukang patigilin siya sa mga susunod niya pang itatanong.   “My family is the biggest distributor of wine in our country. Pati na rin po sa Canada at Switzerland.” magalang na sagot ni Bryan.   Hindi na iyon nakakagulat. Seeing Bryan’s car, which is Mustang, alam ko na agad na mayroon siyang ibubuga. Hindi maipagkakaila na galing siya sa mayamang pamilya. Mas nagulat pa ako nang marinig siyang gumamit ng opo bilang paggalang kay daddy. Hindi ko alam na may ganito rin pala siyang side. Ang akala ko, ang alam niya lang ay puro kalokohan.   Hindi ko rin naisip na magbabago ang pananaw ko sa kan’ya. Noon kasi, ang tingin ko sa kan’ya ay walang pakialam sa kan’yang paligid bukod sa mga babae niya at hindi marunong gumalang. Ngunit dahil sa pagsagot niya kay daddy ngayon, nakita ko ang iba pa niyang ugali. Hindi lang naman pala puro pambabae ang kaya niyang gawin.   “Oh, so you’re a Marquinez?” gulat na tanong ni daddy.   I don’t know anything about the different businessmen here in the Philippines. Hindi kasi ako interesado sa ganoon kaya hindi ko alam kung mayaman ba ang nakakasalamuha ko o hindi. “Yes po, paano niyo po nalaman?” mukhang naging interesado na si Bryan sa usapan nila ni daddy.   Ngumisi si daddy. “I know all of the businessmen. Also, your father is very famous in the country dahil sobrang tinatangkilik ng marami ang wine niyo. Ikaw pala ang anak niya.”   I thought the talk would get heated because of my father’s question but I’m surprise that they are laughing with each other. Lalo na ang mga kuya ko. Mukhang nagustuhan nila si Bryan dahil magaan ang pinag-uusapan nila. Wala akong ginawa kung hindi ang making lamang sa usapan nila at ipagpatuloy ang pagkain.  Everything was going smooth until kuya Lau asked something that I think Bryan got offended.   “Wala ka bang sabit?” ito ang tanong ni kuya Lau.   Nang tignan ko si Bryan, namumutla siya. Kumunot ang aking noo at sinubukang kalabitin ang kanyang kamay na nasa ilalim ng lamesa. Hindi siya lumingon sa akin at hindi rin siya gumalaw ngunit nagsalita naman siya.   “I don’t,” sagot niya.   Matipid. Wala nang paliwang. Isang ‘I don’t’ at wala nang karugtong pa. Siguradong-sigurado siya na wala siyang sabit. Pero… bakit parang iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Parang hindi ito mapakali at para bang hindi siya nagsasabi ng totoo. Umiling ako, hindi mo na problema iyon, Leila. Ang sinasabi kasi ni kuya Lau na sabit ay kung may ibang girlfriend ba si Bryan, or worse, kung mayroon na ba siyang asawa. Pero ano naman sa akin ‘yon kung malaman kong may sabit siya? Hindi naman totoo ang relasyon namin, kaya ayos lang iyon.   “Good. Alam mo kasi Bry, Leila is the only girl and she’s also the youngest so we treasure her so much. We want the best for her so if you aren’t the best, just break up with her.” diretsong sambit ni kuya Lau.   I thought that Bryan will explode or something. Because for me, kung ako ang sinabihan ng ganoon, hindi ko iyon palalampasin. But Bryan get back to kuya Lau with his best remark.   “If I’m not the best, I wouldn’t even dare to talk to your sister,” sambit niya sa seryosong tinig.   Kung hindi ko lang alam kung ano ang tunay na namamagitan sa amin, maniniwala talaga ako sa kan’ya. He’s so good, he’s knows how to make someone believe him. Paano ko nasabi? Dahil nakita ko iyon sa mukha ni kuya Lau at kuya Lucas. They smiled after Bryan said those words.   “Galing mo roon kanina, ah. Akala ko pa naman kakabahan ka,” sambit ko nang kaming dalawa na lamang ang magkasama.   8:30 PM na nang matapos ang kuwentuhan nina Bryan at ng aking mga kuya. Maaga naman kaming natapos sa pagkain ngunit ayaw pang pauwiin nina kuya Lau at kuya Lucas itong fake boyfriend ko. Sina mama at daddy naman, hinayaan na kami sa may sala dahil may kailangan pa raw silang asikasuhin.   Hindi sumagot si Bryan, sa halip ay ngumiti lamang siya kaya dinugtungan ko pa ang sinabi ko kanina. “Para bang sanay na sanay ka na sa ganoong sitwasyon.”   “I’m not. I just know how to answer crucial questions,” sagot niya, dinedepensahan ang sarili dahil sa sinabi ko.   Totoo naman ang sinabi ko. Iyon kasi ang napansin ko sa kan’ya kanina. Para bang matagal niya nang ginagawa ang magpakilala sa magulang ng kan’yang nagiging girlfriend. Pero nagdadalawang-isip ako kung possible ba iyong mangyari dahil sa dami ba naman ng mga nagging girlfriend niya. At isa pa, hindi ba’t ang mga ipinapakilala sa pamilya ay ‘yung mga pang seryosohan lamang? Naging seryoso na ba si Bryan kahit minsan? Hindi ko alam.   “Siguro naman hindi na nila ako hahanapin sa mga susunod na araw, ano? Just tell them that we broke up.”   Nanlaki ang mga mata ko at halos hampasin siya dahil sa sinabi niya. Is he serious? P’wede naman sigurong after a month namin tapusin itong fake relationship namin dahil siguradong-sigurado ako na hahanapin siya sa akin ni kuya Lau. Kuya Lau got very fond of him.   “P’wede naman sigurong after a month na lang, ano? Don’t worry, p’wede ka pa rin naming mambabae hangga’t gusto mo dahil peke lang naman ang relasyon na ‘to,” paliwanag ko sa kan’ya.   Tumaas ang kilay ni Bryan. “What if I don’t want to?”   Kumunot ang noo ko, hindi naintindihan ang sinagot niya sa akin. Ilang sandali pa ay napagtanto ko na kung bakit ganoon ang sagot niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Parang may kakaiba na naman sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan, hindi ko rin maipaliwanag. Maybe, this isn’t the right time to think of what I’m feeling. Hindi rin ako makakapag-isip nang maayos dahil kasama ko pa si Bryan.   “A-Anong what if I don’t want to?” kunot ang noong tanong ko.   Kahit may hinala na ako sa kung anong gusto niyang sabihin, itinanong ko pa rin para makasigurado ako. Mahirap na, baka mag-isip ako ng hindi naman pala totoo. Ayaw ko nang ganoon.   “What if I tell you that I’m liking you for real?”   I hysterically laughed. Ang sarap na lang talagang magsalita ng hindi kaaya-aya. Akala niya ba, maloloko niya ako? P’wes, hindi mangyayari iyon. Hindi…   “Stop with your jokes, Bryan. Akala mo naman paniniwalaan ko ‘yan?” Umirap ako.   Ibang-iba ang nararamdaman ko sa sinabi ko. Kung totoo man ang sinasabi ni Bryan, baka talaga ngang umasa ako sa kan’ya. Pero alam ko namang hindi totoo iyon. Kaya hangga’t maaga pa, aagapan ko na. Hindi p’wede itong nararamdaman ko.   Hindi sumagot si Bryan. Nginitian niya lamang ako na para bang may ipinapahiwatig. Hindi ko siya maintindihan.   “S-Sige na, umuwi ka na at gabi na,” sambit ko na lamang.   Mabilis kong binuksan ang pinto ng kan’yang kotse at mabilis ding bumaba roon. Hindi ko na rin siya hinintay na makaalis dahil gusto ko na agad na makapasok sa loob ng bahay. Hindi naman kami totoong magkarelasyon kaya bakit ko pa hihintayin na makaalis siya?   “Oh, umuwi na ang boyfriend mo, Lei?” pambungad na tanong ni kuya Lucas sa akin. Nasa sala pa rin sila ni kuya Lau.   Tumango ako at hindi na nagsalita. Nakatingin naman sila sa akin kaya makikita nila ang sagot ko. even though I wanted to ask, ‘Bakit, kuya? Gusto mo pa bang makausap siya? Ginabi na nga siya nang uwi  dahil hindi niyo siya tinigilan.’ Hindi ko na lang sinabi.   Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga at pag-isipan ang lahat ng nangyari ngayong araw. I realized how good Bryan on his words. Para bang siya ang may-ari ng mga salita dahil alam na alam niya kung paano sasagot sa mga tanong, kahit pa napakahirap na sagutin ng tanong na ibabato sa kan’ya. I noticed that he’s polite, too. Ibang-iba pala ang pagkakakilala ko sa kan’ya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako dahil nalaman kong iba pala siya sa Bryan na nakilala ko, o magpupursige akong pigilan ang kung ano man ‘tong nararamdaman ko.   Kinabukasan, wala kaming pasok dahil Linggo ngunit maaga pa rin akong nagising. I immediately checked my phone and I saw some texts came from Inori and Leila but I got more shocked and interested when I saw Bryan’s name in my message board. Napaupo ako at nanginginig na pinindot ang text niya.   Bryan:   Hey, good morning! Are you going to the church today? If yes, just wanna ask if I can join?   I didn’t think that he’ll text me such like this. Para bang hindi totoo ang lahat nang ito. Totoo ba? Si Bryan, gustong sumamang magsimba? At sa akin pa talaga?   Ako:   Bakit sa akin ka sasama? Go with your friends.   I don’t know but I think that Bryan is taking our relationship seriously. Napailing agad ako sa naisip. Tumigil ka nga, Leila! Tinanong ka lang naman niya kung magsisimba ka, hindi naman niya tinanong kung gusto mo bang maging boyfriend siya for real! Baka naman ikaw talaga ang sumeseryoso sa relasyon niyo at hindi si Bryan? Sinasabi mo lang na si Bryan ang ganoon para mapagtakpan ang sarili mo.   Nag-vibrate ang phone ko hudyat na mayroong text.   Bryan:   Bakit hindi ikaw? You’re my girlfriend.   Kumunot ang noo ko at nanginginig na nag-type ng i-re-reply.   Ako:   Excuse me? FAKE girlfriend.   Bryan:   Fake or not, a girlfriend is still a girlfriend. I’ll fetch you at 9.   Hindi tanong iyon, kung hindi ay statement. Para bang siguradong-sigurado na siya na sasama ako sa kan’yang magsimba. Bumuntong hininga ako at pumayag na lang din dahil magsisimba rin naman talaga ako.   Kaya naman nang 8:30 AM na, hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanap ng isusuot. Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan ko pa ang pagbibihis ngayon, eh, hindi naman ako ganito dati. Nagsisimba ako na kahit anong damit ang suot, basta’t disente at katanggap-tanggap sa loob ng simbahan ay isinusuot ko. Ngunit bakit ngayon, gusto kong mag-ayos at magpaganda?   It was 8:45 AM when I finished dressing up. Hindi ko na pinapasok sa loob ng subdivision ang kotse ni Bryan dahil alam kong nand’yan si Marga sa loob ng bahay nila at makikita niya si Bryan. Kahapon kasi, wala siya sa bahay nila dahil may pasok siya t’wing Sabado kaya iyon ang pinili kong araw para maipakilala si Bryan sa pamilya ko. Alam ko ring hindi iyon ik-kuwento ni kuya Lau at kuya Lucas kay Marga dahil hindi naman sila ganoon.   “Kuya, magsisimba ako,” paalam ko kay kuya Lucas na nagtitimpla ng gatas sa may dining room.   Lumingon si kuya sa akin habang hinahalo ang kan’yang gatas. “Sinong kasama mo?”   “Bryan,” sambit ko at naglakad na papunta sa pintuan para makaalis na.   Naninibago ako sa aking suot ngayong araw. I am wearing a dress which I don’t usually wear. Nakalugay lang din ang buhok ko at kinulot ko ito nang kaunti para mayroon namang style. Tinignan ko ang aking sarili sa repleksyon ko sa kotse ni Bryan. Nakarating na kami ngayon sa simbahan at na-i-park niya na rin ang kan’yang kotse.   “Let’s go, Lei,” tawag sa akin ni Bryan at nauna nang pumasok sa loob.   We sat in the last row because that’s the only vacant seat. Puno na ang simbahan kaya no choice kami at dito na lang kami naupo. Wala namang problema sa akin iyon dahil maririnig ko pa rin naman ang sermon ni father kahit pa nasa likod kami.   Tahimik lamang si Bryan kaya tahimik lang din ako. Paminsan-minsa’y nililingon ko siya at nakikita kong seryoso talaga siya sa pakikinig sa sermon. It was when the priest said ‘peace be with you’ when he spoke up.   “Peace be with you, girlfriend.”   Nilingon ko siya at magsasabi na rin sana ng peace be with you ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang inilapit ang kan’yang labi sa aking noo. Natulala ako at hindi nakagalaw dahil sa ginawa niya.   At ito na naman iyong pakiramdam na nararamdaman ko sa t’wing kasama ko siya. Ang kaibahan nga lang, mas matindi ang pakiramdam na iyon pagkatapos niya akong halikan. My heart beats faster than before na para bang hinahabol ako ng mga zombie.   Inilapat ko ang aking palad sa aking dibdib. What kind of feeling is this?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD