KABANATA WALO

2923 Words
Kabanata Walo: When You’re Inlove    Nang makaalis si Tina, matagal pa akong nakatayo sa p’westong pinag-iwanan niya sa akin. Iniisip at iniintindi ko pa nang mabuti ang lahat ng mga sinabi niya. I think I already know why she talked to me. Ayaw niya lang na matulad ako sa kan’ya. Siguro, instinct niya na rin ang nagsabi sa kan’ya na kausapin ako. Alam niya ang reputasyon ni Bryan sa loob ng school kaya niya ako binalaan kung sakali mang ako ang next na target ni Bryan.    Pero, anong gagawin ko? Bago pa man niya ako masabihan, nauna na si Bryan sa kan’ya. At kailangan ba talagang makinig ako sa kan’ya? Kailangan bang makinig ako sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa taong nagugustuhan ko?    I’m so confused with myself. Alam kong mali ang magkagusto sa lalaking katulad ni Bryan. Well, hindi naman pala mali, ngunit alam ko rin na masasaktan lang ako sa kan’ya, ako na mismo ang nagsabi na babaero siya ngunit heto ako at unti-unti ring nahuhulog sa kan’ya katulad ng ibang mga babae.    Tina said that Bryan doesn’t know how to love. Yes, given na iyon. But what if I can make him change his principles? Paano kung ako ang susi para matutong magmahal si Bryan? Paano kung hindi pala si Tina ang inilaan para sa kan’ya?    At kung sakali mang hindi ako ang babaeng mamahalin niya, masasaktan ako at unti-unting madudurog. Ngunit ano naman? It’s better to take risk than to regret not doing it. Ang sakit ay kaakibat ng pagmamahal.    But… is this really love?    “Pst!”   I got startled when I heard that. Bumalik na naman ang nararamdaman kong takot kanina. Wala namang dumadaan sa corridor na ito dahil nasa pinakadulong parte ito ng building ngunit may hagdan sa gilid. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at halos atakihin ako sa puso nang may humila sa akin.    “What the hell?!” sigaw ko.    Sinalubong ng aking nanlalaking mga mata ang mga mata ni Bryan. Hawak niya ang palapulsuhan ko at napatingin ako roon. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.    “Nakakailan ka na sa akin, ha! Ilang beses mo ba akong balak takutin?!” Tumingkayad ako para maabot siya.    Masyado siyang matangkad para sa akin kaya kahit na pantay na ang tinatayuan namin ay kailangan ko pa siyang tingalain nang sobra. Nangangalay na nga ang leeg ko kakatingala sa kan’ya.    “At nakalimutan mo na ba ang rule #2? Nakakailang hawak ka na sa akin simula kaninang umaga!”    Hindi ko maiwasan ang magalit sa kan’ya sa tuwing nakikita ko siya. Sa totoo lang, hindi lang ito dahil sa natatakot ako ngunit dahil gusto ko lang magalit sa kan’ya para makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kan’ya. Ayaw kong malaman niya dahil natatakot ako sa magiging sagot niya sa akin. Ayaw kong gamitin niya iyon para asarin ako.    Alam ko namang biro lang ang lahat ng mga ginagawa ni Bryan. Ako lang itong nag-iisip ng iba sa lahat ng mga sinasabi at ginagawa niya. Hindi ko naman siya mapipigilan sa kung ano mang gusto niyang sabihin ngunit sana naman ay maghinay-hinay siya dahil mas lalo lamang akong nahuhulog sa lahat ng mga pakulo niya.    “You’re mad again. Magagalit ka na lang ba sa akin palagi?”    Napairap ako sa sinagot niya. Tinatanong niya ba talaga sa akin ‘yan? Pagkatapos kong sabihin sa sarili ko na kailangan kong magalit sa kan’ya?    Hindi ako sumagot. Sa halip ay itinulak ko siya para makadaan ako kahit na may space naman sa gilid niya at p’wedeng-p’wede na roon ako dumaan. Wala lang, gusto ko lang malaman niya na naiinis talaga ako sa kan’ya.    “Lei, where are you going? May klase pa tayo,” sambit ni Bryan nang makitang pababa ako ng hagdan.    “Wala pang prof, mamaya pa ang klase natin.” Lumingon ako sa kan’ya. What is it to him if I don’t attend the next class? Parang ganoon kasi ang ipinapahiwatig niya sa sinabi niyang iyon. Totoong may klase pa kami ngunit mamaya pa naman iyon. Gusto ko lang talagang makalayo sa kan’ya kaya ako aalis. Iikot na lang ako para makabalik sa classroom dahil nandito na ako sa may hagdanan.    “Wait, Lei.”   Pababa na sana ako ulit ngunit nagsalita siya kaya huminto ako ulit at napagpasiyahang pakinggan na lamang ang kung anong sasabihin niya.  Basta, pagkatapos nito, iiwasan ko na siya. Sa palagay ko, iyon ang pinaka tama kong gagawin para matigil ang pagbilis ng pintig ng puso ko sa tuwing nakikita siya.    Kumunot ang noo ko nang itinaas niya ang kanyang kanang kamay nang makalapit siya sa akin. Tinignan ko lamang iyon dahil hindi ko naman alam kung bakit nakikipag kamay siya sa akin.    “Partners?” Nakangiting tanong niya.    Ah, I already got it. It was all about the project. Kaya niya ako kinakausap ngayon ay dahil sa project na iyon. Okay, Leila, what did you expect? Napailing na lamang ako sa aking sarili.    “Sure,” sagot ko.    Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tuluyan nang umalis doon. Hindi niya na rin ako sinundan at mas mabuti na rin iyon. Mabuti naman at alam niya ang limitasyon namin sa tuwing nasa school kami.    Tatlong klase pa ang dinaluhan ko bago natapos ang buong schedule ko ngayong araw. Hindi na rin kami nagpansinan ni Bryan pagkatapos naming mag-usap. Ganoon din kami ni Tina ngunit nginigitian niya pa rin ako at kinakausap kaya sa tingin ko, binalaan niya lang talaga ako at wala siyang masamang intension nang kausapin niya ako.    Mabilis na umalis si Bryan sa loob ng classroom. Nang makaalis ang prof namin ay kasunod din siya nito. Para bang may hinahabol siyang oras ngunit hindi ko na ‘yon dapat problemahin pa ‘di ba? Hindi ko lang talaga maiwasang sundan ng tingin ang mga ginagawa niya kaya ganito ako.    Ang sinasabi kong iwasan siya ay hindi na ‘ata mangyayari sa ngayon. Paano pa mangyayari ‘yon kung pumayag akong maging partner niya sa project namin? Tama ‘yan, Leila. Lalo mo lamang ipinapahamak ang sarili mo dahil sa ginawa mo. Natatawa na lang talaga ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan kung ano ba talagang gusto kong gawin sa nararamdaman kong ito. I only have two choices: to continue or to not.    Palabas na ako ng building nang para bang nahagip ng mga mata ko sina Inori at Marga. Kumunot ang aking noo, namamalikmata lang ba ako o sadyang nandito talaga sila sa loob ng school? Nakaupo sila sa may bench na naroon sa may field at tanaw na tanaw ko sila rito sa building namin.    Mas lalo lamang kumunot ang noo ko nang makitang kumakaway sila sa akin. Malayo sila ngunit malinaw naman ang mga mata ko. Na-realize kong nandito nga talaga sila nang sabay silang tumayo at tumakbo papunta sa akin.    I felt guilty when I thought of what I did yesterday. Pinaalis ko sila kahit na sila ang bumisita sa akin ngunit narito sila ngayon para bisitahin ako. Bumuntong hininga ako at isinisi ang lahat kay Bryan sa isip ko. Totoo naman talagang siya ang may kasalanan kung bakit wala ako sa mood kahapon. Ang mali ko lang, pinagbuntungan ko ang mga kaibigan ko.    I realized how much my friends care for me as I watch them run towards my direction. I didn’t know how lucky I am until this day happened. Alam kong maswerte ako sa kanilang dalawa ngunit hindi ko alam kung gaano. I think kailangan kong bumawi sa kanila dahil sa ginawa ko kahapon.    “Akala ko kanina namamalikmata lang ako.” Natatawa kong sambit nang tuluyan nang makalapit sina Marga at Inori sa akin.    Magkasabay silang tumawa. Parehas nila akong niyakap nang mahigpit na halos mayupi na nila akong dalawa, lalong-lalo na si Marga. Muntikan pa nga kaming matumba dahil ayaw pa nila akong pakawalan.    “Na-miss ka namin, Lei! Ano, okay ka na ba?” tanong ni Inori.    Nang tignan ko sila, nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mata. Ngumiti ako at tumango upang i-assure sila na ayos na ako. Alam nila kung kailan ako hindi okay at kailan ako maayos.    “Okay naman ako, Marga, Inori… Bakit nga pala kayo nandito?”    “S’yempre, sinusundo ka na namin! Dismissal niyo na, ‘di ba? Girl bonding naman tayo!” Nakangising sambit ni Marga. Excited na excited ito at halos tumalon pa.    Tumawa ako at tumango. Masaya ako na sila ang naging kaibigan ko. Hindi man ganoon karami ang mga ka-close ko talagang mga kaibigan, at least mayroon akong Inori at Margarette na alam kong nariyan palagi para sa akin. Alam kong suportado nila ako sa lahat ng mga gusto ko, at gano’n din ako sa kanila. Ngunit hindi ko pa magawang sabihin sa kanila ang tungkol sa lovelife ko… hindi pa kasi ako handa.    “Kain muna tayo o manood ng sine? Ano gusto mong unahin, Lei?”    Lumingon ako kay Marga dahil para sa akin ang tanong niyang iyon. “Kayo ba? Ano bang gusto niyo? Ayos lang naman sa akin kahit anong unahin nating gawin.”    Sa kotse namin kami sumakay. Nagpahatid lang kasi sina Inori at Marga sa school at pinauwi rin nila agad ang mga driver nila. Sakto nga na dumating naman ang driver ko kaya nagpahatid na kami sa mall. Iyon kasi ang gusto nila, ang manood daw ng sine at mag-shopping. Hindi na rin kasi namin ito nagagawa.    Alas sais na ng gabi nang makarating kami sa mall. Inuna namin ang manood ng sine dahil nga gabi na at baka gabihin kami lalo sa pag-uwi. P’wede naman na hindi na kami manood ng sine ngunit iyon ang gusto nila kaya sumunod na rin ako. Gusto ko rin kasing makasama sila ng mas matagal.    We watched the newest Filipino film today. Popular din ito at pinipilahan dahil prequel daw ito ng pelikula na naipalabas na dati. Hindi kasi ako masyadong nanonood ng TV kaya wala akong masyadong alam sa mga pelikulang pinapalabas ngayon.    Umupo kami sa may gitna para mas maganda raw ang view ng panonood namin, ayon kay Marga. Madilim na ang loob ng sinehan dahil mag-uumpisa na ang pelikula.    “Sakto lang tayo sa oras,” bulong ni Inori sa aming dalawa ni Marga.    Si inori ang nasa gitna habang ako naman ay nasa aisle. Nasa kabila naman ni Inori si Marga. Iyak, tawa, inis, at lungkot ang naramdaman ko sa pinanood namin. Ngunit mas malala ‘ata ang naramdaman ni Marga dahil paglabas namin sa sinehan ay magang-maga ang mga mata niya at mukhang hindi pa nakaka-move-on sa pinanood namin.    Napailing na lamang ako. Si Inori naman ay naaawang tinitignan si Marga.    “Kain na lang muna tayo,” sabi ko. Baka kailangan lang naming kumain para matigil si Marga sa pag-iyak.   Dinadaluhan ni Inori ang luhaan naming kaibigan habang naglalakad kami. Ako naman, naghahanap ng fast food chain o restaurant na kaunti lamang ang tao. Matatagalan kasi kami sa pila kung sa maraming tao kami kakain.    “Tumigil ka na nga, Marg, tapos na kaya ‘yung palabas. Nakalabas na nga rin tayo ng sinehan, oh.” mariin na bulong ni Inori sa kaibigan namin.    Hindi pa rin kasi tumitigil si Marga sa pag-iyak. Pinagtitinginan na rin kami ng mga dumadaan, siguro ay nagtataka kung bakit umiiyak ang kasama namin.    I chose Pizza Hut dahil walang masyadong tao roon. Okay naman sa mga kasama ko na rito kumain kaya wala kaming naging problema.    “Ako na ang o-order,” sambit ni Inori at agad-agad na pumunta sa counter. Mukhang ayaw ng patahanin ang umiiyak pa ring si Marga.    “Grabe, hindi ko matigil ang pag-iyak ko,” saad ni Marga habang pinupunasan ang kan’yang pisngi.    Tumango ako. “Halata nga, Marg.”    Sinamaan niya ako ng tingin nang sabihin ko iyon at natawa lamang ako. She already knew that I don’t comfort someone. Hindi dahil sa ayaw ko ngunit dahil hindi ako marunong. Sanay na rin naman sa akin ang mga kaibigan ko. Noon, nagrereklamo pa sila dahil parang wala raw akong pakiramdam ngunit ‘di kalauna’y nasanay na lang din sila.   “Balita ko may kaklase ka raw na varsity? Ano ngang pangalan no’n? Bryan Marquinez?”    Nagulat ako nang iyon ang napiling topic ni Marga habang kumakain kami ng pizza. Tapos na kasi siyang umiyak kaya ngayon ay nagdadaldal na siya.    Tumango ako. “Oo, siya nga. Bakit?”    Kinakabahan ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanilang dalawa ni Inori. Hindi oras para kabahan ngayon. Tinatanong lang naman nila ako kung kaklase ko nga ba si Bryan. At wala namang nakakaalam ng tungkol sa amin kaya hindi nila ‘yon malalaman.    “Wala lang, ang gwapo no’n, ah?” Nangingising sambit ni Marga.    Sinundot naman ni Inori ang tagiliran ko. Siya kasi ang katabi ko sa upuan. “Oo nga, ‘di mo crush?”    “Playboy.” Umiling pa ako at ngumiwi para ipakita sa kanila na hindi ko gusto ang Bryan na iyon.    Ayaw kong maglihim sa mga kaibigan ko. Ngunit kahit pa sabihin ko sa kanila ang totoo, magsisinungaling pa rin naman ako. Kung sasabihin ko sa kanila na mayroon kaming relasyon ni Bryan, maniniwala sila at ‘pag sinabi kong peke lang iyon, magagalit naman sila sa akin. Kaya mas mabuti nang hindi nila alam ang tungkol kay Bryan.    “Oo nga pala, ayaw mo sa mga playboy.” Magkasabay na wika nina Inori at Marga.    Natahimik kami nang ilang sandali at natawa na lamang dahil sa pagiging sabay nila sa pagsasalita.   We part ways before 9:30 PM. Nandito na ako sa bahay at matutulog na sana ngunit tumunog pa ang phone ko kaya nawala ang antok ko.    It was a call. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Bryan ang tumatawag! I panicked but I immediately kept my pace. I cleared my throat first before answering his call.    “Hello,” I said breathily.    “Hello? Sa Thursday na natin gawin iyong project? Okay lang ba sa’yo?”    Kumunot ang noo ko. Tumawag talaga siya para sabihin lang iyon? Bumuntong hininga ako at napailing, he’s unbelievable.    “Sure.”    “Okay. Naistorbo ba kita? Nagising ba kita? Are you already asleep?”    Tumikhim ako. “Oo, naistorbo mo ako. Hindi mo ako nagising pero matutulog na sana ako.”    Kung hindi ko iyon sinabi, siguradong hahaba pa ang usapan namin. Ayaw ko na nang ganoon dahil baka mauwi na naman sa pagkanta niya at makatulugan ko iyon. Nakakahiya, ayaw kong kinakantahan niya ako. Bukod sa nahihiya ako, ayaw ko rin dahil mas lalo lamang lumalago ang nararamdaman ko para sa kan’ya sa tuwing ganito siya sa akin.    “Oh, okay. Good night, Leila.”    Hindi na ako sumagot. Pinatayan ko na siya kaagad ng tawag. I don’t need to say good night and I’m also not obliged to say that to him. Basta, ayaw kong mag-good night sa kan’ya. Iyon lang iyon.    The Thursday came like a whirlwind. Kahapon, Miyerkules, hindi kami nagpansinan ni Bryan ngunit maaga ulit siyang pumasok. Ang kaibahan lang, hindi kami nagka-usap dahil hindi ko siya kinausap at gano’n din naman siya sa akin.    Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang clinic. The door says that it’s open kaya ako na ang naunang pumasok at sumunod lamang si Bryan. When we entered the clinic, agad naming nakita ang isang magandang babae na nakaupo sa may table na may pangalan. Dra. Angel D. Medina, PsyD. Iyon ang nakasulat sa table template.    “Good morning, kayo ba ‘yung sinabi ni Lucas na mag-i-interview sa akin?” salubong sa amin ni doc.    Tumango ako. Mabuti na lamang at may kakilala si kuya Lucas na psychologist kaya hindi na kami nahirapan ni Bryan na maghanap pa ng clinic. Si kuya kasi ang nag-recommend sa amin sa kan’ya.    “Yes po, I’m Leila Romero and he’s my partner, Bryan Marquinez.” magalang na sambit ko.    I was amazed while looking at her. I can see myself years from now that I will be like her. Ngayon lang ako nakakilala ng isang psychologist kaya manghang-mangha ako. She was explaining everything about psychology on her own perspective at panay naman ang pag-take notes ko upang hindi makalimutan ang lahat ng mga sinasabi niya.    “Do you want to know the psychology behind love?” Nakangiting tanong niya sa amin.    Kumunot ang noo ko ngunit hindi na umalma. Kasama pa rin naman ito sa interview na isinasagawa namin kaya ayos lang siguro na gawan din ng insight ang sinasabi niya ngayon.    “There are instances that when you’re in love, you feel energized and are immediately aware that your heart is pounding. You also feel butterflies in your stomach which is normal,” paliwanag ni doc. Medina.    I looked at Bryan who was intently listening to the doctor we were interviewing. I put my hand on my chest and I felt that pounding heart doc. Medina was saying a while ago.    Am I?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD