Bridgette POV
Life's security is wonderful, but life's uncertainty is fascinating and spectacular. Living an unpredictable life is more thrilling than living a dull definite existence.
Ilang araw na din ang lumipas simula ng mabangga ako ng walang kunsensyang gwapong este panget na lalaki na yun. Hindi indenial lang talaga ako pogi talaga siya at may kunsensya din, na highblood lang talaga ako sa kanya. Ayaw ko nalang magtalk pero last na magandang lahi din yung lalaking yun ganda ng genes pwede ng ilaban ung ganung genes sa mga taga Italy pero mas maganda kung itali ko siya sa buhay ko, joke only.
Napabaliktanaw tuloy ako sa mga nangyari. Lalim noh? Chika ko nalang wait..
Syempre nagising ako sa hospital alangan namang sa bahay nya, baka masapak ko yun at mapatawag pa ako sa pulis ng wala sa oras. Hindi lahat ng nasa story ganun ang nangyayari tapos magkaka-inlovean. It's a big no, walang ganun pero kung meron man edi sanaol. Pinagpala ang lovelife niyo kung mala w*****d or mala teleserye ganap niyo sa pag-ibig.
Nasa new generation na ngayon kaya walang ganern na magaganap walang inlove-an portion, hirap ng humanap ng totoong pag-ibig sa panahon ngayon ke-gwapo o di gaanong kagwapuhan nagloloko na, swertihan nalang din talaga siguro. Tyaka samahan din dapat ng matinding prayers. Kaya ayun dali-dali kong hinanap ang cellphone ko, iyan ang unang hinahanap kapag nasa peligro hindi yung gwapo pero pwede namang both. For sure nag-aalala na si Baby Zeus at anong oras na hindi pa ako nakakauwi.
"Hello Baby. Yes uuwi din ako. Sige bye I love you too Baby. Take care----"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kay Baby Zeus kasi biglang bumukas or should I say parang magigiba na ang pinto ng hospital room kung saan ako naroroon dahil sa galit na lalaking magkasalubong ang kilay na pumasok dito. Attitude yan? Sinong kaaway nito? Kala mo pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura pero gwapo pa rin naman. Hindi ko siya crush ha honest lang talaga ako sa nakikita. Kumbaga appreciate the beauty that we see lang ang peg ko. Gwapo masyado.
"Huy problema mo diyan Kuya Mamang Driver? Sa susunod hindi ganyan ang pagsira ng pinto. Okay?"
"Kuya Mamang whattt?? Damn did you just call me Mamang Driver , Miss?"
Aba't ang loko nakatingin lang sa akin na may matigas na ekspresyon ang mukha pero kakikitaan pa rin naman ng pag-aalala. Dapat lang dahil sya ang puno;t dulo nitong sakit balakang ko, kala mo kasi pusa na may siyam na buhay kung mag drive, kamuntik ng matake away ni Lord buhay ko, although di naman talaga niya ako totally nasagasaan nagulat lang ako kaya napaupo ako at namali ng upo sa kalsada. Kaya hindi ko maiwasang mapa-irap kasi both party ay may mali.
Kinakausap hay naku attitude na nilalang talaga ito. Bata pa nga ba? sa uri palang ng pangangatawan nito hindi na mauuri sa bata, pang model ang aura nito. Siguro suki to sa gym? Ang bongga ng muscles in all fairness naman bagay sakanya. Matangkad din siguro mga nasa 6'1. Wow nagiging height expert ata ako? Pero sya na pinagpala sa height Pag nag away kami nito dito dehado ako or should I say talo ako. Pero wala naman sa itsura nito na makikipag away or makikipagpisikalan 'to sa babae, mukha lang masungit at suplado pero maginoo naman siguro ito. Pero di mo sure.
"Woman, don't you dare na irapan ulit ako. I just want to say my apologies sa nangayari sayo. I didn't mean to hurt you. I know mali ako because I was over speeding. "
Inirapan ko nga ulit pake nya ba mata ko ito at may mata rin naman siya bakit hindi siya umirap ng sa sarili niya, inggit lang talaga siya. Bakla siguro to? Hays sayang gwapo pa naman sayang ang genes kung nagkataon. Lumalabas tuloy ang katarayan ko sa katawan. Kaasar, mangungumpisal nga ako. Hihingi ako ng sorry kay God pasensya na po. Honestly nabawasan ng konti ang inis ko sakanya when he apologized and admitted na may mali siya.
"Apologies accepted, I'm sorry din may mali ako pasensya ka na kung nairapan kita, mainit ata dugo ko sayo. Next time make sure na hindi ka na mag over speeding dahil delikado yun para sayo at sa mga taong nasa kalsada."
Ipinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko, I was stunned kasi nung nag apologised sya akala ko susungitan niya pa ako or mag-aaway pa kami. His concern towards my kalagayan is really visible sa mata niya at sa pananalita. Masayado yata akong naging judgemental. Since both of us nag sorry sa mga mali namin is a good decision para hindi na ito humatong sa may mahabang diskusyunan.
Nawala pagkabeastmode ko sakanya I swear, pag kadilat ko ng aking beautiful and tantalizing eyes nagulat ako. Bakit? Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napaismid ako, style niya bulok.
"Ouch! What's your damn problem again Woman!?" he said in a constrained manner.
Ayan buti nga sa kanya kinagat ko nga ang ilong niyang matangos madaya bat matangos yung sa kanya sa akin kasi tama lang ang tangos.
Ilalapit lapit pa kasi yung mukha sa akin kala niya, okay na kanina at nagkapatawaran na bakit naman may paglapit pa ng mukha. Buti nga sa kanya pero in all fairnes hindi siya bad breath, minty pa nga jusmiyo kung ano-ano ang pinapansin ko maghuhunus dili talaga ako. Pero wapakels ako mga ganyan ang style mukhang dumadamoves. Lalapit ang mukha tapos magnanakaw ng first kiss. Tsk! Sa dami ng librong nabasa ko ewan ko nalang ko di ko magets mga damoves niyang outdated na ata? Wow may pagkukumparahan ba ako? Tapos biglang nag ring yung cellphone niya.
"Excuse me I'll just answer this call, we'll talk again later Miss."
Kaya ayun umalis na muna siya at lumabas ng pinto kala niya magso-sorry ako? Opo magso-sorry sana ulit ako kaya lang lumabas naman ulit sya dahil sa phone call niya mukhang busy syang tao. Alam ko namang masama yung ginawa kong pagkagat ng ilong niya, yun kasi una kong nakita alangan naman kagatin ko yung labi niya, bawal un. Jusko po marami talaga akong dapat ikumpisal kay father. Napa-sign of the cross na lang ako. Magbabagong buhay na po ako talaga. Linisin niyo po ang aking kaisipan. Amen!
Paalis na sana ako ng hospital ng hinarang ako ni Kuya Mamang Guard. Problema nito? Goodness gracious baka naman may naiuwi akong damit pang hospital? Chineck ko yung suot ko. Hindi naman. Okay naman yung suot ko.
"Ma'am mag bayad ho muna daw kayo ng bills nyo ."
Ako naman pinatitinginan ng mga pasyente dito. Anak ng! Lord bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya. Napabuntong hininga pa ako. I'm expecting him na asikasuhin yung bills ko since siya naman ang may kasalanan pero partly may mali din naman ako but anyways baka naman na-short siya sa pera kaya hinayaan ko nalang. At sumunod na ako kay Kuya Guard. But praise the Lord at namali lang pala si Kuya kamukha ko lang pala yung hindi pa nagbabayad so that man actually paid for my hospital bills. I was asking if may iniwan ba syang calling card para mapaghatian namin yung binayad niya sa hospital bills pero wala naman maybe if the destiny work its magic at magkita kami. I'll pay him dun sa kalahati na binayaran niya since malaki laki din yun at sa private room niya pa ako pinag stay. No matter how galante he is alam kong pinaghirapan niya perang pinanggastos niya so I don't need to take advantage of it. Hirap kumita ng pera sa panahon ngayon.
Although napahiya ang beauty ko dun sa moment namin ni Kuya Guard kanina keribels lang since misunderstanding lang naman, sabi nga nila "Life must go on and you have to move on". Magmomove on ako dun sa part na medyo napahiya ako , mabilis na pagmomove on ganun. Pero infairnes dun sa lalaki he was kind enough pero need pa rin namin magkita para maibalik ko yung pera na binayad niya.
This is how reality works masyadong real na real kaya sana pag adyain ng panahon na magkita kami dahil ayaw ko ng may utang at pera yung usapan.
Humanda talaga yung lalaking yun pag nagkita kami ulit at ibabalik ko yung bayad at magsosorry ako about sa pagkagat ko ng ilong niyang mas matangos pa sa Mount Everest, hindi literal na mountain ha pero taas kasi ng bridge ng ilong niya hindi mareach ng ilongko. Bongga! gusto pala magkita ulit? Kalmahan mo lang Bridgette. Ang isang magandang babae ay dapat mapagpatawad at di dapat nag iisip ng unrelated reason.
Napailing nalang ulit ako ng maalala ko yung mga nangyari. Hayyy buhay. Life is too hard talaga.
That's how my reminiscing moments ends so back to reality na ulit.
Biglang nag vibrate yung cellphone ko. Ibig sabihin may nagtext sa akin naku baka si Madam Principal ito kaya dali-dali kong binuksan ang message. Napaka terror pa naman nun balita ko kasi tumanda na yun ng dalaga.
Balita ko nag pari ata yung ex boyfriend niya tapos simula nun hindi na ulit sya pumasok sa isang relasyon, minahal niya siguro ng sobra kaya hindi na sya nakapagmahal ng iba? Ewan ko na talaga or maybe choice niya din talaga na mag-isa sa life. Parang ako lang nararamdaman ko nang tatanda akong dalaga. Kung mangyari man yun balak kong pumasok sa kumbento at magmadre, pag na secure ko na future ni baby Zeus at legit at sure na tatanda akong dalaga go ako sa pagmamadre. Support niyo ko ha!
Kung tatanda man akong dalaga sana naman hindi ako maging magalitin at masungit na tao, dapat mild lang na masungit ganun. Jokie jokie lang. Kahit walang lovelife ang mahalaga buo ang pamilya at nakakain ng tatlong beses sa isang araw. So back to reality tiningnan ko na nga ang mensahe sa aking cellphone expecting that it was our Madam Principal.
From:0926527334*
I'm watching you Sweetheart .
-D
"Mommy what happened po sa'yo?"
Nalalag ko pala yung cellphone ko I look at Baby Zeus na nag-aalala ang mukha. I just smile and kiss his forehead. He hug me tight kaya ganun din ang ginawa ko maswerte ako at nandito siya. My baby Zeus is my source of strength. Kasi kung wala si Zeus matagal na akong sumunod kina Mommy. I know this kind of thoughts is not healthy kaya I'm making sure na lumalaban ako. I need to stay alive for my brothers.
"Nothing Baby sleep ka na oh. Good night na I love you. Don't forget to pray okay."
Tulog na si Baby Zeus pero ako eto gising na gising pa rin. Gising na pati mga neurons ko, mukha tuloy akong nakalaklak ng sandamakmak na kape kahit hindi naman ako nag kape.
Bakit nangugulo na naman sya? I know it's him. Yung initials nya, ayaw ko ng maulit yung nangyari dati, it was really traumatizing. Kailan niya ba ako titigilan? Hindi pa ba siya masaya sa lahat ng pinagagawa niyang pananakot sa akin?
Bago pa man ako matulog ipinagdasal ko sa Panginoon na sana ay matapos na ang panggugulo ng misteryosong lalaki na iyon, unti-unti na rin akong hinila ng antok. Hoping ang praying na sana isang araw hindi na ulit siya susulpot sa buhay ko at guguluhin ito.
"Please Lord protect us from that Devil." muli kong piping dasal.
"May pa-I love you at baby pang nalalaman. Tsk! that woman is really an amazona, a beautiful amazona. Bahala nga siya. As if magkakagusto ako sa kanya. Hindi ko sya type noh?" pangungumbinsi at patanong ni Vance sa sarili niya habang hawak ang ilong na kinagat ni Bridgette kanina.