Life is full of unexpected twists and turns. And they are frequently the result of misjudging someone for being less than they appear to be.
Pagkatapos kong makatanggap kagabi ng text galing kay Mr. D muling sumilay ang kaba sa aking dibdib na para bang isa syang delubyong magbabalik sa buhay ko. Siya yung sumisira sa peace of mind ko, literal na sinira niya talaga peace of mind ko. Nakakabaliw at nakakapangilabot ang ganito at ayaw ko na nang ganito. Kung pwede lang na mag disappear nalang ako ginawa ko na, matagal na sana. Kaya lang may pamilya ako. Paano ko iiwan ang kapatid kong si Baby Zeus at si Kuya. Kung may babalik man sana yung Kuya Mamang driver nalang at ayaw ko ng may utang.
Good Lord please protect us from that Man.
Nagiging makata at madrama na tuloy ako so ayun I decided na dumaan muna sa church bago pumunta sa school na pinagtuturuan ko. I know that God will enlighten and help me to solve my problems in life. Nothing is impossible kaya pray lang ng pray.
Sa totoo lang hindi naman ako palasimbang tao but my faith is strong enough. Kasi base na rin sa observation ko minsan madalas kung sino pa yung palasimba sila pa yung malala yung ginagawa I mean they are doing bad things, like really bad deeds ganun pero hindi ko naman nilalahat sabi ko nga base lang ito sa observation ko malay mo iba observation mo kumpara sa akin.
Natapos nang maaga ang class lalo na't nag exam lang ang mga bata and so far habang chineckan ko yung mga papers nila matataas naman ang nakuha nila bagaman ang ilan ay medyo nahuhuli pero alam kong matuto din sila, everyday is a learning process for everyone. Tyaka naalala ko tuloy yung kaklase ko dati na laging bagsak ang exam niya noon pero ngayon may sarili na sya business na Milk Tea-han at successful na sya. Grades doesn't define us talaga kumbaga bonus lang sya sa life sipag, diskarte, abilidad at tyaga ang kailangan sa life to survive.
Nakaka proud lang din talaga. Sana ganun tayo sa buhay na wag nating hayaan na idefine or idegrade natin ang isang tao dahil lang di sya nag eexcel sa isang bagay or larangan kasi kadalasan yung mga taong ibinababa ng ibang tao ay lalong nagsusumikap para patunayan na hindi lang sila hanggang dun.
"Good Morning. Rise and shine Baby Zeus. "
Masiglang bati ko sa kanya. Parehas kami ng suot ni Baby Zeus ternong pantulog ang suot namin ang pinagkaiba nga lang medyo malaki lang sa akin. Medyo lang naman. Parehas color beige ang pantulog namin. I bought it online and maganda sya for its price. Super comfy then and bagay sya sa amin ni Zeus.
Kumbaga twinning. Salamat Shoppee talaga. Bukod yata kay Mom and Dad. Mukhang anak na din ako ng Shoppee. Platinum na yung card ko dun. Goodness gracious puro nalang ako add to cart don't worry yung mga binibili ko naman ay yung mga talagang kailangan dito sa bahay pero minsan bumibili din ako ng hindi masyado kailangan. Magbabagong buhay na ko, I swear. Dami kasing sale at free shipping fee pa, temptation is real pag ganun, hirap iwasan.
"Good mornin' too Mommy."
Bati din sa akin ni Baby Zeus sa akin then he kissed me on my cheeks. Ang sweet talaga nya. Buti hindi bad breath ang baby Zeus ko, syempre mana sa ate nya. Eating healthy food and toothbrush is the key.
"Oh irog ng buhay ko
Mata ko'y sa'yo lang nais dumako
Ganda mong nakakahalina
Oh irog ko ,Irog ko
Sagutin mo na ako, irog"
"Isa kang dalaga na laan sa akin
Oh irog ng buhay ko
Mata ko'y sa'yo lang nais dumako
Ganda mong nakakahalina
Oh irog ko ,Irog ko "
"Matamis mong oo
Makapagpapataas sa aking noo
Irog ko, oh irog ko
Lumbay ko'y nawawala pag
Nakita ka, Irog ko"
Oh irog ng buhay ko
Mata ko'y sa'yo lang nais dumako
Ganda mong nakakahalina
Oh irog ko ,Irog ko
Sagutin mo na ako, irog"
Teka may kumakanta sa labas ng bahay ke-aga-aga may namamanata peste ay mali este nanghaharana. Powtik halatang sariling composed niya ah. Singerist naman pala si Koya, sintunado lang talaga pero di padadaig self confidence niya. Asa naman akong may nanghaharana sa akin. Kung siya po ang manghaharana sa akin auto pass po. May naglakas na nang loob? Pero kung sabagay yung pagkanta niya tibay at lakas na ng loob yang ginagawa niya. Agang-aga nang iistorbo na itong si Koyang Singerist. Makata siya ha damang dama ko sa kanta niya.
Si Juanito Sandoval lang naman ang may lakas ng loob mangharana sa akin ng umaga noon, ang schoolmate kong pambato sa mga tulaan pag Buwan ng Wika, kung itatanong niyo kung bakit alam kong alam niyo na ang sagot.
Katitilaok lang ng manok nakikisabay pa sya kumbaga parang nag duet na silang dalawa. At imposible namang bumalik yun dito sa Pilipinas. Matagal ng wala yun I mean matagal ng migrate sa America, for sure gamit na gamit niya din ang wikang Filipino at doon na nagstay mga magulang niya. Teka ngaa! Sana mali ang hinala ko ay syempre hindi mali ang hinala ko. Laughtrip din dito kay Juanito yung gaano kalalim yung tagalog niya ganun naman nangingibabaw yung pagka slang niya. Ganito ba na gagawa ng America?
"Tao po? Irog ko. Irog ko"
Powtik na call sign iyan. Katok ng nag-iisang lalaking tumatawag sa akin ng ganyang endearment. Jusmiyo marimar, aww!!! Mas malakas pa ata tama nito ni Juanito kaysa sa mga alak.
"Good morning Mister. How may I help you po?" Tanong ni Baby Zeus kay Juanito, ang isa sa masugid na manliligaw ko kuno noong Highschool days ko, oh diba, haba ng hair ko niyan mahiya na si Mareng Rupunzel, magbonding nga kami minsan at pag-uusapan namin bat mahaba hair namin.
Nakatago lang ako dito sa gilid ng refrigerator at nakikinig sa usapan nila. Si Baby Zeus na pinagbukas ko pero kita kong di naman niya totally inopen yung door. Very good Baby Zeus. Tyaka andito naman ako kaya safe pa din kahit si Zeus pinag open ko.
"Uhm andyan ba ang Irog ng buhay ko, ha bata? Siya si Binibining Bridgette Dione na nag mamay ari ng puso't kaluluwa ko." Tanong ni Juanito kay baby Zeus nangunot naman ang noo ng little Bro. Anak ng tokwa naman 'to si Juanio luma na pick up lines niya hindi nakakakilig, cringe masyado.
Oh em geee mantataray na naman siguro to si Baby Zeus. Beastmode na, hala! Good luck talaga sa'yo Juanito.
"Who are you po Mister para tawagin si Mommy ng Irog mo?"
Magalang ngunit may diin ang bawat linyang binibitawang salita ni Baby Zeus naku beastmode na yan. Seloso at over protective kasi yang si Zeus bukod kay Kuya Prince na hindi ko alam kung nasaan na naman ng lupalop ng Earth.
"Ano!? Mommy!? Gaya ng Mama? Ina? Inay?"
The next thing na nakita ang dahilan para lumabas ako sa pinagtataguan.
Wanna know why? Kasi itong siraulong Juanito na manliligaw ko kuno ay sinasakal na ang aking kapatid nagdilim tuloy ang paningin ko kaya nagamitan ko sya ng karate with hampas pa ng mahabang sandok at isang malutong na sampal.
Ayun plakda at gulat na gulat si loko no one dares to hurt my brother at kahit sinong bata. Sinong matinong tao ang mananakal ng bata dahil hindi nagustuhan yung sagot. Ipakulong ko 'to child abuse yung ginawa niya at nanggigil ako sa galit at inis. Naku anak talaga ng tokwa. Kasuhan ko na kaya agad 'to or ipabaranggay ko nalang .
Nakakagigil pinaka ayaw ko sa lahat yung nanakit lalo na't bata ang sinasaktan niya. Kapatid ko pa talaga, siraulo ba 'to o kulang ba turnilyo nito sa utak. Porket bata lang si Baby Zeus sasaktan niya na. Kaya ligwak na ligwak to sa akin masyadong mapisikal at mapanakit.
Kinarate ko ulit siya at sinipa kung saan pinaka masakit sa parte ng kanyang katawan bilang isang lalako. Matatawag nga ba siyang lalaki kung sa uri pa lang ng pagkilos niya ay para siyang walang muwang anong klaseng mindset meron sya. Wag na sanang lumaganap ang lahi niya, may chance na hindi na kasi napalakas talaga yung flying sipa ko in between his legs, deserve niya din naman. Dali-dali syang tumakbo ng pintuan para pang madadapa.
"Are you ok baby Zeus?"
"Sinakal niya ako mommy masakit po ang leeg ko." Daing ng kapatid ko at namumula na ang leeg nya. I swear mukha na akong si Annabelle na pwedeng pumatay sa itsura ko pero echos lang yun. Dehado yung kapatid ko sa laki ba naman ng katawan nitong manliligaw ko kuno.
Ano bang nasa utak ng lalaking 'to at nanakit siya. As a human this ain't the right thing to do. Buti nalang talaga di ko 'to sinagot. I thought he was a nice man. Yung kapatid ko inagrabyado niya. Desidido na akong ipapa pulis ko 'to. Ang pananakit ng bata ay kailanman hindi tama because it might cause trauma.
"Is it true Irog ko?" Tanong ni Juanito na hindi pa rin pala umaalis at nasa may pintuan pa rin, isa syang thick face/makapal ang mukha. Akala ko pa naman mabait ang lalaking ito. Tsk! Hindi pala. Looks can be deceiving ika nga nila.
"Daddy!" Sigaw naman ni Baby Zeus na nakatingin sa likuran ni Juanito na nakatayo na ngayon.
Oh my goodness. Hindi totoo 'tong nakikita ko. Hindi pwede. Malaking problema nga ito lalo na't nandito na siya and I swear ang dilim na ng aura niya. This can't be happening. Bakit sya nandito? Nagulantang lahat ng neurons ko. Lalabas na rin ata sa ribcage ko yung puso ko. Sa sobrang pagkagulat. Paktay na talaga! You're dead Juanito! Not literally pero patay ka talaga.
"Honey and Baby. Missed me?" a man with a masculine built asked me and my baby Zeus.