Galit Ang pinagsasabi ni North ang namalagi sa aking utak habang nasa byahe kami. Kapwa kami nasa likod ni Franca, si North ang nagmamaneho at nasa front naman si South, nasa bintana ang tingin. Hindi ko tanggap na isang ignoranteng kinse anyos ang nakikita nila sa mga kilos ko kaya ganito ako kadesperadang subukan lahat nagbibigay aliw sa akin. Kung tutuusin, ako nga lang ata ang may matinong pag-iisip sa aming magpipinsan. "Di'ba si White at Cassey iyan?" mungkahi ni Franca na ikinatuon ng buo kong atensyon sa kalsada. Naging mahina ang pagpapatakbo ni North para hintuan ang dalawang naglalakad sa tirik na tirik na araw. Binuksan agad ni Franca ang bintana at dinungaw ang dalawa sa labas. "Bakit kayo naglalakad?" tanong nito. Pinilig ko narin ang aking ulo para makita ng husto a

