Ignorant Si Bryce ang naging kasama ko buong linggo. We're hanging out at masyado naring nagiging close. Kaedad lang naman sila ni Toshi pero kumpara sa lalakeng iyon, mas nasasabayan ako ni Bryce. Parehas kami ng hilig kaya rin siguro kami nagkakasundo hindi kagaya ni Toshi na masyadong seryoso sa buhay. "Sasama ka ba bukas sa huling outing nila ngayong summer?" tanong sa akin ni Franca nang samahan ako nito sa aking photoshoot. Hindi ako umimik at nag-isip isip muna. I don't want to see him... Pagkatapos noong paghalik ko kay Grey sa kanyang harapan, parang isang dilubyo ang naghihintay sa akin sa dulo dahil sa pinsalang ginawa ko noong araw na iyon. "Takot ka 'no?" Ngumisi si Franca na ikinaarko ng aking kilay. "Why would I even get scared?" Pagmamayabang ko. Hinawi niya ang buh

