Stand up Nagkalat lahat ng mga dress na pinagpipilian kong susuotin sa party na iyon. I know it will be held on their house pero alam ko na bongga rin ang suot nila Zera. Tuwing may ganoong okasyon, palaging presentable ang mga babaeng Delafuente na akala mo isang ball ang dadaluhan. Kahit hindi ako nakikisali sa kanilang tipon tipon, ayoko rin namang maleft out sa ayos ko. I want to stand out. Hmm, magcleavage kaya ako? I look at my boob. Katamtaman lamang ang laki noon, sapat lang sa payat kong pangangatawan hindi kagaya noong si Nana na disesyete na sana pero ang dibdib ay pambata parin. I wore a tubetop, black clingy dress. Yumakap iyon sa aking katawan at sa may parte ng hita ay medyo maluwang na. Inilugay ko lang ang aking buhok at naglagay ng light make-up. Ang tanging suot kong

