TPOV: MAAGA pa lang, nagtungo na si Delta, Drake, Haden, Leon at Darren sa headquarters kung saan dinala si Alex at mga kasama nitong nahuli sa car racing. Hindi na muna tinawag ni Delta si Noah, ang bunso sa kanilang mga lalake at ama ni Jenny dahil hindi nito maiwan ang anak sa hospital. Nitong nagdaang buwan, naging abala kasi ang magkakapatid at hindi matulungan si Noah sa pagresolba sa case ni Jenny. Kaya pumayag ang mga ito na mag-lielow na muna ang pamangkin nila sa Davao kung saan naroon ang ninong nito. Pero dahil sa nangyari kagabi at sa mga nalaman, kumilos na si Delta at mga kapatid nito. Mabait ang pamilya Madrigal. Pero mahirap silang maging kaaway. Hindi sila lalaban kung sila ang mali, pero kung sila ang inagrabyado, asahan mong triple ang balik ng kanilang paniningil

