SIMON'S POV: MATAPOS naming nagkape, iniligpit ko na muna ang mga pinagkapehan namin. Nanatili naman si Noah sa tabi ni Jenny. Maya’t-maya niyang kinakausap ang anak niya at maingat na hinahagkan sa pisngi, noo at kamay. Napaka mapagmahal niyang ama. “Siya nga pala, dude, nabanggit ni Jenny sa akin, may dumating daw na mag-ina mo sa hacienda?” anito nang bumalik ako sa tabi niya. Napangiti ako na tumango. Ang chismosa talaga ng batang ito. “Oo, dude. Noong nakaraan lang sila dumating. Nakakatuwa nga e, biruan mo, may binata na pala ako,” sagot ko na mapangiti na maalala si Lance na kamukha ko. Napangiti din ito. “Nabanggit nga ni Jenny, kamukha mo raw ‘yong bata.” Wika pa nito na ikinatango-tango ko. “Oo, dude. Pero– ewan ko ba, ipina-dna test ko pa rin. Nag-aalala nga ako, baka d

