JENNY'S POV: “STOP IT, sasabunutan ko na kayo,” natatawang angil ko sa dalawang pinsan ko na pinagtutulungan akong sinusundot-sundot sa tagiliran! Natatawa naman ang mga ito. Ini-enjoy mangalabit. Kanina pa nila ako tinutukso. “Admit it, Jenny, you got jealous, right?” McKenzie teased me. I rolled my eyes and shooked my head. “Eww, of course not. Bakit naman ako magseselos do’n e mas maganda at mas sexy naman ako. Kita niyo nga at iniwan niya ‘yon kanina na nakatulala sa akin, when he saw me,” ingos ko na napahalukipkip. Napairit pa sila na nag-apiran. “Bakit ba kasi kayo sumama-sama sa akin? Inaasar niyo lang naman ako dito e,” ingos ko pa sa kanila. Nagtawanan sila na pabiro akong sinabunutan. “Gusto naming kiligin e, bakit ba?” ingos din ni Miracle sa akin. Napailing ako na n

