SIMON'S POV: NALUHA ako na sa matapos ang tatlong taon kong paghihintay at pangungulila sa kanya, heto at nandidito na siya sa tabi ko na– yakap-yakap ko. “I miss you, my little pumpkin. I miss you so much. I miss you.” Paulit-ulit kong sambit habang mahigpit ko siyang yakap-yakap. Yumakap din naman siya pabalik na ikinangiti kong mas niyakap pa ito. Kahit damang-dama ko ang kalambutan at init ng kanyang katawan, hindi pa rin ako makapaniwala na nandidito na siya ngayong gabi! Kasa-kasama ko na ang little pumpkin ko. Kung panaginip man ang sandaling ito, ayoko na munang magising. “I miss you too, Sai. I miss you so much,” mahinang usal niya na narinig ko pa rin naman. Napangiti ako na kumalas at pinakatitigan ito sa mga mata. Sumapo ang palad ko sa kanyang pisngi. Marahang hinaplos

