TPOV: PALAKAD-LAKAD di Don Julio sa labas ng mansion nila habang hinihintay ang anak nitong si Aurora. Hindi naman nagtagal, dumating din ang hinihintay nito. Nanatili ang matanda sa kinatatayuan habang may hawak na tungkod. Napansin nitong hindi si Simon ang naghatid sa anak niya kundi ang kanang kamay nito sa hacienda. Bumaba ang anak nito at nagpaalam sa dalawang tauhan ni Simon na naghatid sa kanya, bago bumaling sa ama niyang naghihintay. Umalis na rin ang mga tauhan ni Simon lulan ng motorsiklo. "Dad, bakit po kayo nandidito? May problema po ba?" magalang tanong ni Aurora na nagmano sa ama niya. "Bakit hindi si Simon ang naghatid sa'yo?" tanong ng matanda sa dalaga. Napalunok si Aurora na hindi masalubong ang mga mata ng ama niya. "Uhm, may dumating po kasi siyang mga bisi

