SIMON'S POV: PASADO alasotso na pero hindi ko pa rin mahanap si Jenny dito sa bayan. Hindi na maganda ang nagpaparamdam sa akin lalo na't hindi ko matawagan ang cellphone niya! “Damn, hwag naman sanang may dumakip sa kanya at nakilala siya dito,” usal ko. Para akong masisiraan ng bait sa mga sandaling ito. Narito sa commercial building ko ang bigbike ko at dito iniwan ni Jenny. Ayon sa mga guard, iniwan ni Jenny sa kanila ang susi pero kaninang umaga pa iyon! Hindi naman daw nagsabi si Jenny kung saan pupunta kaya walang idea ang mga guard ko. “Where are you, sweetheart? I hope and pray that you're okay– wherever you are.” Usal ko na nagsisimulang mamigat ang dibdib ko at maluha. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa bayan. Iniisa-isa ang mga restaurant at coffeeshop na maaaring kinaroroo

