JENNY'S POV: NANGUNOTNOO ako na naririnig ang pagtilaok ng mga manok ng ninong pero hindi na sa tapat ng silid namin. Medyo malayo ang mga ito kaya hindi sila masakit sa tainga. Napangiti ako na nagsumiksik pa sa dibdib ng ninong. Nakatitiyak naman kasi akong siya itong katabi ko. Dahil sa amoy niya at higit sa lahat? Ang laki niya. Para akong kuting na nakakulong sa bisig ng isang lion sa itsura naming dalawa. Kinikilig ako na naiisip ang mga namagitan sa amin ng ninong kagabi. Lalo na ang mga napag-usapan namin. Alam kong mali na tanggapin ko ang pag-ibig ng ninong pero– ang puso ko ang pinairal ko kagabi. At wala akong pinagsisisihan sa mga namagitan sa amin. Kahit na halos mag-s*x na kami ni ninong kagabi! Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang paninigas ng mga hita kong nangalay k

