SIMON'S POV: NAKATULALA akong mag-isang umiinom ng alak dito sa kusina. Pasado alasdos pa lang ng madaling araw. Hindi na kasi ako dalawin ng antok. Nahihimbing naman na si Jenny sa silid ko. Napailing ako na muling nilagok ang shot ko. Naiisip ang napag-usapan namin kagabi. Kung paanong kay bilis kong umamin sa kanya ng nadarama ko para sa kanya. Alam kong bata pa siya. Wala pa sa isipan niya ang pag-aasawa. Nag-aaral pa siya at marami pang pangarap na gustong abutin. Pero hindi na ako makapaghintay pa. Habang lumilipas ang mga araw, paiksi na nang paiksi ang oras ko na kasama siya. Dahil sa oras na maayos na ni Noah ang gusot ni Jenny sa Manila, tiyak na susunduin na niya ang anak niya dito. “Ang aga naman niya'n, anak.” Napalingon ako sa may pintuan nang marinig si Manang Virgi

